Halos isang linggo na din ang nakalipas simula ng malaman namin ng pamilya ko at pamilya ni, Gray ang tungkol sa peke naming kasal.
Isang linggo na din ako nitong kinukulit pero kahit anong gawin nito ay hindi ko siya hinaharap. Hindi pa ako handa, hindi ko pa kaya.
Sobrang sakit, at kahit siguro anong paliwanag niya ay hindi ko alam kung maiintindihan ko, sana kasi sinabi nalang niya. Sana una palang gumawa na siya ng paraan para hindi matuloy itong kasal namin, hindi yung ganto. Andito pa din ako kina Mommy nagi-stay.
Nag-decide sila Mom and Dad na dalhin ako sa Canada, andon ang isa sa mga kapatid ni Daddy, don daw muna ako para makalimot ako, dahil kung andito ako sa pilipinas ay guguluhin lamang ako ni Gray.
Ito naman ang gusto niya simula pa lang ang hindi matuloy ang kasal namin kaya bakit pa ito naghahabol ngayong alam na namin na peke ang kasal so ibig sabihin wala ng kailangan pang pagusapan pa.
TOK TOK TOK
Napalingon ako sa may pintuan. "Zeph, Mommy mo 'to." rinig kong sabi nito kaya tumayo ako at pinag-buksan siya.
"Ano po yun, Mom?" tanong ko saka naupo sa kama ko.
"Here's your passport papuntang Canada, next week aalis na tayo." sabi ni Mommy at natahimik ako.
"Don't tell me hindi mo kaya? Nak nama---"
"Kaya ko po, pupunta ako sa Canada next week." sabi ko dito saka yumuko.
Kaya ko, at dapat lang na kayanin ko.
"Makakalimutan mo din siya, hija." sabi ni Mom sabay yakap sakin kaya napapikit nalang ako at pinipigilan ang maiyak.
______________________
KINABUKASAN
Naupo ako maliit na bangko sa may Garden habang pinipitas ang mga dahon na malapit ng mamātay. Wala sila Mommy dahil may inaasikaso daw sila.
"Hindi ko alam na hardinera kana pala."
Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako ng makitang si Gray 'yon.
"Gray?! Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.
"Gusto kitang makausap." sabi nito kaya huminga ako ng malalim saka tumayo dahil baka biglang dumating sila Mom at makita pa siya.
"Umalis ka na!" sabi ko dito saka tumalikod pero hinawakan nito ang kamay ko.
"Niah, please." sabi nito at hinarap ko siya.
"Wala na tayong dapat na pagusapan, at saka diba nga dapat masaya kana dahil malaya ng maging kayo ni Angelica?!" inis kong sabi.
"Hindi mo ako naiindihan---"
"Hindi talaga, kaya umalis kana, pakiusap!" sabi ko at tumalikod nako.
"M-Mahal kita, Niah. Ma-Maniwala ka!" sabi nito at natigilan ako at hinarap siya.
Hindi agad ako umimik pero maya-maya ay ngumisi na din ako.
"Ma-Mahal mo ako?!! P-Paano?!! Pineke mo nga ang kasal natin, diba? Tas sasabihin mong mahal mo ako.." sigaw ko at muli ay hinawakan ako nito pero hinila ko lang ulit ang kamay ko.
"M-maniwala ka, nagsisisi ako..kung kaya ko lang ibalik yung nakaraan hinding-hindi ko gagawin 'yon.." sabi nito ng naiiyak na..gustong-gusto kong maniwala pero kumukontra ang isip ko sa sinasabi ng puso ko..
"H-Hindi ko alam, Gray! Hindi ko alam!" sabi ko.
"Pl--Please, bigyan mo pa ako ng isang chance na patunayan sayo na mahal na mahal kita..." sabi nito at umiling ako.
"Huwag na..wala na tayong pag-asa pa..saka..aalis na din ako.." sabi ko sabay tingin sa malayo.
"N-Niah naman." sabi nito at agad na pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
"M-Maging masaya ka nalang kay Angelica.." sabi ko at tumalikod na at iniwan siya, nagsasalita pa ito tungkol sa kung gaano ako nito kamahal pero hindi ko magawang maniwala.
Nagsinungaling siya sakin ng tatlong-taon! Buong pagmamahal ko binigay ko na sakaniya pero hindi padin pala sapat 'yon para umamin siya sakin..baka mas natanggap ko pa o napatawad ito kung sakaniya mismo nanggaling pero hindi, parang balak pa ata niyang paniwalaan ako sa isang kasinungalingan na siya mismo ang nakaisip, ang galing..sobrang galing, kaya ngayon hinding-hindi na ako maniniwala sakaniya kahit na anong mangyari.
Muli ay nagkulong ako sa kwarto at maghapon na hindi lumabas.
_________________
Nagising ako sa katok mula sa labas kaya kahit sobrang sakit ng ulo dahil sa kakaiyak ko kanina ay tumayo padin ako.
Sinilip ko ang oras sa wall clock at pasado alas diyes na pala ng gabi.
Sumilip ako sa may bintana at sobrang lakas ng ulan sa labas kaya diko makita kung may tao o wala pero may kumakatok padin kaya bumaba na ako.
Naabutan ko sila Mom na mukhang galit na galit kaya kahit pinapaakyat na nila ako ay diko sinunod 'yon.
"Talagang sinasagad ng lalaking 'yan ang pasensiya ko, bakit ang tagal dumating ng police." sabi ni Dad at biglang pumasok sa isip ko si Gray...hindi kaya siya yung kanina pang nakatok.
"M-Ma si Gray po---"
"Umakyat kana Zephaniah!" utos nito sakin pero hindi ko sinunod..lumabas ako at kahit rinig ko ang sigaw nila Mom sakin ay nilapitan ko padin si Gray na basang-basa ng ulan at may sugat pa ito sa mukha.
"G-Graaay.." bulalas ko at agad tong tinulungan na makatayo..
Pinapasok ko muna siya sa may garden at inutusan si Manang na kumuha ng towel.
"Nasisiraan ka naba, ha?!" sigaw ko dito pero tiningnan lang niya.
"S-sabi ko naman sayo mahal kita Niah..handa akong maghintay sa labas kahit anong mangyari.." sabi nito ng nanginginig na sa lamig.
Nakita ko ang galit na mukha ni Dad na lumapit saamin, hinila ako nito palayo kay Gray.
"Umalis ka na Grayson habang nakakapagtimpi pa ako dahil baka hindi lang 'yan ang abutin mo, parating na ang mga pulis kaya naman umalis kana." sabi ni Dad pero umiling lang to.
"H-Hindi po ako aalis dito Dad...gusto kong maayos kami ni Niah..please.." sabi nito at sinuntok siyang muli ni Dad kaya pumagitna na ako...
"T-Tama na Dad, please.." sabi ko sabay yakap dito ng mahigpit, "Tama na po!"
"Ang kapal ng mukha mong tawagin pa akong Daddy, hindi ka asawa ng anak ko, diba! At sa tingin mo, ganon-ganon lang 'yon..pagka-sorry mo tapos na .." sabi ni Dad at nakayakap padin ako dito dahil baka masaktan lang niyang muli si Gray.
"U-umalis kana please..." pakiusap ko saka hinila na si Dad papasok.. pagpasok namin ay agad tinawag ni Dad si Mom..
"Magligpit kana ng gamit mo, Zephaniah!" sabi ni Dad sabay may kinontak sa cellphone niya.
"Dad??!" usal ko
"Do what I say, faster!" sigaw ni Dad kaya hinila na ako ni Mom.. tinulungan ako ni Mom sa pagaayos ng gamit ko.
"M-Mom...aalis na po ba talaga ako ngayon?" tanong ko at hinawakan nito ang magkabila kong pisngi.
"This is for your own good, anak." sabi ni Mom sabay halik sa ulo ko, naiyak na lamang ako..
Pagdating namin sa Airport ay agad na napahawak ako braso ni Mom.
"Your Tita Mayette is in Canada. So, don't worry dahil andon din ang mga pinsan mong matagal mo ng hindi nakikita." sabi ni Mom pero nakayuko padin ako habang hawak ang flight ticket ko.
"Magiging okay din ang lahat..at kapag alam mong okay kana, bumalik ka dito." sabi ni Mom at tumango ako saka siya niyakap.
'NH-0007'
Nang marinig ko 'yon ay tuluyan na akong naiyak..
"Bye baby.." sabi ni Mom sakin sabay halik ng paulit-ulit sa noo ko.
"Ingat ka don.." sabi nito at tumango ako saka hinawakan ang maleta ko at naglakad na paalis.
_____