Inaya naman agad ako ni Zaneyah sa loob at tatanggi sana ako dahil baka magalit si Niah pero napakakulit na bata at hinihila talaga ako kaya naman nangangalahating oras palang ako na nagi-stay ay isang Niah ang nagmamadaling pumasok.Gulat na gulat ito ng makita ako pero ngumiti ako saka itinaas ang isang kamay ko para mag Hi sakaniya pero isang nanggigil na tingin ang ginawad lang niya.
"What are you doing here?" tanong agad nito sakin.
"I'm here because I want to talk to you, Niah." saad ko pero umiling 'to.
"I'm a busy person Grayson so I don't have time to argue with you!" sabi nito at tiningnan si Ate kanina na nakausap ko at kinuha ang kambal.
"I'm a busy person too Niah pero I can cancel all of my meetings and works para lang makapagusap tayo." sabi ko dito.
"No need Gray, wala tayong paguusapan. You can leave now, please." sabi nito pero patakbong lumapit si Zaneyah kay Niah at niyakap 'to ng mahigpit habang umiiyak.
"N-No Mommy, please, w-wag mo pong paalisin si Daddy, please Mommy, please." patuloy nitong iyak.
Agad naman umupo si Niah para magpantay sila.
"Zane, l-listen to Mommy, okay. Go to your room then play with your Kuya Zach." sabi nito pero umiiling lang si Zane kaya napapikit ako ng mariin lalo na ng maglumpasay ito sa kakaiyak.
"Zane." tawag ko dito at agad siyang lumapit at niyakap ako.
Hinawakan ko ang magkabila nitong pisngi at pinalis ang luha nito.
"Stop crying, andito lang ako, maguusap lang kami ng Mommy mo." sabi ko.
"P-Promise hindi po kayo aalis." tanong nito at umiling ako kaya naman suminghot-singhot ito at lumapit na sa Yaya nito.
"You can go now, Gray. Ako na bahala ang magexplain kay Zane mamaya."
"Alam kong galit ka sakin sa ginawa ko pero...may karapatan ako sakanila, please Niah! Nakikiusap ako, wag mo silang ilayo sakin." sabi ko pero agad 'tong lumapit at tinulak ako palabas.
"Leave. Ayokong makita ka, nakikiusap din ako." sabi nito at sinara ang pinto.
Sinubukan kong kumatok pero alam ko namang hindi ako nito pagbubuksan pero di ako susuko, babalik at babalik ako kung kinekailangan ay aaraw-arawin ko ang pagpunta dito gagawin ko.
ZEPHANIAH'S P.O.V
Nakatulog na din si Zane kakaiyak kanina nung malaman nitong umalis na si Gray.
I don't wanna see my daughter crying because of my decision pero paano? Am I ready to forgive his father?
"Ate Zeph!" tawag ni Avah saakin kaya natigilan ako sa mga iniisip ko.
"What?" saad ko saka inabot nito ang phone niya na ang caller ay si Mommy, kinuha ko naman 'yun at kinausap siya at lumabas ng kwarto saka sinundan si Avah sa sala.
"Hello Mom, what is it?" tanong ko
"Zaneyah called me earlier, what happened? Paano nagkita sila ng Daddy niya?" tanong agad ni Mommy kaya napabuntong hininga ako.
"I'm sorry, Ma. I forgot to tell you, Gray and I met in Mall, hindi ko alam na makikita kami ni Gray don." explain ko.
"Problema 'to dahil alam na ng Daddy mo, anong ipapaliwanag na'tin sakaniya." sabi nito at napahawak ako sa ulo ko.
"Uhm. Let me explain to him nalang, Mom."
"Okay but what your decision? Sobra ang iyak kanina ni Zaneyah, 'wag mong sabihing susuwayin mo ulit ang Dad mo." sabi nito.
"Hindi ko alam, Mom. Bahala na." sagot ko at naupo sa couch at napasuklay pa sa buhok ko gamit ang kamay ko.
"Si Zephaniah ba 'yan?" rinig kong sabi ni Daddy sa kabilang linya, hindi ko pa ito nakakausap pero alam kong galit ito kaya agad na akong nagbabye.
"Ate Zeph, ano nang gagawin mo?" tanong ni Avah saka tumabi saakin.
Hindi ako sumagot.
"Hindi naman sa nanghihimasok ako, this is only my opinion. Why don't you let Kuya Gray meet his child? After all nagbayad na ito ng limang taon sa kulungan and he deserve to take care the kambal." sabi nito.
"Ang sama-sama ko bang nanay, Avah?" tanong ko dito at umiling to.
"No. You're so brave nga eh, after all this years, kinaya mong alagaan ang kambal without the support of Tito Alex's money either Gray. You raised them with your own. Ang saakin lang time na siguro to let Kuya Gray to support them." sabi nito at napatakip nalang ako sa mukha ko gamit ang dalwang kamay ko.
"Pag-isipan mo Ate Zeph." sabi nito at umalis na sa tabi ko.
____________
Naisipan kong puntahan ang kambal dahil hindi pa din ako makatulog.
Inayos ko ang pagkakakumot sa dalwa at mukhang nagising ko si Zach.
"M-Mommy?" sabi nito at ngumiti ako at hinawakan ang pisngi nito.
"Sleep ka pa." sabi ko pero umupo ito at agad nagpungas-pungas ng mata nito.
"Why are you still awake, Mom?" tanong nito pero umiling lang ako.
"Are you still thinking of him? Why? Do you still love him?" tanong nito at saka ko narealize na sa t'wing babanggitin nito ang Daddy niya ay puro 'him' lang. Maybe he's not ready din to meet his Dad or ina-assume ko lang 'yon.
"I don't know Mom if I want to meet my Dad because of what he did to you pero if you still love him or Zaneyah requested it to you na he wants to meet him...it's okay to me..." sabi nito at natawa ako ng mahina dahil five years old palang si Zach pero kung magisip ito ay parang mas matured pa sakin and alam ko kung kanino niya 'to namana.
Hinawakan ko ang dalwang kamay nito at hinalikan 'yon.
"I'll think about it, baby." sabi ko at niyakap siya.
"Sige na sleep ka na...maaga pa kayo bukas e." sabi ko at nahiga na nga ito at inayos kong muli ang kumot nila at lumabas na.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa kisame.
Agad akong pumasok sa kwarto at kinuha ang phone ko sa table at kinontak ito.
How did I know his number? Simple, because every time I changed my number nalalaman at nalalaman nito ang bago kong number at di ko alam kung paano nito nalalaman. Or maybe because of my cousin. Avah!
Ang pagbubuntis ko lang sa kambal ang di nito nalalaman dahil nag-deactivate ako sa lahat ng socialmedia acc ko.
"Hello, Niah." bakas sa boses nito ang pagkabigla.
"Busy ka bukas?" tanong ko.
"Uhm. No! I'm not, why?" tanong nito.
"Magkita tayo bukas sa itetext kong location." saad ko at magsasalita pa sana ito ng i-end ko na agad saka ako huminga ng malalim.