Pagdating namin sa kubo-kubo na malaki sa tabing-dagat ay nag-hi agad ako kay Tita Beth.
"Maupo na kayong dalwa." sabi ni Mommy samin at naupo nga ako sa tabi ni Gray, ako sa right at si Angelica naman sa left niya.
Nagsimula na kaming kumain pero nilagyan ko muna ng pagkain ang plato ni Gray kaya napalingon to sakin.
"Ako na.." mahina nitong sabi.
"No, ako na. What do you want, love?" tanong ko dito at ng mapansin niyang nakatingin samin ang mga parents namin ay umu-o nalang to.
"Ikaw ng bahala." sagot nito kaya ngumiti ako at pinagsandok na nga ito.
"Nako, ang sweet mo naman Zeph sa asawa mo, ganyan talaga dapat." nakangiting sabi ni Tita Beth.
"Ikaw?" biglang tanong ko kay Angelica kaya natigilan to at di alam ang sasabihin.
"Gusto mo din bang lagyan kita? Matagal din tayong hindi nagkita." nakangiti na sabi ko at napatango ito kaya agad kong kinuha ang plato niya.
"Eat well." saad ko pa sabay lapag nong plato niya sa harap nito.
"Thank you!" sagot nito at nag-start na kaming kumain.
After naming kumain ay inayos na ng mga Maid ni Mommy ang pinagkainan namin at saka sila kumain, wala ngayon si Nanay dahil darating nga ang anak nito galing states.
"Woi!"
"Aacckk!" sigaw ko dahil sa gulat ko at napasapo pa ako sa dibdib ko, agad na nilingon ko kung sino yung nang-gulat sakin at si Dark pala 'yon.
"Ikaw lang pala!" sabi ko sabay hampas ng mahina dito.
"Oy grabe to, sadista!" natatawa niyang sabi.
"Hay nako, diyan ka na nga ang OA mo eh!" sabi ko at iniwan na nga siya pero sumunod naman to sakin.
"Woi, sandali lang!" rinig kong sigaw nito kaya nilingon ko siya pero nagulat ako ng may camera na itong hawak at nakatutok sakin.
"Nice!" nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa camera niya.
"Woi, ano 'yan?" sigaw ko.
"Hahahaha dagdag collection lang, wag kang madamot kapatid!" sabi nito kaya sinimangutan ko siya.
"Smile!" rinig kong sigaw nito.
"Ayoko, humanap ka ng iba!" sigaw ko .
"Tss. Okay, maghahanap nalang ako ng matangkad at sexy at higit sa lahat maganda... si Angelica nalang kaya!" sabi nito kaya mas lalo akong napasimangot.
"Maganda ba talaga siya?" tanong ko dito at natigilan ito.
Kaya ba mas gusto ni Gray na halikan si Angge kesa sakin.
"Huuy. Ayos kalang?" tanong nito.
"Hindi! BAHALA KA DIYAN!" sabi ko dito at iniwan na tong napapakamot sa ulo niya.
Agad kong hinanap si Gray pero diko siya makita.
Nakasalubong ko naman si Mommy Beatrix at siya nalang ang tatanungin ko.
"Ma, nakita nyo po ba si Gray?" tanong ko.
"Hindi eh, check mo sa room nyo baka nagpapahinga." sabi nito kaya tumango ako at nagpaalam na.
Agad na nagpunta ako sa room namin pero wala ito. Asan siya?
Sunod ko namang nakasalubong ay si Dark.
"Nakita mo ba si Gray?" tanong ko dito.
"Si utol? Andon kausap si Angelica sa tabing-dagat." sabi nito kaya nanlaki ang mata ko.