_________________
Nakarating nga kami sa bahay nila Mommy at medyo kinabahan ako dahil ilang years din talaga kami hindi nagkita nito.
Pagpasok nga namin ay isang familliar na babae agad ang nakita ko. Gusto kong maiyak lalo na ng ngumiti ito sakin.
"N-Nay..." saad ko at agad akong lumapit dito.
"Ang batang ito oh, hindi ka pa din nagbabago at napaka-iyakin mo pa din." sabi nito kaya agad ko siyang tiningnan.
"N-Nay, namiss po kita..." sabi ko at pinunasan nito ang luha sa pisngi ko.
"Bakit siya po 'yung inaalagaan niyo at hindi ako." sabi ko sabay turo kay Grayson na masama ang tingin, natawa naman si Nanay Amelia lalo na ng itaas ni Gray ang dalwang kamay niya na parang sinasabi na inosente siya.
"Hay nako bata ka, mag-ayos na kasi kayo at ng pareho ko na kayong maalagaan." sabi nito at sumimangot ako.
"Sige, Nay, kumbinsihin niyo pa po siya, please lang Nay, nakikiusap po ako." pero natigil 'to sa sinasabi lalo na ng tingnan ko siya ng masama.
Maya-maya nga ay bumaba na si Mommy Bea at hindi nakapagsalita kaagad ng makita ako lalo na ang kambal.
Agad namang lumapit sa kaniya ang magkapatid at niyakap siya.
"Si Daddy nga pala, Nay?" tanong nito kay Nanay Amelia.
"Nako, andon sa may pool nagi-ihaw." sagot nito.
Napatingin naman si Mommy sakin at agad akong niyakap. "I miss you, Zeph." umiiyak nitong sabi kaya naluha na din ako.
Siya talaga ang tinuturin kong pangalawang ina ko, si Nanay Amelia ang una at siya ang pangalawa at si Mommy ko talaga ang natuturin kong pangatlong ina, ewan ko ba, alam 'yon ni Mommy dahil hindi naman kami masyadong nagkakasama noon dahil puro sila work ni Daddy kaya naman si Nanay Amelia ang naturin kong ina talaga, at si Mommy Bea ang pangalawa ng makilala ko si Grayson dahil mas malapit pa kami kesa sa totoo kong Mommy, pero I love my real Mom, kaso hindi ko lang masabi dito lahat ng gusto kong sabihin like paano ko masabi ang lahat ng problema ko kina Nanay Amy at Mommy Bea.
"Thank you for visiting us with the kambal." naiiyak nitong sabi.
Tumango na lamang ako at dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.
At dahil hindi pa din talaga tapos ang mga niluluto nila, ewan ko ba at ang daming pinahanda ni Mommy Bea e kami-kami lang naman.
Inaya ako ni Mommy Bea sa may Balcony para makapagusap-usap daw man lang kami dahil sobrang namiss daw talaga niya ako.
"How are you, My sweetest daughter in law?" tanong nito kaya naman parang maiiyak nanaman ako.
"I'm okay, really really okay..."
"Without Grayson?" tanong nito kaya naimpit ang dila ko at napakurap-kurap ng ilang sandali.
"Ayokong pangunahan ka dahil alam kong sobrang...sobrang sakit..sobrang sakit ng ginawa sa'yo ng anak ko at kahit kami. Nasaktan kami noong nalaman namin 'yon pero sobrang saya namin ng malamang totoo pala talaga ang lahat..." kwento nito kaya pinahid ko agad ang luha ng tumulo sa pisngi ko.
"I know Grayson wants to let you go that time para hindi ka na mahirapan pa pero...mahal ka daw talaga niya...I'm sorry, why I am doing this?" sabi nito at pareho kaming huminga ng malalim.
"For me, Zeph, gusto ko lang sanang maayos ninyo ang sainyo lalo na may kambal na kayo, kung tingin mo wala ka ng nararamdaman sakaniya go, tell him to stop pero kung may nararamdaman ka pa pero natatakot ka lang na baka saktan ka lang niya uli, ako na nagsasabi sa'yo. He changed and he loves you so much. So, why don't you give him a chance? A chance to show you how much he loves and care for you." sabi nito.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon at tumingin sa malayo.
Nabasag ang katahimikan saaming dalwa ni Mommy Bea ng biglang may nag knock knock at agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at tiningan kung sino. It's Gray.
"Ready na ang food." sabi nito pero sakin siya nakatingin. Tumayo na nga kami para sundan ito.
Nang nasa hapag na nga kami ay masayang nakikipagusap ang kambal sa Lolo at Lola nila.
Tuwang-tuwa naman si Mommy kay Zaneyah dahil sobrang bibo daw at si Zach naman kabaliktaran ng ugali kay Zaneyah dahil sobrang tahimik.
"Hija, sana dalasan niyo ang pagdalaw dito ng kambal." sabi ni Daddy Toni sakin kaya ngumiti ako.
"Kahit kami nalang ang dadalaw sainyo, ayos lang para naman makita namin ang kambal ." sabi nito.
"Sige po, pagusapan po namin ni Gray." sabi ko at tumango saka ngumiti sakin si Daddy Toni.
After nga ng dinner ay nagpasiya na kaming umuwi at nagpaalam kaagad ang dalawa.
"Lolo, Lola, invited po kayo sa birthday po namin." sabi ni Zach sabay labas ng invitation card sa bulsa ng jacket niya at napangiti ako dahil ni-ready pala talaga nito ang card na yon to give them.
"Oh, thank you! We promise to attend, hindi pwedeng hindi." sabi ni Daddy Toni sabay tingin sakin at tumango ako.
Nagpaalam na nga kami sakanila at niyakap ko pa si Mommy Bea at Daddy Toni bago umalis.
__________
Pagkarating namin sa bahay ay agad kong binuhat ang tulog na si Zane at si Gray naman ang bumuhat kay Zach at dinala namin ito sa room nila.
Inalis lang muna namin ang suot na sapatos at kinumutan saka lumabas na.
"Uuwi na ako." paalam ni Gray kaya agad ko siyang tiningnan.
"Uh...Let's talk..." saad ko at hindi naman ito kumibo.
Huminga muna ako ng malalim at nauna na ngang lumabas. Nasa sala nga kami at naupo doon.
"Uh. Yung sinabi ni Daddy Toni kanina, na gusto nila makita ang kambal." sabi ko at tumango ito.
"I know nagprisinta ka na sunduin ang kambal every weekdays. Naisip ko sinunsundo mo naman sila and gabi na din naman ako umuuwi minsan, ipasiyal mo ang kambal sakanila kahit Mon,Wed,Fri o bahala ka basta mga 6:30 ng gabi ibalik mo na sila dito and Sunday kagaya nga ng usapan natin sa'yo ang kambal so ang Tue, Thur, and Sat is saakin, okay ba?" sabi ko.
"Hindi ka na lugi non kasi halos everyday oh except Saturday pala is nakakasama mo ang kambal, so ano? Okay na tayo?" tanong ko at tumango ito.
Tumayo na nga ako. "So, that's it. Pwede ka ng umuwi." sabi ko.
" 'Yun lang? 'Yun lang talaga? Wala ka ng ibang sasabihin?" tanong nito.
"Wala na so pwede ka ng umuwi." masungit kong sabi saka tinulak ito ng mahina palabas pero pinigila nito ang kamay ko.
"I have something in my mind right now." sabi nito kaya napairap ako.
"You know, Mister Montero, wala akong pake sa 'something' na 'yan, makakauwi ka na." sabi ko at itutulak uli sana ito pero pingilan nanaman nito ang kamay ko.
"Bitiwan mo ang kamay ko." seryosong sabi ko pero kinorner lamang niya ako sa may pintuan kaya napaawang ang labi ko pero para naman akong mawawalan ng hininga ng ilapit nito ang mukha niya sakin.
As in konting maling galaw mo lang ay baka maglapat ang hindi na pwedeng maglapat.
"Goodnight, Niah." sabi nito saka napasinghap ng maramdaman ko ang labi nito sa pisngi ko at binitiwan na ang braso ko at pinat ang ulo ko saka umalis na, agad na napahawak ako sa dibdib ko at diko alam bigla kong naalala ang sinabi ni Mommy Bea kanina.
_____