AFTER SIX YEARS!!!
"Ate Zephaniah, wake up." rinig kong tawag sakin ni Avah.
"Hmm." tanging sagot ko na lamang.
"We're here na." nakangiti nitong sabi at napatingin ako sa labas ng bintana at nasa Airport na nga kami.
Tumayo na ako at tutulungan ko sana itong bitbitin ang mga luggage namin ng tumanggi to.
"Kami na ni Kuya 'to. You still carrying both Zach and Zaneyah." sabi nito at napabuntong hininga ako
"I'm okay, I'm not sleepy anymore." seryosong sabi ni Zach na pumupungas-pungas pa kaya napailing nalang ako at hinawakan nalang to sa kamay niya.
Sinalubong naman kami ni Mommy paglabas namin at kasama nito ang ibang kasambahay at tinulungan kaming bitbitin ang iba naming luggage.
"Hi Mom." bati ko dito at nagising naman ang bitbit kong si Zaneyah.
"Hello, Grandma. Where's Grandpa?" malungkot nitong tanong kaya napalingon ako sa paligid at ng makitang wala si Dad ay napabuntong-hininga nalang.
"Nasa house si Grandpa, maybe he has a surprise for both of you." nakangiti kong sabi at parang nabuhayan naman ang kambal at nakangiti kong tiningnan si Mommy at umalis na kami.
Pagdating namin sa bahay ay andon nga si Daddy pero mukhang busy dahil may kinakausap ito sa phone niya at huli na para sabihan ang kambal na wag munang istorbohin si Grandpa nila.
"Grandpa, how are you? We miss you so much!" sabay na sabi ng kambal na kinagulat nito at magagalit sana at sisigaw dahil nga muntik itong mapamura pero humingang malalim muna ito saka sumenyas kay Mommy na ilayo ang kambal at umakyat na sa kwarto nito.
Napansin naman ni Avah ang atmosphere sa bahay kaya kinuha niya muna ang kambal at dinala sa kwarto ko.
"Mom, hanggang kailan magiging ganyan si Daddy?" seryoso kong sabi.
"Hayaan mo nalang muna." mahinang sabi nito at umiling-iling ako.
"I know the reason why he acting like that, it's because of me, I got pregnant...and Grayson is the father pero...okay lang kung saakin lang siya magiging cold pero kung pati sa mga anak ko. Mom, I'm sorry pero hindi kami magkakasundo ni Dad."
"Hayaan mo kakausapin ko siya, alam mo naman ang Daddy mo napakataas ng pride." sabi nito.
"I know that's why I'm here and willing to apologize to him as much as he want but he don't need to treat my child like that. I'm sorry Mom." sabi ko dahil kay Mommy ko nanaman naibubuhos lahat ng sama ng loob ko.
It's been Six Years! Sa Six Years na 'yon hindi nito dinalaw o binati man lang ang kambal. Alam kong galit siya dahil after makulong ni Grayson ay ilang weeks palang nalaman kong nagdadalang tao ako.
He's very mad at that time but he no choice. Kailangan kong palakihin ang baby ko kaya ipinabalik niya ako sa canada, ayaw pa sana ni Mommy dahil siya nalang daw ang magaalaga sakin pero nagprisinta nalang akong si Tita Mayette nalang ang magaalaga muna sakin para wala ng gulo.
"I can't take this Mom, kay Avah nalang muna ako tutuloy habang dipa ako makakahanap na malilipatan, for tonight I stay." sabi ko at di na ako napigilan ni Mommy.
D I N N E R
"What is your plan now, Zephaniah?" tanong ni Dad habang nasa hapagkainan kami kaya napatigil ako.
"What do you mean plan?" tanong ko.
Huminga ito saka tumingin saakin. "Last year nakalabas na siya. So, anong plano mo? Ipapakilala mo ang mga apo ko sa gsgong 'yun." sabi nito at pareho naming natakpan ni Avah ang mga tainga ng kambal.