CHAPTER ONE

1.2K 18 0
                                    

ZEPHANIAH
_____________

Nagising ako ng maramdaman ang sakit sa leeg ko, malamang ay nangalay ito sa pagtulog ko ng nakaupo habang ang ulo ko ay nasa kama.

Nilingon ko ang paligid, wala nasi Gray sa kwarto kaya tumayo ako.

'Don't you dare...touching me..you're not my wife!'

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng maalala ang sinabi niya sakin kaninang madaling-araw.

Ano bang ibig niyang sabihin?

Natigilan ako ng bumukas ang pinto, si Gray. Nakapambahay lang ito, wala itong pasok ngayon dahil sunday.

"Gray..."

Tawag ko pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Punta naman tayo kina, Mommy." sabi ko.

"Edi pumunta ka." sagot nito at may kinuha sa drawer .

"Hindi ka sasama?" tanong ko.

"Pagod ako." sagot nito at lumabas na.

Huminga ako ng malalim.

Bumaba na lang ako at naabutan ko si Nanay Amelia na nagluluto ng pananghalian namin.

Magaalas-dose nadin pala.

"Anong gusto mong inumin? Kape o gatas?" tanong nito.

"Kape nalang po." sagot ko at ngumiti to sakin at pinagtimpla na niya ako.

"Zeph, mag-grocery pala ako, may papasabay ka?" tanong nito na kinatigil ko.

"Pwede akong sumama?" tanong ko, mukhang hindi nalang muna ako dadalaw kina Mommy dahil panigurado lang na magtataka yon kung bakit hindi ko kasama si Gray.

"Okay lang naman." sagot nito kaya tumango ako.

Bumalik ako ng kwarto at nagsuot ng blazer dahil naka-pajama lang ako at Tshirt, inayos ko na lamang ang buhok ko at kinuha na ang bag ko at bumaba.

"Love..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil mukhang wala naman itong pakialam.

Sumakay na kami ni Nanay sa tinawag nitong Taxi, may kotse kami dito pero hindi ako marunong magdrive.

"Akala ko uuwi ka ngayong sunday?" tanong ni Nanay Amy sakin.

"Hindi na po muna, pagod po kasi si Gray ngayon." sagot ko at ngumiti ng peke.

Hindi na lamang sumagot si Nanay Amy at tumingin sa labas.

Pagkarating namin sa Mall ay naghila na agad ako ng cart at nagikot kami.

Nasa meat shop ako habang si Nanay ay nasa bandang Vegetable ito ng may kumalabit sakin.

"Zephaniah!" tawag nito sakin at nilingon ko naman ito.

Si Dark!

Ang kapatid ni Grayson.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"Sinamahan ko lang si Nanay Amelia na mag-grocery, ikaw?" tanong ko.

"Nagpasama sakin si Mommy na mamili." sabi nito na kinagulat ko, andyan si Mommy Beatrix.

"Wait, ayun siya oh." sabay turo kay Mommy Beatrix na busy sa pagpipili ng mga gulay.

Niyaya niya akong lumapit kay Mommy at sumunod naman ako.

"Mom." tawag nito at napalingon to samin.

"Zeph, andito ka pala? Sinong kasama mo, ha?" tanong nito sakin.

"Namimili po kami ni Nanay Amelia, naubos na kasi ang stock sa bahay." sagot ko.

"Hindi mo ba kasama ang asawa mo?" tanong nito at tumingin sa paligid.

"Nasa bahay po siya..napagod po ito dahil sa dami nitong trabaho na ginawa ng weekdays." sagot ko nalang.

"Pero dapat sinamahan ka pa din." sagot nito at ngumiti nalang ako at nakita ko naman si Daddy Toni na papalapit samin kaya agad na yumuko ako.

"Oh andito ka pala, si Grayson?" tanong nito .

"Nako yang panganay mo, Antonio! Hindi sinamahan itong asawa niya." inis na sabi ni Mommy at nakita ko ang pag-iling ni Daddy na parang kahit ito ay disapointed nanaman kay Gray. Lagot na!

Pagkatapos naming mamili ay nagprisinta si Mommy na ihatid kami sa bahay at tatanggi pa sana ako dahil malayo na ang bahay namin sa bahay nila kung ihahatid pa nila kami pero ng si Daddy Toni na ang nagsabi ay wala na akong nagawa.

Katabi ko ngayon si Dark habang si Mommy nasa harap.

"Lagot talaga sakin yang asawa mo!" inis na sabi ni Mommy na parang ako ang anak nito at si Gray ang manugang.

Nagkatinginan kami ni Dark at natawa kaming pareho at napailing.

"Nako, itext mo nasi utol na ihanda ang tainga nito." mahinang sabi ni Dark sakin na natatawa.

Ginawa ko nga ang sinabi nito pero wala sa bag ko ang phone ko kaya nilingon ko si Dark.

"Wala yung phone ko, naiwa ko sa bahay." sagot ko at inabot naman niya sakin ang phone niya pero ng itetext ko na siya ay biglang nadead batt ito. shocks!

"Ay sorry!" sabi nito na napapakamot sa ulo niya kaya napailing nalang ako.

Pagkarating namin sa bahay ay tinulungan na agad kami ni Dark na ilabas ang mga pinamili namin ng mag-doorbell si Mommy ng sunod-sunod at ilang sandali lang ay dumungaw nasi, Gray at halatang nagulat 'to.

Bumaba ito at sinalubong kami.

"Ma.." sabi nito sabay halik sa pisngi ni Mommy at nakipag-akap naman siya kay Daddy Toni.

"Bat hindi mo sinamahan si Zeph? Alam mong hindi siya marunong magmaneho at hinayaan mo lang siyang mag-grocery with Manang Amelia." sermon ni Mommy at hindi nakasagot si Gray at tinulungan nalang kami nito sa pinamili namin.

Pagkapasok namin ay bigla tong nagsalita. "Did you do this on purpose?" inis na sabi nito na ikinagulat ko. "Are you happy now?" sabi niya at inis na inunahan akong maglakad.

Ano nanaman bang problema niya?

Nilagay nanamin sa kusina ang pinamili namin at nagstart ng maghanda si Nanay Amelia ng pagkain dahil dito na sila magla-lunch.

Habang nasa dining kami ay tahimik lang ako.

"Oo nga pala, magtagal ko na dapat tong tinanong sainyo. Kailan ba kayo magkakanak ha?" tanong ni Dad kaya nasamid ako at kita ko ang pagtiim baga ni Gray.

"Hindi pa namin napaguusapan yan, Dad." sabi nito.

"Bakit hindi pa? Grayson, tatlong taon na kayong mag-asawa." inis na sabi nito.

"Samin na pong mag-asawa yon, at tsaka ayaw pa din naman ni Niah yon eh, diba Niah!" sabi nito na may diin sa mga salita nito kaya natigilan ako at nilingon sila.

"O-opo.. twenty three palang naman po kami..b-baka po next year." sagot ko nalang para hindi na sila magtanong pa. Nakita ko ang ngisi nitong ayaw na ayaw kong makita.

"Okay, sige. Pero dalian nyo, gusto ko ng magkaapo." sabi ni Mommy samin at tumango nalang ako.

MY FAKE MARRIAGE Where stories live. Discover now