Zephaniah P.O.V
________________Agad na lumapit sakin si Nanay Amelia at hinawakan ang kamay kong napaso.
"A-Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong nito, tumingin ako sa kaniya at biglang tumulo ang luha sa mga mata ko..
"Sshh. Zeph, tahan na.." pag-alo nito saakin.
"N-Naay.." mahina kong saad.
"A-Ano na pong gagawin ko.." humihikbi kong tanong habang nakatingin sa kamay kong namumula dahil sa pagkakapaso ko kanina.
Hindi ko na alam kung ano ang mas masakit kung yung kamay ko ba o yung nakita ko kanina. Hinalikan ni Angelica si Gray..at wala man lang siyang pagtututol..bakit?!
"Sshh, tahan na..." sabi niya sabay yakap sakin. "N-Naaaay!" patuloy lang pagiyak ko.
Pagkatapos malagyan ni Nanay ng gamot yung kamay ko ay napangiti ako ng mapait.
"S-sana kayang gamutin din yung sakit na nararamdaman ko ngayon..." mahinang kong saad.
"Hay nako, pano kita iiwan kung hindi ka marunong lumaban, ipaglaban mo ang karapatan mo, dapat kahit anong mangyari ipaglaban mo si Gray sa kahit sinong maharot na babae dahil ikaw ang asawa niya." sabi ni Nanay na kinatango ko.
"Paano po ako lalaban, Nay?" naiiyak kong tanong.
"Base sa nakita ko kanina gusto ni Gray ang ginawang paghalik sa kaniya ni Angelica." Sabi ko pa at huminga si Nanay ng malalim.
"Bakit hindi mo na ba kaya? Kung hindi mo na talaga kaya ang makisama kay Grayson, pwede ka namang makipaghiwalay sa kaniya. Pero, kung kaya mo pa at sa tingin mo may pag-asa ka pang nakikita sainyong dalawa, wag kang sumuko." Sabi nito at napatango ako.
Tama, kahit anong mangyari asawa ko siya at hindi mababago 'yon ng halikan nila kanina, gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Grayson pabalik, kikilos na ako at hindi na ako tatahimik lang. I'm his wife, ako ang mas may karapatan.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga na si Gray habang nagse-cellphone.
Nahiga na din ako at inayos ang kumot sakin.
"Anong nangyari sa kamay mo?" biglang tanong neto ng makita nito na may benda sa kamay ko, nilagyan ni Nanay kanina dahil may pagkalaki ang paso sa kamay ko.
"N-Napaso lang kanina..." sagot ko.
"Hindi ka nagiingat." sabi nito at napayuko nalang ako pero hinila nito ang kamay ko at inalis ang benda sa kamay ko.
"Wag mong lalagyan ng ganyan ang paso, lalong lalala 'yan." sabi nito at hinipan niya pagkaalis non at tumayo ito tas may kinuha siya sa drawer namin at isang ointment 'yon.
Naupo 'to sa harapan ko at kinuha ang kamay ko at dahan-dahang nilagyan ng ointment yung paso.
"Thank you, love." sabi ko at tumingin to sakin.
"Araw-araw mong lagyan 'yan para mawala agad." sabi nito at tumango ako at bago siya tumalikod ay lumapit ako para halikan siya.
Halata ang pagkagulat sa kaniya pero hindi ako tumigil, mas pinalalim ko pa ang halikan namin hanggang sa kapusin kami ng hininga.
"N-Niah?" gulat na sambit nito at ngumiti ako.
"Good night, love." sabi ko at nahiga na.
Ilang sandali pa bago ko naramdaman ang pag-higa din nito at agad akong humarap at niyakap siya.
"Niah.. what are you ---"
" Sshh. Let me cuddle you, my love. It's so cold." Sabi ko at ramdam ko ang paglunok nito na kinangiti ko.