CHAPTER TWENTY FIVE

983 12 0
                                    

"Bakit andon si Angelica?" tanong nito na kinatawa ko.

"We're back." pangaasar ko at ang sama agad ng tingin niya sakin.

"Ano?! Nakipagbalikan ka sakaniya pero magasawa pa din tayong bwesit ka!" inis niyang sabi.

"Binibiro lang kita. Angelica is my sister in law now." sabi ko at nanlaki ang mata niya.

"Sister in law?! Do you expect me to believe that, huh?" sabi nito at tumango ako.

"Okay kung ganon, bakit kayong dalawa lang ang andon habang naka-apron siya na parang pinagsisilbihan ka!" galit nitong tanong kaya pinisil ko ang ilong niya.

"Nah, you're wrong love, andon si Dark kinukuha lang nito 'yung binake ni Angelica sa oven at ayon ang naabutan mo, silang dalwa lang talaga sa ibaba pero bumaba ako ng marinig ko 'yung doorbell akala ko naman si Mommy ang dumating, ang magandang asawa ko pala." sabi ko sabay ngiti pero sinimangutan lang niya ako.

"May I ask you now, My lovely wife?" tanong ko.

"Stop that, Gray." sabi nito na namumula na.

"Pero ano nga kasing ginagawa mo dito, Niah? Dala-dala mo pa itong envelope e hindi mo pa naman pala nakikita ang laman, hay nako ka talaga love." sabi ko at kinuha sakaniya 'yon.

"Let's go." aya ko at tumingin siya sakin.

"Saan?" tanong nito.

"Sa bahay na'tin, pagusapan natin kung bakit moko nadalaw dito at mukhang maganda 'yon." sabi ko at hinila na siya.

Pagbalik nga namin sa bahay ay tahimik lang si Niah at pagpasok namin ay nakita ni Niah sina Dark at Angelica na naglalandian sa kusina ko.

"Pwede ba after that umalis na kayo dito, give us some space." sabi ko at mapangasar na tumingin si Dark kay Niah.

"Wassup, Kapatid! Long time no see!" sabi nito at kumindat pa.

"Don't worry, aalis din kami, tapusin lang namin 'tong binibake namin, nasira kasi 'yung oven sa bahay namin and kailangan naming tapusin 'to." mahabang explain ni Dark samantala si Angelica tahimik lang pati na din si Niah.

"Maybe Zephaniah and My wife need some privacy, di ba 'tol? Tulungan mo nalang kaya ako dito ng matapos na kami, gawa mo na din ang wife mong si Zeph." sabi sakin ni Dark kaya inambahan ko siyang susuntukin at tiningnan ko si Niah pero mukhang hindi pa ito ang time na makapagusap sila dahil mukhang naguguluhan pa siya.

"Love, gusto mong umakyat." tanong ko dito at tumango siya at dinala ko na nga siya sa room namin.

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya ng makapasok kami. "What's wrong love?" tanong ko ng natatawa.

"Adik ka ba, Gray? Why you didn't tell me about them." tanong nito at tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinabi ba sa'yo nina Daddy Alex?" tanong ko naman at natigilan siya.

"Well, hindi 'din, bakit kaya?" tanong nito sa sarili kaya napailing ako at hinila siya palapit sakin.

"And you, Mrs Zephaniah Montero, what are you doing here without telling me?" tanong ko at para ng makopa ang mukha nito.

"Ano ba, Grayson! Umayos ka nga, may kasalanan ka no? Bakit ang sweet sweet mo sobra, huh?" tanong nito.

"I'm a sweet person love, hindi lang halata pero this time saating dalawa ikaw itong may kasalanan kaya naman I'm all ears." sabi ko at tinampal lang niya ako.

"Hmm...ano....kasi...you know? uhm." sabi nito ng palakad-lakad sa harap ko at tila hindi alam kung paano sasabihin sakin e hindi nito alam na napaka-predictable niya ngayon.

MY FAKE MARRIAGE Where stories live. Discover now