CHAPTER SIX

854 13 1
                                    


Diko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pumunta ako sa room ni Angelica.

Kakatok na sana ako ng makarinig ako ng mahinang tawa na mula kay Angelica.

Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko kaya nilapit ko ang tainga ko sa may pintuan ng biglang may kumatok.

Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Dark na seryosong nakatayo sa tabi ko.

"Huuy, anong ginagawa mo?!" saway ko pero kumatok pa din siya.

"Ano ba, Dark!" sabi ko at hinila na 'to..pero nagbukas na ang pinto at lumabas si Angelica.

"B-Bakit?" tanong nito na namumula ang mukha.

"Nandiyan ba si utol?" dere-deretsong tanong ni Dark kaya napahampas ako sakaniya.

"Ano bang ginagawa mo, ha?!" mahina kong bulong sakaniya.

"W-wala...ba-ba't nyo siya hahanapin dito...at ano naman ang gagawin niya dito..."

"Ahh wala, sira lang talaga tong si Dark, sige matulog kana." sabi ko at hinila na si Dark.

"Aray naman." sabi nito sabay hila ng braso niya.

"Baliw kaba, ba't mo naman sinabi kay Angge 'yon?"

"Oh bakit, ikaw. Anong ginagawa mo kanina na parang timang na nakikinig sa kung anong meron sa loob, bakit ba ha? May ginagawa bang kababalaghan ang kambal ko sayo?" tanong nito at di agad ako nakasagot.

"Ano...hindi..wala lang 'yon...sige pasok na ako sa kwarto" sabi ko at binuksan na ang pinto pero hinila lang niya ako.

"B-Bakit?" tanong ko.

"Sabog ka ba? Akala ko papasok ka ng kwarto?" tanong nito kaya tumango ako.

"Eh bakit sa banyo ka papasok?" sabi nito kaya nilingon kong muli yung papasukan ko kanina at banyo nga 'yon, kainis.

"Anong ginagawa niyo diyan?"

Napalingon kaming pareho sa boses na nagsalita at si Gray 'yon.

Seryoso 'tong nakatingin saaming dalwa.

"Saan kaba galing, bro?" tanong ni Dark.

"Sa labas, nagpahangin lang." sagot nito.

"Are you sure? Kanina pa ako sa labas, hindi kita napansin." sagot nito kaya siniko ko siya ng mahina.

"Um..love, hinanap ka kasi namin." sabi ko at lumapit dito.

Tumingin to sakin.

"Ba't gising ka pa?" tanong nito.

"Naalimpungatan kasi ako, love. Nagutom ako." sabi ko at tumango ito.

"Sige, maiwan ko na kayo." sabi ni Dark kaya inambahan ko siyang susuntukin pero patago dahil ayokong makita ni Gray pero natawa lang si Dark, hay nako.

_

Sinundan ko si Gray ng maglakad siya at dumeretso to sa kusina.

Binuksan nito ang ref at naghanap ng pagkain hanggang may inilabas tong topper ware at ininit sa Microwave.

Nakita ko pang humikab to.

"Are you sleepy, love." tanong ko.

"After mong kumain, matulog na tayo." sabi nito kaya tumango ako.

I saw a red mark on his neck.

"Anong nangyari sa leeg mo?" tanong ko at kinapa naman niya 'yon at di agad to nakaimik.

"Love.." tawag ko dito.

"Wala lang to. Sige na, kumain kana." sabi nito at iniwan na ako sa kitchen pag tapos niyang ipripare yung kakainin ko.

Pagtapos kong ligpitin ang pinagkainan ko ay pumasok na ako ng kwarto and he's already sleeping.

Tumabi ako sa kaniya at inayos ang kumot nito ng humarap to sakin.

Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan si Gray at masasabi kong sobra talaga siyang gwapo.

"I love you, love..." bulong ko at hinalikan to sa noo niya, sa ilong at natigilan ako ng mapapatitig ako sa labi niya.

Kasal na kami pero parang kinakabahan pa din ako pag nakikita ko ang labi niya, nilakasan ko lang talaga ang loob ko nong nakaraan dahil sa sobrang selos ko nun kay Angelica, at para malaman niyang ako lang dapat ang hinahalikan niya.

Nilapit ko ang labi ko sakaniya habang nakapiki..nagulat na lamang ako ng maramdaman ko na gumalaw ito at nasa likod na ng ulo ko ang kamay nito na hinila ako palapit sa kaniya kaya eto magkadikit ang mga labi namin.

"G-Gray..." bulong ko kahit magkadikit ang labi namin. Ewan ko kung gising ba siya o hindi. Nananaginip ba siya?

Pero gising siya...nagmulat to ng mata niya at ngayon ay magkatitigan kaming dalwa.

Lumayo 'to ng konti pero nakatitig pa din siya sakin.

"Kamusta na ang binti mo?" tanong nito.

"Ayos lang, hindi naman masakit." sagot ko saka ngumiti.

"Niah..." tawag nito sakin.

"Ano yun, love?" tanong ko.

"I'm sorry..." sabi nito at kinabahan ako.

"F-For what?" tanong ko.

"Sa lahat.. lahat ng kasalanan ko at magiging kasalanan ko pa." sabi nito kaya ngumiti ako.

"Ano kaba ok---"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap na niya ako ng mahigpit na matagal ko ng inaasam. Nakakulong ako ngayon sa mga braso niya at nanaisin ko nalang don lagi .

"Wag mo kong patawarin..kahit na anong gawin kong sorry wag... hindi mo ako deserve.." sabi nito na alam ko na ang ibig sabihin nito, dahil ba to sa kanila ni Angelica.

"I love you so much, Gray." sabi ko saka ako yumakap pabalik sa kaniya.

"K-Kahit ano pa yang kasalanan mo.. tatanggapin pa din kita." Sabi ko at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin.

"Matulog ka na." sabi neto pero umiling ako kaya tumingin to sakin.

"Gusto ko ganto muna tayo, dahil baka bukas bigla kang manlamig uli." sabi ko at di siya nagsalita at namayani muli ang katahimikan sa aming dalawa.

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin, love?" tanong ko at nanatili siyang nakatingin sa akin na tila ang lalim ng iniisip.

"Mahal na mahal kita, sobra pa sa sobra." Sabi ko at napalunok siya at umiwas ng tingin.

"S-Sinubukan mo ba kahit isang beses na mahalin ako?" tanong ko at napapikit na siya.

Agad kong inalis ang kamay niya dahil iiyak nanaman ako at ayokong makita niya 'yon, pero nong paalis na ako ay tumayo din siya at niyakap ako.

"S-Sorry, Niah." sabi nito, sobrang higpit ng yakap niya.

Naramdaman ko ang pagtango nito.

"Susubukan ko, Niah, susubukan ko, at kapag sana handa na akong sabihin sa'yo lahat-lahat ng kasalanan ko at gawing tama lahat... sana andyan ka pa din." Sabi nito at hinarap ko siya.

"Pwede naman nating ayusin 'to ngayon, di ba?" sabi ko saka hinawakan ang pisngi niya at umiling.

"Hindi madali, Niah, bigyan moko ng panahon, please." Sabi niya at tiningnan ko siya at dahan-dahan akong tumango saka niyakap siya.

"Basta... basta wag mo lang akong iwasan, wag mo lang iparamdam sa akin na parang hindi tayo mag-asawa." pagkasabi ko non ay humigpit lalo ang yakap niya sakin.

Naghintay ako ng sagot niya pero sapat na sakin 'to na kayakap ko ng mahigpit ang asawa ko.

MY FAKE MARRIAGE Where stories live. Discover now