Zephaniah P.O.V
________________Nagising ako ng may naramdaman kong humahaplos sa buhok ko at hinahalikan ang noo ko.
"Hmm.."
"Wake up, sleepy head." mahinang sabi nito pero parang mas lalo akong inantok dahil sa lambing ng pagkakabigkas nito.
"Psst." sitsit nito at hinipan pa ang mukha ko kaya nagmulat ako.
"Ambango..." sabi ko at biglang nanlaki ang mata ko ng pagmulat ko ay ang nakangiting Gray ang kaharap ko.
"Good morning!" bati neto.
"L-Love..." nauutal kong sabi at biglang napatingin ako sa sarili ko at oo nga pala may nangyari saamin kagabi.
Biglang nag-init ang pisngi ko.
"Tss." natatawa nitong sabi saka tumayo na at nagbihis.. oo nag-bibihis palang siya.
Agad na tumalikod ako at binalot ko ang sarili ko ng kumot..
"Parang di mo nakita 'to kagabi ah?" natatawa niyang sabi.
"Shut up, Gray!" sabi nito.
Sa Three years kasi wala kaming mga sweet moments, di kami nagki-kiss or nagyayakap man lang dahil umiiwas to so, nakakaba pa din talaga.
Biglang may kumatok sa pinto at lalapitan na sana ni Gray 'yon ng bumukas.
"Gray, Zeph! Halina kayo, magta-tanghali na ah----"
"M-Mom..." sabay naming bulalas ng biglang pumasok si Mommy Beatrix at kasunod non si Angelica at halatang nagulat to sa itsura namin.
Nakasuot lang ng Boxer si Gray tas nakatapis lang ako ng kumot at walang anong suot sa loob.
"Oh..I'm so..so sorry..umm, Angelica. Let's go!" kinikilig na sabi ni Mommy kaya napayuko ako.
Napalingon naman ako kay Angelica na namumula at parang galit? Oo galit ang itsura niya kanina ng makita kami.
Nilingon ko naman si Gray at nagsu-suot na to ng T-shirt niya saka ito lumapit sakin.
"Fix yourself, Niah. Ako na muna ang lalabas, for sure aasarin lang tayo nila Mommy pag lumabas tayo ng sabay." natatawa pa din niyang sabi saka ako kiniss sa noo ko, agad na nag-nod ako.
Agad na nag-ayos ako at habang inaayos ko ang kama namin ni Gray ay nakita ko ang isang red stain sa sheet and I know na sakin galing 'yon.
Napangiti naman ako dahil nagawa na namin at alam kong matutuwa ang mga parents namin dahil for sure simula na to ng pagkakaroon namin ng baby.
Lumabas na ako at pumunta sa may cottage at nakita ko ang mga lihim na ngiti nila sakin, sh*t alam na nga nila. Si Mommy talaga oh!
"Congrats, Zeph! Baka next month may apo na kami ah." panunukso naman ni Tita Beth.
"Si Beth talaga oh, syempre ilang ulit muna 'yon siguro mga dalwang beses pa---"
"D-Dad!" sabay naming sita ni Gray kay Daddy Toni at natawa lang sila at inaya na kaming kumain.
______
Nag-aya naman sila Dark at Nica na maglangoy, isa sa mga staff nila Mom at Tita Beth si Nica and may crush ata ito kay Dark hahahaha. Agad naman hinawakan ni Gray ang kamay ko.
"Tara, langoy tayo. Bukas uuwi na tayo tas di pa natin nasusulit tong vacation." sabi niya kaya tumango nalang ako pero sa totoo lang natatakot talaga ako sa dagat, bahala na andyan naman si Gray eh.
Agad na lumusong kaming apat pero nasa mababang part lang ako ng dagat ng lingunin ako ni Gray
"Scared?" pangaasar nito kaya hinampas ko ang tubig ng malakas at tumama sa kaniya 'yon. Lumayo to ng konti sakin.
"Come here, Niah.." nakangiting sabi nito.
"Nooo!" sabi ko at lumayo dito saka lumapit kay Nica.
"Love..Niah?" mapangakit nitong tawag.
Nilingon ko naman siya, sheemss. Love daw kasi eh.
"Ano ba, okay na ako dito." sabi ko.
"I'll teach you how to swim love, come here." sabi nito sabay hawak ng kamay ko.
Agad na umiling ako.
"Promise, hindi kita bibitiwan." sabi nito kaya nagpa-tiyanod nalang ako.
Hinawakan nito ang kamay at leeg ko at bigla ako nitong hinalikan at naramdaman ko nalang na nakalubog na kaming pareho sa tubig.
Agad bumilis ang tibok ng puso ko pero bigla ako nitong niyakap kaya medyo kumalma ako.
Habang nasa ilalim kami ng dagat ay kita ko ang ganda nito at magkahawak kamay kaming lumangoy, medyo malakas pa din ang heart beat ko pero keri naman na.
Pagkatapos ng halos dalwang minuto ay umahon na kami at agad na huminga ako ng paulit-ulit.
"Ano, okay ba?" natatawa niyang tanong at agad na hinampas ko siya at ganon nalang ang gulat ko ng nasa malalim kaming parte.
"Woi, bumalik tayo dun."
"Tss. Oo na." natatawa niyang sabi at hinwakan nito ako at lumangoy na kami papalapit kina Dark .
Nagkakatawanan kaming apat sa dagat ng biglang may sumigaw at napatingin kami dahil sumisigaw din si Tita Beth.
Si Angelica nalulunod.
Napalingon ako kay Gray at halatang nag-alala 'to.
"Save her, Gray..." sabi ko at napatitig to sakin at tumalikod ako sa kaniya, nakita ko naman na lumangoy agad to palapit kay Angelica at binuhat 'to papunta sa may cottage. Agad nadin kaming umahon at sinundan sila..
Wala pa ding siyang malay kaya pinump na siya ni Gray..
"Angelica!" Tawag nito at pinump pa din niya ng pinump hanggang mailabas nito ang tubig.
Huminga ito ng malalim at napatitig kay Gray, tumayo na si Gray at lumapit sakin.
"Okay na siya." sabi nito at napasuklay nalang sa buhok niya habang taas-baba ang dibdib nito, agad na naglakad to palayo saamin habang nakahawak sa buhok niya ng mahigpit.