Pagka-gising ko ay dumeretso nako ng banyo at naghilamos, nagtooth brush and after non ay kumuha ng face towel para punasan yung mukha ko.Lumabas na ako at nakita ko na silang nagluluto.
"Good morning, iha!" bati ni Mommy sakin saka ako nakipagbeso sakaniya.
"Good morning po." bati ko din.
Nakita ko naman ang kambal na sina Gray at Dark na nag-iihaw, parang ang aga naman ata sa pag-iihaw.
"Nako magiinuman kase ang Daddy mo at si Anton!" sabi ni Tita Beth kaya natawa ako.
Kumuha ako nong Barbecue at nginuya 'yon saka lumapit kay Gray.
"Good morning, love." bati ko dito habang nakangiti ng sobra
Ngumiti to sakin pero slight lang. "Good morning." sagot nito pero at least diba hindi na siya masungit.
"Kumain kana ba?" tanong ko saka pinupunasan ang pawis sa noo niya na kahit nakatop-less ito ay tagaktak pa din ang pawis.
"Woi, grabe ka Zeph! Ako, hindi mo pupunasan?" tanong ni Dark kaya napairap ako. Ano bang kalokohan ng Madilim na 'to!
Tumawa naman saamin sina Mommy Beatrix.
"Bakit, si Gray lang naman asawa ko ah!" sabi ko dito kaya agad na nag-belat to tss.
Napalingon naman sakin si Gray kaya nagsmile ako sa kaniya at pinunasan ulit ang pawis niya.
Tinulungan ko na silang dalwa dahil ang bagal ni Dark eh.
"Baka mapaso ka." sabi ni Gray saka hinila ang kamay ko at nilipat sa kamay ko yung gloves na suot niya.
"S-Salamat." sabi ko habang nakatitig sakaniya.
Napansin kong nagbago na ito ng pakikitungo sakin kahit papano, at simula 'yon ng bumalik si Angelica, ayaw ko mang isipin na kaya lang niya ginagawa 'yon ay dahil nagi-guilty to pero masaya pa din ako.
"Ahem... baka matunaw naman niyan si utol?" mahinang sabi ni Dark kaya agad na siniko ko ito.
"Tumahimik ka nga!" sabi ko at natatawa tong iniwan kami.
"May sapak yung kapatid mo, love!" sabi ko at tumawa ito...which is rare.
"Hayaan mo nalang siya, Niah." sabi nito at inabot sakin ang isa pang stick ng Barbecue.
"Kumain kana don, sabayan mo sila." sabi nito pero umiling ako
"Ayoko, dito lang ako." sabi ko sabay smile.
Hindi na ito umimik at nagpatuloy lang 'to sa pag-iihaw.
Nang biglang lumapit samin si Angelica kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
"Can I help? Wala kasi akong magawa don eh." sabi nito kaya napangiwi ako.
"Kapatid, tulungan mo ko dito!" sabi ni Dark sabay hila sakin.
"Ano nanaman bang kailangan mo?" sabi ko saka hinila ang braso ko.
"Alangan namang tatlo kayo dun tas mag-isa lang ako dito." sabi nito kaya napabuntong hininga ako.
"Eh ba't kaya hindi nalang si Angelica ang tinawag mo." inis kong sabi at tinulungan na nga itong maglagay ng dahon ng saging.
"Basta." sabi nito sabay ngiti kaya napailing nalang ako at sa isang side ako gumawa.
Nilingon ko naman si Gray at tamang nakatingin din to sakin at bigla tong ngumiti.
Agad kong tiningnan ng masama si Madilim. Tss! Bwesit kasing Dark na 'to eh, hinila-hila pa ako dito.