CHAPTER ELEVEN

887 15 0
                                    

Ilang oras nalang at siguradong nasa canada na ako.

Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil nakakaramdam ako ng panghihinayang na hindi man lang ako nakapag-paalam o nasabi sa kaniya na aalis na ako.

Bakit ba ako nagkakaganto?!!

Yumuko na lang ako dahil pakiramdam ko tutulo nanaman ang luha ko at para nadin hindi ako makagawa ng ingay dahil baka maistorbo ko pa ang katabi ko.

__________

Pagka-landing namin ng eroplano ay agad na tumayo ako at kinuha ang luggage ko saka bumaba na.

Huminga muna ako ng malalim bago nag-lakad.

Habang naglalakad ako papasok ng airport ay napansin kong may kumakaway sakin.

Si Kielle, ang pinsan ko at may kasama itong lalaki.

Malamang boyfriend niya.

Agad na tumakbo ito palapit sakin at niyakap ako.

"How's your flight, Ate?" tanong nito pagkabitiw niya sakin at agad na tinulungan ako sa mga dala ko at tinulungan naman siya ng kasama niya na bitbitin ang maleta ko.

"Ayos lang naman." nakangiti kong sagot.

"Oh. By the way. He's Allan, my boyfriend and Allan she's Ate Zephaniah but you can call her Ate Zeph, for short." pagintroduce nito kaya ngumiti ako sakaniya at yumuko naman siya.

"Hello po." bati nito kaya ngumiti nalang ako.

Pagdating namin sa Mansiyon ng family nila Mommy ay agad na namangha ako. This is the first time na makatungtong ako dito sa canada at masasabi kong sobrang ganda ng pagkakagawa nito.

Since pinanganak ako sa pilipinas ay hindi ko naisipan kahit minsan na pumunta dito kahit pa dito na talaga ang bahay ni Mom since baby pa ito. Pinili kasi nila Mom and Dad na sa pilipinas nalang manirahan for good it's because of their business and of course..wedding namin ni Gray na hindi pa ata kami pinapanganak eh napagkasunduan na nila Daddy Anton and My Daddy.

Naupo na muna kami sa may sala at nagpahanda ito sa maid.

Iginala ko ang mata ko sa paligid, sobrang ganda talaga, I'm really amazed.

Si Tita Mayette nalang din ang tumira dito kasama ang tatlong anak nito na sina Kielle, Marcus and Ava. Si Ava ang pinakabunso at mahiyain. Unang kita ko palang sa batang 'yon ay seven years old palang ito nung dumalaw sila sa pilipinas at malamang ay nasa eighteen na siya ngayon at si Marcus ay twenty.

"Hindi na kami nakakadalaw sa pilipinas and because of Marcus and Ava. Mas bet kasi nila dito." sabi ni kielle ng nakangiti.

"Pero buti nalang talaga at dito ka nagbakasyon, sana magstay ka dito ng matagal kasi super namiss kita." sabi nito at napangiti nalang ako.

Siguradong matatagalan ako dito...hindi madaling kalimutan si Gray..

"Nabalitaan ko nga pala yung sainyo ni Kuya Gray, nakakagulat...pwede palang ipeke ang kasal." sabi nito.

Ngumiti nalang ako dahil kahit ako ay gulat padin hanggang ngayon, hindi parin nagsi-sink in sa utak ko na peke lang pala ang lahat..

Natigilan kami ng magsalita ang isang maid nila.

"Nakahanda na po ang pagkain." sabi nito at tumango kami.

"Tara na Ate." aya nito.

"Hindi ba natin hihintayin sila Avah?" tanong ko habang hinihila ko ang maleta ko.

"Well, actually si Marcus hanggang five ng hapon ang klase niya pero si Avah, hay nako...halos sabay lang ang oras ng uwian nila pero mas nauuna pang umuwi si Marcus kesa sa batang 'yon." sabi nito at tumango ako.

"Sige, magpalit lang muna ako sa itaas." sabi ko.

"Uh. Sige Ate, yung room mo sa tapat ng room ni Avah." sabi nito at tumango nalang ulit ako at umakyat na.

Madali ko lang nahanap dahil may name na Avah ang pinto nito at iisa lang naman ang katapat nito kaya binuksan ko na at agad na nilock 'yon.

Pagkaupo ko sa kama ay agad kong hiniga ang sarili ko at tumitig sa kisame...agad kong kinuha ang phone ko at nagopen ng account.

Don ko nabasa ang lahat ng chat sakin ni Gray...alam na nito na wala na ako ng pilipinas..

Pápatayin ko na sana ang phone ko ng mapansin ko ang last message nito, agad na umupo ako ng ayos at binasa 'yon.

Saan ka man magpunta, Niah. I will find you, I will make sure na magkikita pa tayo..hindi kita susukuan hanggang sa magkaayos tayo, mahal na mahal kita...My Zephaniah!

Agad na pinātāy ko ang phone ko..

Ano bang problema niya, umalis na ako at dapat na masaya na siya...pero bakit paulit-ulit padin tong nagsasabi ng kasinungalingan sakin..ganon ba siya kagalit at kahit na alam na namin ang katotohanan ay niloloko at pinapaasa niya padin ako...

Narinig kong may kumatok kaya tumayo ako at binuksan 'yon.

"Here's the comforter, Ate." sabi nito at kinuha 'yon.

"Can I go in?" tanong nito at pinapasok ko naman siya hindi ko na ni-lock ang pinto.

"Ate, I know. Wala akong alam sa nararamdaman mo ngayon, hindi ko din alam kung ano ang magiging feeling ko kapag nalaman ko na peke ang kasal namin ni Allan kung sakali man na sakin mangyari 'yon pero sana give yourself a chance na maging masaya kahit mahirap, we're here for you, me and also your family. Just remember this Ate, we love you so much, okay." sabi neto at tumango ako.

"Thank you so much, Kielle." sabi ko sabay yakap dito.

"Baba kana pagkabihis mo, ha." sabi nito and agad na nagnod ako at bumaba na ito.

Huminga muna ako ng malalim bago kumuha ng pambahay at lumabas na ng kwarto at bumaba.

Bigla kong namiss si Nanay Amelia, namimiss ko na ang luto nito sakin, hindi ko nadin nagawang magpaalam sakaniya. Since kasi nong nasa resort kami at nalaman ko ang lahat ay hindi na ako nakabalik pa sa bahay ni Gray, andon padin ang iba kong damit sa kaniya.

Pinapakuha ko kay Nanay non pero ayaw daw ni Gray kasi hihintayin daw niya akong umuwi sa bahay namin. Naupo na ako pagkapasok ko sa dining.

Medyo nakaramdam ako ng pagkatakam dahil sa mga pagkain na nakahain, lahat kasi 'yon paborito ko and nakakatuwa lang na nakakapagluto padin sila ng mga pilipino food dito.

"Si Tita Mayette nga pala?" tanong ko.

"Nako namimili ng ibibigay sayo, nakakahiya naman daw kung wala daw siyang gift for you." sabi nito at natawa naman ako.

"Nako kahit wala naman na, pakisabi kay Tita na wag na siyang magabala pa, umuwi na kamo ito." sabi ko.

"Hay nako Ate Zeph, parang dimo knows si Mother." sabi nito at napailing nalang ako. Oo nga pala, mahirap mapasunod si Tita.

"Magaala-singko na pala, pauwi na si Marcus." sabi ko at tumango ito at kinuha ang phone niya.

Agad na tinawagan nito si Marcus at niloud speaker nadin para marinig ko.

"Hey bro..go home na." sabi nito.

"It's already our last subject." aburido nitong sagot.

"Okay, okay." sabi nito sabay patáy ng call at sinunod naman niya si Avah.

MY FAKE MARRIAGE Where stories live. Discover now