Kumaway ako sa kanila nang makasakay na sila sa kotse ni Gray.
"Are you really don't wanna go with us?" tanong muli ni Gray na di pa sumasakay.
Napangiwi ako saka umirap ng patago.
"No thanks." sagot ko at natawa naman ito at saka nag-nod.
"Sure." sabi nito kaya tiningnan ko siya ng blanko ang itsura ko. Sumakay na nga ito at kami nalang talaga ang naiwan dito ni Avah.
"Hay nako Ate Zeph, bakit hindi ka ba sumama ha?" tanong agad ni Avah at napakamot lang ako sa ulo ko at nagiisip ng maire-reason saka ngumiwi ng wala akong maisagot dahil alam ni Avah ang schedule ko sa work so hindi ko pwedeng i-alibi 'yon, jusme.
"So Kuya Gray is right? You are really avoiding him?" sabi nito ng di ako sumagot.
Tiningnan ko siya saka tumango.
"Alam mo naman di ba? Ayoko pa siyang makasama, o kahit nga makita man lang siya e. I am not yet ready to forgive him. I'm doing this for my kids pero hanggang sa maari ayoko ng magkaroon pa ng ugnayan sakaniya." saad ko.
"Still, asawa mo pa din siya Ate, kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo you're still his wife and he is your husband." sabi nito at napahawak ako sa pisngi ko.
"Sana lang talaga pirmahan na niya ang annulment." turan ko at inis na ginulo ang buhok ko dahil sa frustration kay Gray.
_______
AFTER NGA NG FIRST BONDING NILA AY DI KO ALAM NA PATI PA SA PAGSUNDO SA MGA BATA SA SCHOOL AY KINA-REER NA DIN NIYA JUSME.
"Wala ito sa usapan natin Gray." sabi ko ng sabihan ko ito na makipagkita sakin dahil gusto ko itong kausapin.
"I know, I'm sorry. Please naman, pumayag ka naman na sunduin ko sila araw-araw. Hindi ko talaga matiis after ko silang makasama ng isang araw." pakiusap nito.
"At anong susunod, makikiusap ka sakin na kukunin mo ang mga anak ko?" kalmado pero seryoso kong sabi sakaniya.
"Hindi, Niah! Hindi ganon. For me, gusto ko lang sila makita araw-araw kahit sa pagsundo ko man lang sa kanila sa school nila makabawi ako, 'yun lang." saad nito at umiwas ako ng tingin.
"Do you think I'm selfish." sabi ko at natigilan 'to at hindi nakapagsalita.
"Oo. Selfish ako. Selfish na akong tao. Sila nalang ang meron ako Gray simula....nang iwan moko." sabi ko.
"Kaya napakahirap i-share sila sa'yo dahil baka kapag minahal ka na nila ng sobra ay masaktan din sila sa huli." dagdag na sabi ko.
"Niah."
"I will think about it first but now, sunday ka lang talaga pwedeng makita ng kambal." sabi ko at tumayo na.
___________
S U N D A YAko na ang naga-ayos sa kambal.
"Mom, bakit hindi ka nanaman sasama. Ano nanaman po bang reason niyo ngayon." nagmamaktol na sabi ni Zaneyah kaya natawa ako ng mahina.
"Ang cute cute mo talaga, sorry na po, ang sama kasi talaga ng pakiramdam ni Mommy today e." sabi ko saka umarte na nauubo.
Inirapan naman ako ni Zach.
"You're not good in acting, Mom, stop that." sabi nito at napamake face naman ako, tss.
"Sige na po Mommy, sama na po kayo." pagpupumilit na sabi ni Zaneyah.
"Okay, okay, oo na po sasama na po." sabi ko saka huminga ng malalim, ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang mapabuntong hininga nalang talaga.
Nagpalit na nga din agad ako dahil nagmamadali na talaga si Zane.