"Hello little girl." bungad nito.
"Shut up sis, will you---"
"Umuwi ka ng 5:00 sharp." sabi nito.
"No way."
"Avah!" tawag ko.
"W-who's the girl calling my name?" tanong nito.
"Me, do you miss me my little Avah." sabi ko.
"Shìt." mura nito at napailing ako.
"Umuwi ka kung ayaw mong sunduin ka namin diyan." sabi ko.
"Okay fine..bye!" sagot nito at kumain na nga lang kami, yung boyfriend pala ni Kielle umuwi na so, kami nalang nito ang kumakain.
"Ano ang mga hilig mong gawin Ate Zeph?" tanong nito.
"Hmm. Hilig kong mag-bake pero...hindi ako marunong magluto ng mga ulam not like you.." sabi ko dahil marunog si Kielle magluto.
"Wews. Hindi naman, nasa panunuod lang 'yan Ate." sabi nito at tumango-tango ako habang kumakain ng kumakain, halos isang linggo din akong hindi nakakakain ng ayos at mukhang makakabawi ako dito kahit papano.
_____________
Kinagabihan ay nasa labas kami ni Kielle habang nakaupo sa malaking swing at hinihintay na makauwi si Avah, si Marcus andiyan na pero naglalaro lang sa kwarto nito.
"Magaalas-otso na. Nasaan na kaya ang batang 'yon." sabi ni Kielle na nagaalala para sa kapatid nito.
"May alam ako.." sabi ko dito na tinataas-taas ang kilay ko at nagtanong to ng "Ano?"
"Halika, pumasok na tayo." sabi ko at hinila na siya papasok.
Pinalock ko sakaniya ang pinto at agad na nanlaki ang mata nito.
"Ate Zeph, pano makakapasok si Avah?" tanong nito.
"Yun nga ang punishment natin sa kaniya, hinahayaan mo kasi na bukas lang ang pinto kaya siguro okay lang sakaniya na hindi ka sundin." sabi ko at napatango ito.
"Sige Ate, i-lock natin." sabi nito at nilock nga namin pero andon lang kami sa may sofa at dahil pinātāy namin ang ilaw ay hindi kami nito makikita pero nanunuod lang kami don ni Kielle habang kumakain ng chocolate.
Halos isang oras pa ay nakarinig na kami ng pagbukas ng gate at siguradong andiyan na siya.
Pero pagdating sa may malaking pintuan ay nagsimula na itong ikut-ikutin ang doorknob, naririnig pa namin ang mahihina nitong mura pero di padin namin binuksan hanggan sa...
"Ate...open the door!" sigaw nito..
natawa naman kaming pareho...
"Ate..naririnig mo ba ako? Kuya Marcus!!" sigaw nanaman niya
Patuloy lang kami sa pagkain ng chocolate.
"Aarrghh! I know this is your brilliant idea Ate Zephaniah! So, please...can you open this d4mn door..there's a lot mosquitos here..."
"What will you say?" sigaw ko.
"Argh FINE!! Promise uuwi na ako ng maaga.." sabi nito.
"Promise?" sigaw namin ni Kielle.
"Yes mga Ate! So, please, open this fvcking door. Ang dami ng kumakagat sakin.." maktol nito.
Napakibit balikat ako at inubos ko muna ang tsokolate ko at saka tumayo at binuksan to saka binuksan ang ilaw.
Napansin ko ang pamumula ng mga braso nito dahil ata sa pagkamot niya.
"Thankyou." sabi nito with her sarcastic tone.
"Oopss." sabi ko.
"What?" tanong nito saka humarap sakin at tinaas ko naman ang mga braso ko at biglang namula ang ilong nito tanda na naiiyak 'to at agad na tumakbo sakin at niyakap ako.
"Tss. Gusto mo talaga ng ingrandeng pagkikita eh." sabi ko dito at natawa naman siya.
"I'm sorry Ate Zephaniah. Are you staying here for good or are you planning vacation only?" tanong nito.
"I'll think about that." sabi ko sabay yakap dito ng mahigpit.
"I will change my clothes first." sabi nito at tumango kami at bumalik sa sofa at pinagpatuloy ang pagkain ng chocolate..
In-open ni Kielle ang TV at nanuod kami sa Netflix ng kung ano-ano.
Halos magi-isang buwan na'din ako dito sa canada nagi-stay, halos isang linggo na din akong hindi nakakatanggap ng mga messages at calls mula kay Gray dahil lagi ko itong bina-block.
Ayoko na. Gusto ko na ng tahimik na buhay, bakit kailangan pa niya akong guluhin eh sila naman na ni Angelica.
Nabalitaan kong lagi daw sumusunod si Angelica kay Gray, for sure masayang-masaya siya. Magsama sila!
Natigilan ako sa pagiisip ng tabihan ako ni Kielle.
"Iniisip mo nanaman si Kuya Gray?" tanong nito na kinalingon ko sakaniya.
"P-Pinagsasabi mo? Hi-Hindi ko siya iniisip, n-nakalimutan ko na siya.." inis kong sabi.
"Ahh. Oo nalang, kahit halatang-halata ka naman." sabi nito sabay lagay ng unan sa hita nito at nagcellphone.
Bakit ko naman iisipin ang lalaking nanakit at nanloko sakin ng halos tatlong-taon, NEVER!
Dahil sa inis ay tumayo nalang ako, ewan.
"Ate!" tawag nito pero diko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad na nahiga ako at nagkutingting sa phone ko ng may matanggap akong message mula kina Mommy.
Nangangamusta lang sila, tinatanong nadin kung ginugulo padin ako ni Gray, hindi ako nagreply. Kahit naman kasi hindi ako nito guluhin sa social media account ko ay palagi pa din ako nitong ginugulo sa isip ko, nakakainis na nga pero wala akong magawa.
_________________
KINABUKASAN Naisipan ng magkakapatid na mamasiyal kami sa Stanley Park, don daw sila madalas mag-picnic at gusto daw nila akong isama don kaya tumango ako, kaming apat lang muna dahil may aasikasuhin daw muna si Tita Mayette sa negosiyo niya dito sa canada.
Nagpa-luto na si Kielle sa kusinera ng mga dadalhin naming pagkain para sa piknik. Actually, this is my first time na pupunta sa isang park para magpicnic. Wala kasi akong kapatid, puro pinsan lang.
Sa sobrang busy ng parents ko hindi na sila makagawa ng magiging kapatid ko, hay.
Nang makapag-ayos na ako ay bumaba na ako, nagdala lang ako ng extrang damit dahil pawisin ako.
Pagbaba ko ay naka-ready na din sila, medyo natawa naman ako dahil parang isang linggong pagkain ang dala namin.
"Ganto talaga kami kumain kapag nasa picnic, Ate." sabi ni Avah at tumango nalang ako at pinaglalagay na namin ang mga gamit sa likod ng kotse.
Si Marcus na ang nagmaneho dahil nasa tamang edad na din 'to at may licensed na din siya for driving, hays sana all nalang marunong magdrive. Gusto ko din matuto para pa-drive drive lang, meron nadin ako lisensiya magtuturo nalang ang kulang.
Nakadungaw lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga maple tree na nadadaan ng kotse namin. Ang sarap sa feeling ng hangin sa paligid, nakapikit lang ako habang dinadama ang hangin.
Ilang minuto pa ay nakarating na nga kami sa parke at don kami tumambay sa ilalim ng maple tree at naglagay nalang si Marcus ng malaking pansapin namin sa damuhan at don pinatong ang mga dala naming pagkain.
Kinuha ko ang camera ko at nagsimula ng kumuha ng mga letrato sa paligid, kahit hindi ko kilala ay kinukuhanan ko din pero puro bata lang naman ang pinipicturan ko.
Ang ganda talaga!
Sambit ko saaking sarili habang pinagmamasdan ang mga larawan ng mga bata.
"Buti naman nakangiti kana, Ate." masayang sabi ni Avah sakin.
"Oo naman no, bakit ako magmumukmok." pagsisinungaling ko, ngayon lang din naman ako nakangiti ng ganto kasi kasama ko sila, sana talaga ganto lang lagi, sana makalimutan ko na siya.