MAKALIPAS ANG TATLONG BUWAN.
"Mommy look oh, nakagawa kami ni Kuya Zach ng isang Photo album, inilagay po namin dito lahat ng love namin." nakangiting sabi nito at tiningnan ko naman ang sinabi ni Zaneyah, nakagawa sila ng parang photo album gamit lamang ang bond paper na pinagdikit-dikit.
"Ang creative naman ng mga baby ko, pakiss nga ako." sabi ko at pinaghahalikan sila.
"Isinama ko po sila Tito Pogi at Tita Ganda!" sabi ni Zane kaya napangiti ako dahil Tito Pogi at Tita ganda ang tawag ni Zaneyah kay Dark at Angelica.
Magpapasko na 'din kaya kung ano-ano na ang mga ginagawa nila for us.
Agad kong nilapitan si Angge na nagbi-bake ng mga cup cakes, nahiligan na din talaga nito ang pagbi-bake na dati na ako lang ang may hilig, magtatalo pa kami niyan dahil lagi ko siyang inaaya.
"Bakit hindi kaya tayo magbusiness?" tanong ko dito at napaisip naman ito sandali saka parang diskumpyado na umiling.
"Bakit? Try lang natin muna then pa free taste tayo tapos kapag pumatok edi maganda." sabi ko.
"You know that's a good idea, Zeph. I can post it online so they can see, bet?" tanong nito at tumango-tango ako saka kinuha ang isang cup cake na nalagyan na nito ng icing.
"Hey, that's for Dark." sabi nito.
"Hello, isa lang naman, madami pa 'yan." sabi ko at ngumiti na iniwan siya.
Tinawagan ko kaagad si Gray dahil kahapon pa ito hindi tumatawag sakin. I miss him so much, gosh. I know he's busy at sinabi na niya sakin 'yon but I can't stop myself to miss him.
Nasa business trip siya so hindi ko alam kung sasagutin niya o hindi at tama ako hindi nga niya sinagot kaya napabuntong hininga nalang ako at bumalik kay Angge na busy pa 'din.
________
AFTER TWO DAYS ay inihanda ko na ang pagsundo ko kay Gray sa Airport, ang sabi niya sakin ay siya nalang daw ang dederetso dito pero syempre hindi ako papapigil no, wala kaya akong sinusunod.
Pagdating ko nga ay madami ng tao na nakaabang sa paglabas ng galing sa eroplano. Tumingin ako sa wristwatch ko dahil dapat nakalabas na ito pero wala pa din hays.
"Hindi pa ba lumalabas ang gwapo mong asawa?" tanong ng isang lalaki pero diko pinansin 'yon dahil hinahanap talaga ng mata ko si Gray.
"Tsk baka hindi na uuwi 'yon." saad naman nito kaya agad na tiningnan ko siya ng masama pero laking gulat ko ng makitang si Gray 'yon.
"Love?" nanlalaking mata na saad ko kaya natawa siya at agad na niyakap ako.
"I miss you love." sabi nito at agad ko din siya niyakap pabalik
"I didn't see you, saan ka dumaan?" tanong ko.
"Syempre sa Exit kaso kung saan-saan ka naman tumitingin so paano mo 'ko makikita." sabi nito at tumingin ako sakaniya saka sumimangot.
"Tss. Bakit naman iba kasi ang boses mo, are you sick?" tanong ko dahil iba ang boses niya kaya hindi ko agad nakilala ng magsalita siya.
"Yeah, medyo paos ako dahil ng minsan lumabas kami ng mga ka colleague ko ay naulanan ako tas 'yon, hindi ako sumasagot sa calls mo dahil alam kong maga-alala kalang sakin pag narinig mo boses ko, ikaw pa." sabi nito kaya mas lalo ko siyang sinimangutan at agad nitong hinawakan ang kamay ko at hinalikan 'yon.
"Ang tigas talaga ng ulo mo love, sabi ko sa'yo wag mo na akong sunduin e." sabi nito habang naglalakad na kami.
"Sino bang pinakasalan mo?" sabi ko at natawa siya dahil kilala na talga niya ako.