CHAPTER SEVENTEEN

790 9 0
                                    

_______________

KINABUKASAN

[COFFEE SHOP]

Alas diyes ang usapan namin pero sa nakikita ko ay parang kanina pa ito dumating at nag-aantay.

"Sorry traffic." saad ko paglapit ko dito at agad naman siyang napatayo at ipaghihila sana nito ako ng upuan pero inunahan ko na siya.

"I called you last night." simula ko at huminga ng malalim.

"You can meet the...twins...every sunday." sabi ko sabay tikhim.

"Really?" gulat nitong sabi.

"Yes. They have school every weekdays and Saturday rest nila 'yon so Sunday!" sabi ko ng hindi ito tinitingnan.

"T-Thank you, Niah. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, maraming salamat." sabi nito.

"Pumapayag lang ako for the sake of our child pero wag mong iisipin na nakalimutan ko na lahat..." sabi ko.

"Oo naiintindihan ko." sabi nito saka ko siya tiningnan, at inilabas ang envelope sa bag ko saka nilagay sa harapan niya.

"Please sign this." sabi ko at tila nawala ang ngiti sa labi niya pagkabigay ko palang.

"Ayoko. Hindi ko pipirmahan 'yan, Niah." sabi nito.

"You didn't even see kung ano ang nakapaloob sa envelope pero tumatanggi ka na." sabi ko at tumingin ito saakin ng deretso.

"Sa five years ko sa kulungan puro 'yang envelope ang pinapakita saakin ng Daddy mo or ng Attorney niyo, so paanong hindi ko malalaman." sabi nito at napaiwas ako ng tingin.

"Kung pinirmahan mo nalang sana hindi aabot sa punto na makukulong ka...ano bang mahirap sa pagpirma, Gray?" tanong ko at tiningnan siya.

"Ilang beses ko pa bang sasabihin Niah ang rason ko...paulit-ulit lang! Ganon ba kahirap sa'yong intindihin na mahal kita at hinding-hindi ako susuko sa'yo hanggang sa mapatawad mo ako." sabi nito at napalunok ako ng sunod-sunod.

"Ang hirap Gray. Katulad nalang ng hirap intindihin kung paano mo nagawa na ipeke sana ang kasal natin pero dahil sa magaling mong kaibigan. Boom! Totoo pala ang kasal natin, tuloy nahihirapan ako dahil nakatali pa din ako sa'yo dahil kahit anong gawin ko, awayin man kita o ipagtabuyan hindi nito mababago na asawa pa din kita..." saad ko saka tumayo.

"Kaya sana...kung totoo mang..m-minahal mo talaga ako, pipirmahan mo 'to." sabi ko at iniwan sa kaniya ang envelope na may lamang annulment papers at umalis na.

Pero sakto namang paglabas ko ay biglang bagsak ng malakas na ulan kaya napapikit ako habang nababasa.

May humila naman sa kamay ko at pinayungan ako.

"Why don't you bring your umbrella?" tanong nito pero di ako nakasagot. Bigla akong nawindang ng magkalapit kami.

Agad kong inalis ang kamay nito sa braso ko at tumayo ng ayos matapos bumalik sa katinuan ko.

"Here, use this. Alam kong di ka naman magpapahatid sakin." sabi nito sabay abot ng payong sa kamay ko, ayoko pa sana pero mapilit siya.

"Ingat ka. Sunday right? Sige, punta ako bukas." sabi nito at kumunot ang noo ko, oo nga pala, sabado ngayon sheemaaay.

Nagpaalam na nga ito at agad na akong naglakad papunta sa sasakyan ko.


Tulad nga ng inaasahan ko ay maagang dumalaw si Gray kinabukasan at may dala na kung ano-ano pero diko naman ine-expect na ganito kaaga.

Alas syete palang e nandito na daw ito sabi ni Avah at siya pa ang nagprepare ng breakfast namin. Argh!

"You don't need to do this Grayson." sabi ko saka nagtimpla ng kape.

"It's okay. Every sunday lang naman 'to so kelangan kong lubos-lubusin di ba?" sabi nito sabay smile sakin. Feeling close! Umirap ako.

"Ang early naman ng mood swing mo, Niah." sabi nito at nakasimangot na tiningnan ko siya. Pinagsasabe neto?

Agad kong sinabihan si Manang na tawagin na ang kambal para kumain na din at for sure mawawala na ang tampo sakin ni Zane pag nakita nito ang Daddy niya.

"Good morning mga baby ko." sabi ko sabay halik sa mga pisngi nila.

"Good morning din po!" sagot nila.

"Good morning, Kids!" sabi naman ng nasa likod ko at pagtingin ko may hawak itong plato ng may lamang pagkain. Napasimangot ako dahil biglang lapit sakaniya ni Zane at niyakap siya.

"Daddy you're here!" sabi nito at agad pinaghahalikan nito. Nakita ko naman ang patagong pagtawa ni Gray dahil sa reaction ng mukha ko.

"Don't be jealous, Niah." sabi nito sabay wink. Tsk!

Inaya ko na ang kambal at pinaglagyan sila ng pagkain.

Sobrang daldal ni Zane sa Daddy niya samantala kami ni Zach ay tahimik lang kaming kumakain.

"Saan niyo gustong mamasyal?" tanong ni Gray at tumingin lang ako sakanilang tatlo at kumain uli.

"Me. I want to go to amusement park with Kuya, Mommy and you. Can we? Pleeeasseee!" sabi nito at nagpacute pa talaga.

Ramdam ko naman ang titig sakin ni Gray kaya napabuga ako sa hangin saka tiningnan siya. "What?" tanong ko at nginuso naman niya si Zane.

Bwesit na 'to.

"K." tipid kong sagot.

Tiningnan naman ako ni Zach na di mahilig sa mga amusement park dahil book worm masiyado si Zach.

"Just today, okay." mahina kong sabi dito at pinat ang ulo nito at napa 'okay' nalang siya.

Agad namang inayusan ito ni Manang at nakacross arms na hinarap si Gray.

"Just wait here then you can bring them to amusement park." sabi ko.

"Them? How about you? Hindi ka ba sasama?" tanong nito at tiningnan siya.

"Why would I? Bonding niyo 'to ng mga bata. At saka may work ako." sabi ko.

"You didn't hear Zaneyah said earlier?" tanong nito at napatigil ako sa paginom ko ng tubig.

"Magre-reason nalang ako..."

"Are you avoiding to be with me?" tanong nito at hinarap ko siya.

"I don't have a reason to avoid you. I just have a work today and I can't cancel---"

"Okay, okay. Oo na. Sige na. Alam ko na!" sabi nito at tumaas ang kilay ko ng tumalikod ito after niyang sabihin 'yon.

"Anong alam mo na?" tanong ko.

"Alam ko na iniiwasan mo lang ako." sabi nito at napairap ako.

"Hindi nga kita iniiwasan. Bakit kita iiwasan? Who. Are. You?" sabi ko at iniwan 'to, epal!

Narinig ko ang mahina nitong tawa pero di ko na pinansin pa.

After nga nilang ayusan ay sumimangot agad sakin si Zane lalo na si Zach.

"I'm so sorry. I can't go with you ha, kasama niyo naman si Daddy niyo and for sure mage-enjoy kayo--"

"Pero mas enjoy kung kasama ka Niah." sabi nito at napatingin ako dito ng masama.

Okay na eh. Pumapayag na ang kambal, epal talaga 'tong lalaking 'to.

"Yes. Daddy's right. Mas enjoy kung andon ka." sabi ni Zane kaya napabuntong hininga ako.

"Next time nalang, promise." sabi ko saka nakipag pinky swear dito at buti nalang um-okay na sila. Akala ko sasabat pa si Gray e.

MY FAKE MARRIAGE Where stories live. Discover now