CHAPTER TWO

994 16 0
                                    

Pagkaalis nina Mommy at Daddy ay nauna na agad na pumasok si Gray.

"Akala ko ba uuwi ka ngayon?" inis nitong tanong.

"N-next time nalang, Gray. Magtataka lang sila kung ba't hindi kita kasama." saad ko na ikinasuklay nito sa buhok niya.

"So, kasalanan ko?" tanong nito na parang aburidong-aburido na nakikita ako.

"Wala akong sinasabi, Gray!" sabi ko na kinailing lang nito na parang wala talaga siyang pake kung ano man ang sabihin ko.

"Bahala ka!" sabi neto at inis na umakyat 'to.

Agad na naramdaman ko ang kamay na humahaplos sa likod ko.

"N-Nanay..." usal ko na pinipilit patatagin ang boses ko pero bigo ako.

"Hayaan mo na muna siya, Zephaniah." sabi nito na pinapakalma ang sarili ko pero parang hindi man lang mabawasan ang sama ng loob ko. For almost three years ganyan na siya sakin, na parang hindi asawa ang turin nito.

Dinala ako ni Nanay sa Garden namin at medyo gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko ang mga bulaklak na tanim niya.

"Alam mo ba kapag naalala ko ang anak ko dito ako nagtatambay, kasi naiibsan ang lungkot ko dahil mahilig to sa mga bulaklak." sabi nito kaya napangiti ako. Nasa states ang anak ni Nanay Amelia nagtatrabaho bilang civil engineer.

Si Nanay Amelia yung tipo ng tao na kahit hindi naman niya kailangan pang magtrabaho dahil maganda naman na ang buhay ng mga anak niya ay ginagawa pa din niya, ang reason nito ay ayaw daw niya akong iwan.

Paano nalang daw ako, baka iiyak nalang daw lagi ako sa isang sulok ng dahil sa asawa ko.

"Oo nga pala, magli-leave ako next week. Parating na kasi ang anak ko, bakasyon daw niya dito sa pilipinas. Gusto---"

"Okay na po. Sige po, puntahan nyo po ang anak nyo."  nakangiti kong sabi at hinawakan nito ang kamay ko.

"Wag kang iiyak, ha. Isang linggo lang ako don." biro ni Nanay na kinatawa ko ng mahina.

"Oo naman ho, kaya ko na. Tatlong taon nadin naman, sanay na po siguro ako." sagot ko at tumango nalang siya.

Kinagabihan ay pumasok na ako sa kwarto ko at gaya nanaman ng nangyari kagabi ay aalis nanaman siya.

Naupo ako sa gilid ng kama. "Aalis ka nanaman?" mapait kong tanong at napahinto ito sa ginagawa at finally tiningnan niya ako pero wala akong sagot na narinig kundi isang buntong hininga.

"Do you love me, Gray?" tanong ko. "Oh.. I-I'm wrong...r-right?" dagdag ko at tumingin siya sakin.

"Believe me, Niah. Ayaw ko din maging ganto sayo. Pero, alam mo ang dahilan ko." sagot nito na nakatingin sakin ng deretso.

"T*nga ba ako ng pumayag akong ikasal sayo kahit alam kong hindi mo ako mahal? T*nga ba ako na umasa ako na baka kapag nagsama tayo ay magagawa mo din akong mahalin." tanong ko at pumamewang to at parang naiinis nanaman siya sakin.

"Alam mo...walang patutunguhan tong pag-uusap natin!" sabi neto at iniwan na ako.

"M-Mahal kita, Gray!" mahina kong sabi habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Alam ko...kaya nga mas naiinis ako sayo, dahil pakiramdam ko tinake advantage mo yung kagustuhan ng mga magulang natin na ikasal tayo." sagot nito.

"Hanggang sa maari ayaw kitang makita o kausapin, na mas pinipili ko nalang na iwasan ka, dahil ayokong makapagsalita sayo ng masama dahil iniisip ko pa din na naging matalik kitang kaibigan..." dagdag nito at iniwan na niya ako at napayakap nalang ako ng mahigpit sa unan habang umiiyak.

MY FAKE MARRIAGE Where stories live. Discover now