AGIMAT makapangyarihang bagay mula sa kaibuturan ng isang anito o maligno
AMIHAN anito ng hangin na nag-aanyong ibon
ANGGITAY isang uri ng malignong sa kabayo ang katawan at sa tao naman ang beywang pataas, kahawig ng centaurs; mahilig sa mga alahas at makikinang na bagay
ANITO mga nilalang na nalikha upang gabayan ang mga tao sa kanilang pangaraw-araw na gawain at bantayan ang likas na yaman ng sankalibutan
APOLAKI anito ng digmaan at nangangalaga sa haring-araw
ASWANG uri ng mga malignong kumakain ng laman ng tao at nag-aanyong itim na hayop
BAGWIS kakayahang kumilos nang mabilis
BAHAY-KUBO tradisyunal na tirahan ng mga Pilipino na gawa sa kawayan, pawid at iba pang local na materyales
BALATIK lupon ng mga bituing ipinangalan sa isang uri ng bitag ng mga mangangaso; mas kilala sa tawag na Orion's belt
BALETE malaking punong puno ng kahiwagaan at nagsisilbing lagusan papunta sa mundo ng mga anito at maligno
BATANGAN pinagmulan ng ngalan ng lalawigan ng Batangas
BATHALA ang Maykapal at pinakamataas na punong anito
BAYBAYIN sinaunang pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino
BINHI bagay mula sa kaibuturan ng isang nilalang (hal. itim na itlog/sisiw mula sa aswang)
BULAWANG TANSO metal na gawa sa piraso ng natunaw na katawan ng sinaunang anitong pinagmulan ng buwan
DATU pinunong namamahala sa isang barangay
DAYANG MAKILING orihinal na diwatang bantay ng Bundok Makiling, kabiyak ni Gat Panahon at ina-inahan ni Maria/Diyan Masalanta
DIYAN MASALANTA anito ng pag-ibig, panganganak, kapayapaan at mga nag-iibigan
DIWATA mga bantay ng kalikasan; ADA sa Espanyol
DUWENDE maliliit na malignong gadangal lamang ang taas at may kapangyarihang magpamaga ng parte ng katawan ng tao; iba-iba ang kanilang kulay ayon sa kanilang kapangyarihan at silbi
ENGKANTADA mga bantay na elementong nakapagpapalit-anyo upang maging halos perpekto ang itsura
ENGKANTO lalaking engkantada
GAT PANAHON kabiyak ni Dayang Makiling at ama-amahan ni Maria/Diyan Masalanta
GINTONG LUYA bagay na may mataas na halaga na nabanggit sa alamat ni Maria Makiling
HABAGAT anito ng hangin na nag-aanyong ibon
HAIK anito ng mapayapang tubig at tagapag-ingat sa mga manlalakbay-dagat
HINLOG tawag sa mga inapo o salinlahi ng mga anito
KABALYERO hukbo ng mga bantay na tikbalang; Caballeros sa Espanyol
KAMPILAN uri ng sandata o espada
KAPEROSA mga galang elemento o kaluluwa ng mga namayapa na; WHITE LADY sa ibang katawagan
KAPRE higanteng maligno na mabalahibo, may subong tabako at naninirahan sa matataas na puno
KATALONAN mga taong nabigyan ng kapangyarihang makipag-usap sa mga anito; Babaylan sa Kabisayaan
KLAB MAHARLIKA samahan ng mga Maginoong nagsasanay na maging Maharlika at may kapitulo sa iba't ibang lugar
KUMAKATOK tatlong nilalang ng dilim na nakasuot ng kaputsa at may bitbit na kandila o gasera; tagasunod ng mga bagong panaw na kaluluwa
LAKAN magalang na katawagan sa mga kalalakihang may katungkulan o kaya'y mula sa angkan ng datu
LAKAN BAKOD anito ng ani, bunga at hangganan; Lacan Bacod/Lakambakod sa ibang ngalan
LAMANG-LUPA uri ng mga malilit na malignong nakatira sa ibabaw o ilalim ng lupa
MAGINOO mga taong may dugong-bughaw mula sa angkan ng mga anito; Hidalgo sa Espanyol
MAHARLIKA mga Maginoong sinanay upang makipaglaban at magsagawa sa tungkuling iniwan ni Bathala
MALIGNO mga nilalang na 'di maipaliwanag ng karaniwang tao
MAMAY lolo sa salitang Batangan/Batangueño (INAY naman sa lola)
MANANANGGAL isang uri ng aswang na may pakpak na tulad ng sa paniki at nahahati ang katawan sa beywang
MAPULON anito ng panahon, klima, kalusugan, pagpapagaling at mga halamang-gamot
MARIA MAKILING ang kasalukuyang bantay ng Bundok Makiling; ipinangalan kay DIYAN MASALANTA noong panahon ng Kastila
MAYARI anito ng himagsikan at nangangalaga sa buwan
PILONCITOS sinaunang salapi ng mga Pilipino na gawa sa ginto
PUGOT elementong nag-aanyong taong napugutan ng ulo
PUNSO bunton ng lupa na tirahan ng mga duwende at nuno
SANTELMO mapaglarong nilalang na naga-anyong-apoy at mahilig manligaw ng mga tao
SARANGAY malignong mukhang taong-toro at may suot na hiyas sa tainga
SINUKUAN anito ng Bundok Arayat sa Pampanga
SUGANG PILAK metal na gawa sa nawasak na katawan ng sinaunang anitong pinagmulan ng mga bituin
SUPREMO pinuno ng kabalyero ng mga tikbalang
TALA mataas na anito ng bituin, lupon ng mga bituin (konstelasyon), at direksyon
TIKBALANG isang uri ng maligno na itsurang kabayo ang ulo at paa at sa tao naman ang katawan hanggang binti
TIKTIK isang uri ng aswang na may mahabang dilang ginagamit niyang panguha ng mga bata sa sinapupunan ng mga buntis
TIMAWA tawag sa mga karaniwan o malalayang tao
TIYANAK isang uri ng aswang na nag-aanyong bata o bagong silang na sanggol
TORONG tatlong bituing naghuhudyta ng palapit na bagyo
UMALOHOKAN opisyal na tagpaghatid ng balita o mensahe ng mga anito o kaya ng isang barangay
UWINAN SANA anito ng kabugatan at kasukalan sa lupa; namamahala sa mga lamang-lupa
BINABASA MO ANG
BALETE CHRONICLES: Unang Aklat
FantasyWhat if Philippine folktales, myths and legends are set in the present time? What if scary mythological creatures do exist and are secretly roaming within our very own cities we used to live comfortably? Do anitos have anything to do with our weathe...