Chapter 5

267 7 0
                                    

Mabango sa loob ng kotse ni Gunner. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa loob. Malinis din at hindi katulad ng kotse ng mga kaklase kong ginawa nilang waste bin ang sasakyan nila sa dami ng mga basura. Siguro ay malinis na tao si Gunner. Ayaw niya yatang nadudumihan ang mga kagamitang pag-aari niya.

Napakurap ako nang biglang itinigil ni Gunner ang sasakyan. Nabitin ako sa pagsasama namin. Nakarating na pala kami sa tapat ng gate namin nang hindi ko man lang namalayan. Bumuntong hininga ako at akmang aalisin na ang seatbelt nang makitang lumabas si Gunner. Akala ko kung ano ang gagawin niya, 'yon pala ay binuksan lang niya 'yong pinto sa tabi ko.

I removed the seatbelt and when I was about to go off of the car, I noticed his right hand. His veiny arm came into my sight since nakasuot lang siya ng polo shirt.

"H-Huh?" Confused man ay tinanggap ko na lang ang kamay niyang nakalahad sa akin.

Inalalayan niya akong bumaba at kilig na kilig naman ako. Ang sarap yatang maging boyfriend si Gunner. Imagine, aalalayan ka niyang bumaba tapos ma-a-out of balance ka tapos mapasubsob ka sa malapad at matigas niyang balikat. That would be heaven!

Binitiwan niya rin ang kamay ko nang tuluyan akong makababa ng kotse. He closed the door behind me and let me led the way.

"Good day, Carson," bati niya kay Kuya na noo'y nakaabang na pala sa main door.

"O, 'gandang araw din. Mabuti naman at iniuwi mo na 'yang si Claire." He then looked at me. "Ikaw, pumasok ka na sa kuwarto mo tapos tawagan mo sina Mom and Dad. Hinahanap ka nila sa akin. Kung bakit naman kasi iniwanan mo ang phone mo."

Medyo napahiya ako sa sinabi ni Kuya pero despite that, I didn't failed to wave my hands at Gunner. Ngumiti lang siya sa akin kaya umakyat na ako sa itaas. I wonder kung nasaan si Tita at kung ano ang pinag-awayan nila ni Kuya Zion.

Naiwan naman sila Kuya at Gunner sa living room pero mukhang umalis agad si Gunner dahil nang makapasok ako sa kuwarto, narinig kong bumukas ang gate namin. At dahil gusto ko siyang ihatid ng tingin, sinilip ko siya mula sa bintana.

My eyes grew wide when I saw him looking at my window. Mabuti na lang at nakasilip lang ako nang konti kaya hindi niya ako makikita agad. Unless kung lalapit pa siya. Gunner then got into his car and hit the gas. Nawala siya sa paningin ko that's why I went back to my bed. Nakangiti akong nahiga kahit pinagalitan ako ni Mom dahil iniwanan ko ang phone ko.

"Sige na, Tita Gara! Itanong mo na kay Gunner kung saan siya magbabakasyon pero be discreet lang po!"

Todo pamimilit ako kay Tita Gara sa umagang iyon. She was drinking a coffee at halos matapon na ang hawak niyang tasa ng kape nang dahil sa akin.

Tumili siya kaya napatili rin ako. "Ano ka bang bata ka! Oo na! Itatanong ko na! Kaloka ka talaga kahit kailan!"

Napangiti naman ako at napasigaw ng yes! Ayaw ko kasing tanungin muli si Gunner dahil baka makulitan siya sa akin at mahalata pa niyang gusto ko siya. Baka kasi ay umiwas siya sa akin. Iyon ang kadalasan kong nababasa sa mga nobela, eh.

Nang bumaba si Kuya Carson ay nakangiti ko siyang binati ng magandang umaga. Humalik ako sa pisngi niya pero wala siyang imik. Mukha nga siyang nagmamadali, eh. Hinayaan ko na lamang siya.

"Sweetie, sa isang province siya magbabakasyon."

My eyes widened upon hearing what Tita Gara said the next day. Napatakip ako sa bibig when I realized that Gunner's going to spend his vacation in the province. Kung hindi ko pinilit si Tita Gara, baka nakanganga lang ako ngayon sa tabi.

Sa tuwa ay hinalikan ko si Tita Gara sa pisngi. Umirap lang siya sa akin.

"Gustong-gusto mo talaga si Gunner, 'no?" nakangiting tanong niya.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon