Minsan sa ating buhay ay gusto nating masunod ang lahat na gusto nating mangyari. Na minsan ay magdudulot pa ng trahedya. . . o problema. . . o iba pang mga bagay na hindi natin aasahang mangyari. I stand by that words so I did not became adamant about my request. I did not pushed it through dahil baka may mangyari pang taliwas sa inaasahan ko.
"Pero ayaw mo talagang magpalit tayo ng upuan?" pangungulit ko pa sa driver namin ngayong araw.
Siyempre, may instances pa ring persistent tayo. Pero. . .
Gunner simply shook his head; ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kalsada.
Napanguso na lang ako. Sa simpleng galaw na iyon ay alam ko nang wala na akong magagawa pa. Sinasabi ko na nga ba na hindi niya talaga ako papayagan.
I crossed my arms and pouted even more. Yes. I am maybe just a fifteen years old, but may kuya naman akong nasa legal age na. Tinuruan kaya ako ni Kuya Carson na mag-drive. Hindi rin ako reckless driver kaya iniiwasan ako ng disgrasya. Pero ayaw ko na talagang i-push ang ideyang kulitin siya dahil baka ihagis niya ako palabas ng kotse.
"Bahala ka, huh? Basta nag-offer ako sa iyo," nasabi ko na lamang.
He smiled a little. "I'm really good. Just take a nap."
Maybe it's Gunner's calming voice which drive me sleepy. Minutes had passed and unti-unti na akong hinihila ng antok. I yawned and finally dozed off.
Nagising na lang ako nang makaramdam ng pagtapik sa aking pisngi. Mahina lang ang pagtapik na parang ginawa niya lang iyon para magising ako. I heard an angel-like voice as well. Parang mas gusto ko tuloy na ipagpatuloy ang tulog ko nang dahil sa boses ng tumatapik sa akin.
"Wake up, Claire. We're already here."
Slowly, I opened my eyes. Muli lang akong napapikit nang sinalubong ako ng liwanag mula sa labas. Nag-adjust muna ang paningin hanggang sa nasanay na ang mata ko. My eyes widened when I saw Shan's face. So she's the one who woke me up?!
Binabawi ko na! Hindi siya anghel! Mas gusto ko nang magising! Ayaw kong ipagpatuloy ang pagtulog ko!
Umayos ako ng pagkakaupo at nilingon ang tabi ko, particularly, sa driver's seat. Wala si Gunner. Bakit hindi siya ang gumising sa akin? Hindi ba't sinabi niya sa aking gigisingin niya ako?
"Nauna na si Gunner," Shan informed me when she noticed na hinahanap ng mga mata ko ang lalaking nagmaneho kanina. "He ordered me to wake you up."
She was staring at me as if she was studying my reaction. I almost rolled my eyes at that sight. She is nowhere near a prepossessing sight. She should get lost right now.
Hindi ko siya sinagot. Tinaasan ko siya ng kilay. "Can you move aside? Dadaan ako."
She blinked and did what I told her. She giggled softly. "Tama nga si Gunner na maldita ka kapag bagong gising," komento pa niya.
I rolled my eyes heavenward. I didn't asked for your opinion, Ate Shan. I want to voice that out pero ayaw ko namang tumama ang hula ni Gunner.
Alam kong may pagka-maldita ako pero slight lang naman. Ayaw kong sirain ang imahe ko kay Gunner. He once shared to me that he likes soft girls kaya dapat mabait ako palagi. Cross out sa akin ang pagiging masungit. Pero may mga instances talaga na lumalabas iyon sa tuwing nandito si Shan. I just don't like her vibes. Para kasing nagpapabebe. Long lost member yata ito ng mga pabebe girls.
I got off the car. Sinalubong agad ako ng sariwang hangin. Medyo nabawasan ang inis ko kay Shan dahil doon. Ang peaceful talaga ng probinsya kahit kailan. The high mountains that seemed like reaching the sun, the tall trees, and green landscape. Ang gandang pahinga ito. Gusto ko ring tumira rito.
BINABASA MO ANG
Tears of Trapped ✓
RomanceShe got him in the most evil way. She trapped him with a made up story. He begged yet she didn't listen. Now, she's dealing with the consequences of her wicked action. They got married, lived together, but she's not the wife he longed to have. Would...