I am the antagonist.
Ako 'yong umepal sa kanilang kuwento. Everything here. . . screams for him and his first love. Wala akong lugar dito. I have no rights to be here.
I stared at Gunner's face. Mahimbing na siyang natutulog sa aking tabi. Hindi ko naman magawang matulog nang mahimbing lalo pa at may bumabagabag sa isipan ko.
I was really that bad, huh?
I touched his cheek. “Did I hurt you that bad?”
Sumikip na naman ang aking dibdib. Tila libo-libong mga punyal ang itinarak sa aking puso habang nakatingin sa kaniyang mukha. Warm droplets of water from my eyes started escaping and falling like water falls.
Ang sakit palang makitang nahihirapan ang taong mahal mo. Parang hindi ka makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman mo. But the right thing to do now is to let go. Let everything go.
Bumangon ako at lumuhod sa tabi niya. Kinuha ko ang kaniyang kanang kamay at hinaplos iyon. I closed my eyes as planted a kiss on his knuckles. Matapos ay muli ko siyang tiningnan. Malabo ang aking paningin nang dahil sa luhang hindi ko maawat sa pagtulo.
Muli kong hinaplos ang kaniyang mukha. “Mahal na mahal kita, Gunner. Mahal na mahal kita. Pero kung si Shan ang gusto mong makasama, kahit masakit, kahit mabigat, at kahit mahirap ay tatanggapin ko.”
I forced a smile. “Tatanggapin ko, Gunner. Tatanggapin ko. Ganoon kita kamahal.”
I thought I am selfish to keep him by my side. Then I came to realization that love doesn't always means fighting for it, but also letting go of it.
Words of Kuya Carson entered my mind again and he was right when he said we can never have everything we want no matter how hard we try to have it. At the end of it, you'll just face the aftermath. You need acceptance.
When we love, we should learn how to let our love one go. Let everything go.
Bumaba ako sa kama at lumapit sa nakasaradong bintana. Tila pagod na pagod si Gunner kung kaya ay hindi niya napansing umalis ako sa tabi niya. Sabagay, malalim naman din kasi ang tulog niya kahit alas siyete pa lamang ng gabi.
Napalingon ako sa lamesa na katabi ng kama nang nag-ring ang cellphone ko. Nakakunot ang noo kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag ni Tita Gara.
“Hello, Tita—”
“Uuwi ako ng Pilipinas! Pupuntahan kita at sasabunutan ko 'yang walanghiyang nang-aaway sa iyo!”
Kumunot ang noo ko sa naging pambungad niya. “Ano? Saan mo naman nalaman 'yan?”
“Tinawagan ako ni Zion! May problema raw kayo ng asawa mo riyan!”
“Ah.” Siguro ay naikuwento ni Gunner sa kapatid niya ang nangyari rito.
“Uuwi ako riyan!”
Huminga ako nang malalim. “No, Tita Gara. Manatili ka lang diyan. This is our battle—”
“Our battle! Our battle! Ni hindi ka nga lumalaban tapos may pa-our battle our battle ka pang nalalaman!”
“Seriously, Tita, ayos lang po ako. Kaya ko pa naman.”
“Kahit kaya mo pa 'yan, sabunutan mo rin sila! Hindi ba't maldita ka? Ang lakas mong maging possessive girl noon tapos ngayon ay iiyak ka lang? Girl! Where's the spirit?!”
“Calm down, Tita—”
“Ay hindi ako makakalma, Claire Ann! Hindi ako mapapalagay kung ako rito ay nagpapasarap samantalang ang pamangkin ko sa Pilipinas ay umiiyak!”
BINABASA MO ANG
Tears of Trapped ✓
RomantikShe got him in the most evil way. She trapped him with a made up story. He begged yet she didn't listen. Now, she's dealing with the consequences of her wicked action. They got married, lived together, but she's not the wife he longed to have. Would...