Chapter 31

297 3 0
                                    

After that night, Gunner didn't go home again. Unti-unti na rin akong nasanay na para lang siyang kabute na bigla-biglang sumusulpot. When Kuya Carson asked about our situation, nagsinungaling na lang ako. Ayaw kong lagyan na naman niya ng pasa ang mukha ng asawa ko.

Asawa ko. Ang sarap pakinggan. Parang dati lang ay parang wala lang kami sa isa't isa. Ngayon ay isang papel na ang mayroon kami na hindi namin puwedeng punitin. Well, tinangka ni Gunner na punitin at putulin ang ugnayan namin pero hindi ako pumayag. Hindi rin naman niya ako kinulit about doon na talagang ipinagpasalamat ko.

That morning was different than the usual. Noon ay mag-isa akong gumigising sa kuwarto tapos si Manang Lucia lang ang nadadatnan ko sa labas. Ngayon naman ay may hindi kami inaasahang bisita. It was Tita Ava, ang tiyahin ni Gunner. And surprisingly, nasa sala si Gunner with her. They were talking about something. I was about to announce my presence when I heard what Tita Ava said.

“I really thought you'll end up with Shan, hijo,” she muttered with a smile. Malapit lang sa bibig niya ang tasa ng kape at hinihipan niya iyon.

I froze on my spot. Gusto kong bumalik sa kuwarto ko pero ayaw nang gumalaw ng mga paa ko. Napakapit na lamang ako sa pader habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nilang dalawa. Nakaharap sila sa isa't isa kaya tanging likod lang ni Gunner ang nakikita ko. Mukhang hindi pa rin nila naramdaman ang titig ko sa kanilang dalawa.

Mahinang tumawa si Tita Ava. “Sa sweetness ninyo ba namang dalawa, sino ang mag-aakalang sa iba ka ikakasal, hindi ba?”

I watched Gunner's reaction. Dahil nakatalikod siya sa akin ay hindi ko makita ang mukha niya. Mukhang bago siyang ligo dahil napansin kong basa pa ang kaniyang buhok. Nakasuot siya ng kulay asul na polo shirt. Katulad ni Tita Ava ay umiinom din siya. Hindi ko lang alam kung kape ba o juice o ano.

“I was actually rooting for the both you. Pero hindi naman natin kontrolado ang tadhana. Maybe it's just your fate to be part of each other's chapters in life.” Tita Ava smiled and drank from her cup again. She then looked at Gunner.

“But I'm glad din naman na si Claire ang naging asawa mo.” She laughed softly. “Alam ko namang magiging mabuting asawa siya sa iyo.”

There was no response from Gunner. Nanatili lang siya roon at mukhang wala siyang balak na magsalita. Inilapag ni Tita Ava ang teacup sa lamesa at tumayo. Lumapit siya kay Gunner at mahinang tinapik ang balikat nito.

“Good luck, hijo. Hindi na rin ako magtatagal dito. Pakisabi na rin sa asawa mo na dumaan ako rito. Ikumusta mo ako sa kaniya,” bilin niya.

Tumayo naman si Gunner at sinamahan ang ginang sa labas. Narinig ko pa ngang inalok niyang doon na mag-breakfast si Tita Ava, but the latter refused. Napabuntong hininga na lang ako at napahaplos sa aking tiyan. Dumiretso na lang ako sa kusina at nadatnan ko si Manang Lucia roon.

“Good morning po, Manang,” bati ko sa kaniya.

Napangiti naman siya agad at dali-daling lumapit sa akin. “Sakto lang ang pagbaba mo, hija. Luto na 'yong pagkain. Maupo ka!” Pinaghila niya ako ng upuan.

Nakangiti akong umupo roon. I was watching Manang Lucia as she expertly moved around the kitchen. Ilang minuto lang ay nakahanda na ang pagkain. Sinabayan naman niya ako sa pagkain. Sinabi ko kasi sa kaniya na malungkot ang kumain mag-isa. Mukhang ayaw niyang maging malungkot ako kaya naman ay sinasabayan niya ako tuwing kumakain ako.

I thought Gunner already left since umaalis naman talaga siya even before magising ako. So I was really surprised upon seeing him watching me as I put foods inside my mouth. Nalunok ko tuloy ang pagkain ko nang hindi man lang iyon nadurog sa bibig ko. Nabulunan tuloy ako. Thanks God and Manang Lucia was quick to give me a glass of water.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon