Chapter 45

361 4 0
                                    

“I just want to tell you something, Gunner.”

Matamang nakatingin sa akin si Gunner. Hindi na ako naiilang sa titig niya. Naramdaman kong dahan-dahang gumalaw ang kaniyang kamay sa ibabaw ng aking tiyan na tila ba hinahaplos ito.

“I'm all ears,” he replied.

Ngumiti ako sa kaniya. “I do love seeing your smile.”

Ngumiti siya sa akin habang labas ang mga mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Maging ang kaniyang mga mata ay ngumiti rin nang marinig iyon.

“I feel the same way,” pag-amin niya.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. “I do love hearing your laughter.”

“I do as well.”

“And only Shan can give it to you.”

Natigilan siya. Saglit na kumunot ang noo bago umiling. Tila unti-unting nagbago ang atmospera sa kuwarto. Bumigat iyon nang tila mawala sa mood si Gunner.

He sighed. “I am happy with you and with little peanut.”

Pagbanggit niya sa little peanut ay muling nag-stretch ang aking labi para sa isang ngiti. Saglit kong sinulyapan ang aking tiyan at nakitang nanatiling nakapatong ang kaniyang kamay doon.

“Peanut loves you,” I told him.

Bahagya niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin, ang tingin ay nasa aking mukha.

“I do, too,” he whispered. “I do love little peanut. So much.”

Pumikit ako. “And I love you.”

He fell silent. Nang magmulat ako ay nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin. He looked calmed. Ngumiti siya at akmang bubuka ang kaniyang labi nang maunahan ko siya.

“And you love Shan,” patuloy ko.

Kumunot na naman ang noo niya. Bahagyang magkasalubong ang kilay sa hindi ko maipaliwanag na rason. I smiled again before I touched his right cheek.

I forced a sweet smile. “If you're really happy with her company, I'll let you go. After all, I have no rights to make you stay with me, especially if being with her is what your heart truly wants.”

Kulang na lang na magdugtong ang dalawang kilay ni Gunner sa tindi ng pagtataka nito. Napilitan tuloy siyang bumangon.

Seryoso na ang kaniyang mukha. Nakaupo na siya sa kama habang ang isang kamay ay nakatukod sa gilid niya upang suportahan ang bigat niya.

“Wait, what are you talking about?” he fired away.

Napabangon na rin ako. Sumandal ako sa headboard at muli siyang nginitian. Wala na akong ibang ginawa maliban sa ngitian siya. Hindi ko naman kasi siya puwedeng bastang hawakan na lang.

“I'm asking for an escape, Gunner,” ani ko.

Hilaw siyang tumawa, halatang hindi nasiyahan sa hinihiling ko. Umiling siya habang pilit pa rin ang pinapalabas na tawa. Nag-iwas siya ng tingin at tumagal ng ilang segundo roon ang kaniyang tingin. Nang matapos ay muli niya akong tiningnan.

“What the hell are you talking about, Claire Ann Buenavista?” malalim ang boses na tanong niya.

Humigpit ang paghawak ko sa kumot. “Let's end this.”

“Pardon?”

I took a deep breath and sighed. “Let's get unmarried, Engineer.”

“You know what? That's bullshit,” pahayag niya, ipinakitang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon