“Thank you so much, Papa,” I thanked Papa Pierre, Gunner's father, when he offered to shoulder the expenses for our vacation.
Napansin niya raw kasing stress na stress na kami. He saw some dark bags under Gunner's eyes at na-conclude niyang stressed na raw ito. That is why nag-offer siya sa aming magbakasyon. May it overseas or what. Sagot na raw niya lahat.
Natawa ako nang bahagya at hinaplos ang tiyan ko. “Puyat lang po iyon sa trabaho niya.”
Nasabi ko na lamang iyon kahit hindi naman talaga ako sigurado kung sa trabaho ba talaga o sa site ba talaga nila pumupunta si Gunner. I am not always updated with his daily schedule. Hindi naman kasi siya nag-a-update sa akin. Wala akong kaalam-alam sa buhay niya ngayon.
What if nakikipagkita pala siya kay Shan? But Shan told me not to worry about them kasi wala namang sila. But despite it, I am still doubting Gunner's everyday whereabouts. Hindi kasi siya nagsasabi at isa pa ay halos hindi siya rito sa bahay umuuwi. Kung uuwi naman ay tulog na ako. Tapos magigisnan ko na lang na nakaalis na o paalis pa lang.
The mere fact na parang wala lang kami sa isa't isa ay parang binibiyak ang puso ko. Masakit para sa aking magkulong sa kuwarto namin o maiwan sa bahay namin habang nakatunganga sa tabi dahil walang kaalam-alam kung saan ba naroroon ang asawa ko. But I should get used to it, right? After all, kagagawan ko naman ito.
Iba ang gusto niyang pakasalan. Hindi ako.
Gusto kong makita siya palagi. Minsan nga ay tinitingnan ko na lang ang pictures niya sa cellphone ko dahil natatakot akong baka isang araw ay makalimutan ko na kung ano ang hitsura niya. Sa sobrang dalang niyang umuwi ay tiyak na mangyayari iyon. Pero sana naman ay hindi. Ayaw kong mabura sa isipan ko ang imahe ng lalaking mahal ko.
Papa Pierre sighed heavily. “And that is what I am concerned about, hija. He focused on his work and not on his family. Pregnant women has weird cravings and it strikes in the most unexpected time. Who will guide you if he's not always around, right?”
Nakagat ko ang labi ko dahil nakatama siya. Mayroon ngang instances na ganoon. Iyong akala mo normal lang ang araw pero bigla ka na lang maghahanap ng isang pagkaing hindi naman connected sa panahon.
Halimbawa, naghahanap ka ng ice cream in the middle of rainy days. Gusto mo ng kape kahit parang nagbabakasyon na ang Pilipinas sa impyerno sa sobrang init. Gusto mong isawsaw ang saging sa ketchup. Super weird.
Napailing si Papa Pierre. “'Yong Mama mo nga ay biglang nag-crave ng ice cream in the middle of the night. Imagine my horror when she started whining like a kid because I can't give her what she wants. She didn't expect me to go out and buy an ice cream for her, right?”
Papa shook his head again. Napangiti na lamang ako. Kahit nagrereklamo siya ay alam ko namang ayos lang sa kaniya iyon. Ang OA lang ng reaksyon niya but I know he's deeply in love with Mama. I can see it through his eyes. Papa smirked and sipped on his tea. When he was done, he placed it back on the small plate.
He laughed softly. “It was really weird because she put an ice cube on top of the ice cream. It was like she used the ice cube as the ice cream's toppings.”
Pareho kaming natawa sa kuwento niya. It was indeed weird. Well, ang lamig na ng ice cream tapos talagang lalagyan pa ng ice cube sa ibabaw? I suddenly remember that one time when I craved for a pizza in the middle of the night din. Mabuti na lang at may pizza sa loob ng ref kaya hindi na kailangan ni Manang Lucia na lumabas at ipagbili ako. Sinawsaw ko nga ang pizza sa gatas, eh. Sobrang weird ng cravings ko lately.
Natigilan ako sa pagtawa nang makita ang resemblance ni Gunner kay Papa. Papa is like the older version of Gunner. Kuhang-kuha ni Gunner ang mga mata ng ama niya. Matalim kung tumingin pero halos mawala sa tuwing tumatawa. Nakuha rin ni Gunner ang labi ni Papa. Lagyan lang ng evident na bigote si Gunner at mapagkakamal-an silang kambal. Well, may kaunting stubbles naman si Gunner kaso nag-shave siya last day.
Nakarinig ako ng yabag kaya awtomatiko akong napalingon sa likuran. Nakita ko agad si Mama na may dalang food tray. May sandwiches sa ibabaw ng tray. Nakakunot ang noo ni Mama habang pinapasadahan ng tingin si Papa na noo'y tahimik na habang nanlalaki ang mga mata.
Inilapag ni Mama ang food tray sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay nameywang siya at hinarap si Papa. Nanliliit ang mga mata niya na para bang may narinig siyang salita na nagmula kay Papa na hindi niya nagustuhan.
“Ano naman ang kinukwento mo kay Claire, huh?” tanong ni Mama kay Papa.
Papa cleared his throat and smiled kindly. “I told her about your weird cravings back then, honey. Ang sakit mo talaga sa ulo noon. Pinarusahan mo talaga ako.”
Umismid si Mama. “Kuwento mo 'yan, eh. Siyempre, ako ang masama riyan.”
Napahalakhak ako nang malakas nang marinig ang bangayan nila. Pero halatang hindi naman lalaki ang pasahan nila ng salita. Tumayo na si Papa at niyakap si Mama mula sa likod. Sinusuyo na niya ito dahil mukhang uminit ang ulo ni Mama. Pero alam ko namang nagpapanggap lang siyang naiinis. I saw her tried to suppress her smile kaya!
“Sorry na, hon. Hindi ka talaga sakit sa ulo ko. Ikaw naman. Hindi ka naman mabiro. Parang hindi mag-asawa, huh?” ani Papa gamit ang mababa niyang boses.
“Heh! Tigilan mo nga ako!”
Tipid na lamang akong napangiti. Minsan ay humihiling din ako sa Kaniya na haplusin ang puso ni Gunner tapos maging sweet siya sa akin. Ang sweet-sweet ng parents niya tapos siya sa akin, eh, hindi.
“Sa province ninyo tayo magbakasyon, Gunner!” I suggested to Gunner the night he got home.
Himalang umuwi siya nang maaga. Mukhang dininig Niya ang hiling ko. Palihim naman akong nagpasalamat sa himalang nangyayari ngayon. I opened Gunner's father's proposal. Mukhang nag-go with the flow na lang si Gunner. Sumang-ayon siya tapos pinaisip na ako ng lugar na pupuntahan namin.
Gunner maybe agreed that we should leave the house pero pera niya raw ang gagamitin niya. He refused his father's proposal na ang papa na lang niya ang bahala sa lahat. Hinayaan ko na lamang siya. At least he'll go on a vacation with us. Gunner took two weeks leave. Hindi siya papasok sa trabaho sa loob ng dalawang linggo. Ayos lang naman ang dalawang linggo sa akin.
“Pack your things. We will leave tomorrow,” Gunner ordered and went to sleep.
Magkatabi naman kami sa kama. Sa tuwing magkatabi kami, niyayakap ko siya. Gusto ko kasing kahit papaano ay maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kaniya. Hinahayaan naman niya ako.
Kahit madalang lang siyang umuuwi, gusto kong sa tuwing umuuwi siya ay mararamdaman niyang welcome na welcome siya sa bahay na ito. Gusto kong patunayan na kailanman ay hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya.
Gunner's eyes were tightly closed. Humiga na rin ako sa tabi niya. Nakaharap ako sa kaniya dahil gusto kong pagmasdan ang kaniyang guwapong mukha. Mamaya na lang ako mag-i-impake. Habang nakatitig sa kaniyang mukha ay isang tanong ang nabuo sa aking isipan.
Kailan kaya ako mamahalin ni Gunner? O mamahalin niya kaya ako?
BINABASA MO ANG
Tears of Trapped ✓
RomanceShe got him in the most evil way. She trapped him with a made up story. He begged yet she didn't listen. Now, she's dealing with the consequences of her wicked action. They got married, lived together, but she's not the wife he longed to have. Would...