“K-Kailangan ba talaga nating tawirin ang t-tulay na iyan?”
Alas-diyes na ng umaga nang narating namin ang sinasabing lugar ng pinsan ni Shan na si Saidee. Nang makababa kami sa sasakyan ay nakita ko ang tulay. Hindi naman siya totally na mahaba talaga pero ayaw ko talagang tawirin ito.
“Yes, Claire,” sagot ni Gunner.
Napatingin ako sa unahan at nakitang walang katakot-takot na tinawid nina Manang at Atoy ang nasabing tulay. Eh samantalang ako rito ay kahit hindi pa nakaapak doon ay halos manginig na sa takot. Hindi naman sa ang arte-arte ko pero kinakabahan lang ako para sa amin ng anak ko.
“Paano kung maa-out of balance ako tapos mahuhulog ako sa sapa na nasa ilalim nito?” wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa gumagalaw na tulay.
Kung bakit naman kasi ay gawa iyon sa lubid? Natatakot tuloy ako dahil baka biglang maputol habang tinatahak ko ito. Eh di sa sapa ako pupulutin?
Napatingin ako sa ibaba ang agad na bumungad sa paningin ko ang malinis na sapa. Ang kadalasan kong nakikitang sapa ay kulay lupa pero ang isang ito ay parang crystal sa sobrang linaw. Payapa ang tubig sa sapa. Mula sa malayo ay naririnig ko ang pag-agos ng tubig sa ilog. Gusto ko iyong puntahan ngunit wala na kaming oras pa. Saka binalaan ako kanina ni Manang Loling na huwag akong maglakad nang maglakad sa kung saan lalo na at buntis ako.
Naramdaman kong dumikit si Gunner sa akin. Hindi ko siya tiningnan pero nararamdaman ko ang tingin niya sa akin.
“I won't let you fall, Claire. But if you will, then we will fall together,” he whispered.
Napatingala ako sa kaniya. Ngumiti agad siya nang magtama ang tingin namin. Ewan ko pero parang ang daming nagliliparang paruparo sa tiyan ko. Kung paano iyong nangyari kahit may bata sa loob ng tiyan ko ay wala akong ideya.
“I'll take care of you,” he then added.
Ngumiti ako sa kaniya. “Hindi pa rin ako tatawid. Bahala ka riyan.”
Hindi ko alam kung clown na ba ang tingin ni Gunner sa akin at tuwang-tuwa siyang pagmasdan akong natatakot. Ang laki na ng bunganga niya. Hindi man lang siya na-bother na nakatitig ako sa kaniya habang tumatawa siya. Pero aaminin kong ang sarap pagmasdan siyang tumatawa. Parang napawi lahat ng mabigat na nararamdaman ko. His laughter is really a breath of fresh air. I won't mind being trapped with him forever.
“W-Wala bang bangka? Puwede tayong dumaan na lang sa sapa.” Napahawak ako sa tiyan ako at ngumiwi. “Kahit lagyan mo pa kasi ng condensed milk ang mga salita mo para mas maging masarap ito sa pandinig, hindi ako tatawid sa tulay. Magbabangka na lang ako.”
Surprisingly, Gunner laughed loudly again. Ang lakas ng tawa niya na ako na lang ang kinakabahan dahil baka may makapasok na langaw sa bunganga niya.
“Why is the mother of my child so damn adorable?” he spat out.
Namumulang nag-iwas ako ng tingin. “Heh! Tigilan mo nga ako!”
Muli kong narinig ang pagtawa niya. Tumingin ako sa paligid at may iilang tao ang napapatingin sa amin. Nang tumingin ako sa unahan ay nakita kong kumakaway sina Manang Loling at Atoy sa amin. Tuluyan na silang nakarating doon sa dulo.
“Ano? Magbabangka ba tayo o uuwi na lang?” untag ko sa asawa ko.
Hindi na siya tumatawa. Nakahinga naman ako nang maluwag. Ang akala ko ay aabutin siya ng umaga sa katatawa, eh.
Gunner held my hand. “Then let's avail for a boat.”
Sabay kaming bumaba sa hagdang gawa sa bato. Mga bato lang kasi iyon na tinipon at ginawang hagdan. Hindi naman matutulis ang mga bato kung kaya ay hindi na ako nag-alala para sa paa ko. Nakasuot pa lang naman ako ng flip flops.
BINABASA MO ANG
Tears of Trapped ✓
RomanceShe got him in the most evil way. She trapped him with a made up story. He begged yet she didn't listen. Now, she's dealing with the consequences of her wicked action. They got married, lived together, but she's not the wife he longed to have. Would...