Chapter 42

336 2 0
                                    

Nagmartsa ako pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso na lamang ako sa kuwarto upang makapagbihis. Naiinitan na naman kasi ako. Feeling ko ay ang baho-baho ko na.

Pagkatapos na magbihis ay saktong tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay napangiti na lamang ako nang makita ang pangalan ni Tita Gara. It's a video call kaya nang sagutin ko ang tawag ay bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha ni Tita. Nakahiga siya sa kama at nakasuot ng puting robe.

“Hi, Tita! How are you?” bati ko sa kaniya.

Napatakip na lamang ako sa aking tainga nang sumigaw siya.

“Buwiset kang bata ka. Ikinasal ka nang hindi man lang nakita ang anino ko riyan! Ni hindi ka rin nagparamdam pagkatapos!”

Napanguso ako. “Nasa Switzerland ka kasi kaya hindi na kita inimbita.”

It was true. Nasa Switzerland siya noong time na iyon at ayaw ko namang umuwi siya para sa kasal ko. Bukod sa malayo iyon at tiyak na mapapagod siya, kinuwento rin ni Kuya Carson na istrikto ang C.E.O. ng company na pinagtatrabahuhan ni Tita. Pansamantala kasi siyang nagtatrabaho roon as a fashion designer.

“Reasons! Kahit nasa Mars pa ako, uuwi at uuwi ako para um-attend sa kasal mo! Umuwi ako the day after your wedding pero nasa honeymoon stage naman kayo kaya hindi kita naabutan!”

“Sorry na. I love you, Tita,” panlalambing ko pa.

“Huwag mo akong ma-I love you I love you riyan! Magtutuos tayo pagkauwi mo at pagkauwi ko!”

“Bakit? Nasa ibang planeta ka na naman?”

“Nasa Berlin ako! Kung hindi lang kayo nagbakasyon ng asawa mo ay susugurin talaga kita riyan! Nagpipigil lang ako dahil alam kong nagla-loving loving pa kayo! Napatawag lang talaga ako kasi nakatakas ang ¼ ng pagkainis ko sa iyo!”

Natawa na lamang ako sa mga sinabi niya. Saglit lang kaming nagkuwentuhan dahil badtrip nga raw siya sa akin. Kasalanan ko rin naman kasi.

Makalipas lamang ang kalahating oras ay natapos din ang tawag. Hindi ko alam kung nag-meeting ba ang pamilya ko at sunod-sunod silang tumawag. Tanghali na tuloy nang matapos ang pakikipag-usap ko sa kanila.

Kumalam ang sikmura ko kaya napagpasyahan kong bumaba. Dumiretso ako sa kusina at akmang tatawagin na si Manang Loling nang makita ko ang isang hindi pamilyar na pigura.

Isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang ang nandoon at nagluluto. Nakatalikod kung kaya ay hindi ko makita ang mukha. Mas matangkad ako kaysa sa kaniya. Maikli rin ang kaniyang buhok. Petite sized.

“Magandang tanghali,” bati ko upang makuha ang atensyon niya.

Napalingon siya sa akin at bumungad sa akin ang maganda niyang mukha. May nunal siya sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata. Para iyong beauty mark niya.

“I guess you are Maricris?” patuloy ko pa bago umupo sa upuan.

“Hello po, Ma'am Claire. Ako nga po si Maricris. Naikuwento ka na ni Manang Loling sa akin,” siya sabay ngiti.

“Claire na lang ang itawag mo sa akin. Masyado kang pormal,” biro ko sa kaniya.

Ngumiti siya at pinatay ang apoy sa kalan. Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa upuang kaharap ko. Tiningnan niya ako nang mabuti.

“Ang ganda mo namang magbuntis,” komento niya. “Samantalang ako noon ay parang shokoy na may kaunting tao.”

Napailing na lamang ako sa papuri niya sa akin at sa panlalait niya sa kaniyang sarili. Hindi maganda ang manlait sa kapwa ngunit mas hindi maganda na laitin ang sarili dahil kapag nakakarinig ka ng exact words mula sa iba, tiyak na babagsak ang mundo mo.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon