Chapter 8

217 6 0
                                    

"No, Lola. This is Claire Ann Versoza, a niece of a friend."

Mabuti na lang at mabilis na naitama ni Gunner ang maling akala ni Future Lola. Kung hindi ay baka nahimatay na ako rito. Pero ano raw? Anong klaseng pagpapakilala iyon, Gunner? Bakit hindi niya na lang sabihing, "No, Lola. This is Claire Ann Versoza, my future wife and your future granddaughter-in-law."

"Oh! I'm so sorry, hija! Please come in!" Apologetic siyang ngumiti sa akin. Halatang pinagsisisihan niyang ihanay ang ganda ko sa mga Gomez.

Hinawakan ako ng matandang babae sa balikat saka niya ako pinatuloy sa loob. Nauna pa talaga ako kaysa sa apo niya. Sige lang, forgiven na siya kasi mabait naman pala. Medyo nailang pa ako dahil tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Para niyang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko sa ginagawa niyang iyon. When our eyes met, her lips stretched a little.

She was wearing that kind smile, contradicting her strict eyes. Kahit matanda na siya at may iilang lines sa mukha ay hindi pa rin maitatago ang kagandahan niya. Litaw na litaw pa rin iyon hanggang ngayon. I bet she's popular back in her days. Buenavistas' genes are all good.

"Mahilig ka pala sa tulips, hija," she hunched and that was a great hunch!

"How did you know po?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti.

"The designs of your accessories were all tulips. Tulips ang design ng bracelet, necklace, anklet, at hair clips mo. I bet 'yong maleta na kulay red at may design na tulips ay sa iyo rin."

My smile broadened to the extent na parang mapupunit na ang labi ko. Napansin pala ni Lola na puro tulips ang design ng mga dala ko. Eh I love tulips naman talaga e! Kuya Carson promised me na dadalhin niya ako sa Amsterdam, Netherlands someday. Pupuntahan namin 'yong field of tulips.

"Ano ang gusto ninyong pagkain at nang maihanda ko?" nakangiting tanong ng matanda sa amin.

I simply shook my head when Gunner turned to me. Kahit hindi siya magtanong ay alam ko na ang sasabihin niya. Umiling lang din si Shan at humikab pa. Parang kanina lang ay gusto niyang kumain sa tapsihan. Lola took that as a sign na kailangan naming magpahinga na.

"O siya! Pumanhik na kayo sa itaas." Bumaling si Lola kay Gunner. "Gunner, ihatid mo sila sa bakanteng kuwarto at maghahanda ako ng lulutuin natin para mamaya."

"Opo, Lola," tugon ni Gunner.

Nakangiti akong sumunod kay Gunner nang maglakad siya paakyat. Dala niya pa rin ang ilang gamit ko. Si Shan naman ay nakasunod lang sa akin. Tahimik lang siya likod at wala akong pakialam sa kaniya.

"You'll be staying here, Claire. Shan will be staying next door," Gunner stated as soon as he opened the second door.

Napatingin ako sa katabing kuwarto at nakita kong pumasok si Shan doon. Parang pamilyar na sa kaniya ang bahay na ito dahil alam na alam niya kung saan siya papasok. May hawak nga rin siyang susi kanina tapos iyon ang ginamit niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka maging si Jollibee na naman siya.

"Where is your room, Gunner?" hirit ko pa kay Gunner bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bakanteng kuwarto.

"Two doors from here," tugon niya.

Tumango ako at sinilip ang sinabi niya. Two doors from here. So he is just two doors away.

"I'll go now," paalam niya and I just nodded at him.

That day passed like an ordinary day. Nagpahinga lang kasi kami buong hapon dahil pagod na rin sa biyahe. Mabuti na lang at maraming bakanteng kuwarto sa bahay ng Lola ni Gunner na future Lola ko na rin kaya hindi kami magka-share ng kuwarto ni Shan. It's not like I want to share a room with her. Kay Gunner, oo pa.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon