Chapter 41

304 3 0
                                    

Napalunok ako sa narinig. “Kailan lang iyan?”

“Noong nasa States po sila. Tumawag po si Sir Gunner sa amin.”

“R-Really?”

I didn't expected my voice would crack. Mukhang natauhan naman si Atoy. Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi. Ngumiti lang ako at tumalikod saka nagsimulang humakbang palayo.

I know that he thought of settling things with Shan. Hindi ko lang inasahan na ganitong pagse-settle ang ginawa niya. Hindi ko alam na umabot na siya sa ganito. Ang buong akala ko ay kasal pa lang ang nasa isip niya. Umasa akong wala na siyang nakahandang plano.

Napangiti ako nang mapait habang nakatingin sa malawak na sakahan.

See? Everything here screams their presence. Kahit saan ako magpunta, may mga prints silang naiwan. Parang mga bubog ang mga memories nila na sa tuwing natatapakan ko ay nasasaktan ako.

“Umuwi na tayo, Atoy,” aya ko kay Atoy. Tumalima naman kaagad ang binatilyo.

Nakatutuwa lang isipin na sa murang edad ni Atoy ay natuto na siyang magmaneho sa ganitong klaseng sasakyan. Maybe his status taught him. Or maybe his future profession pushed him. Nalaman ko mula sa kaniya na gusto niyang maging isang sikat na car racer sa buong mundo.

Nagpasalamat ako kay Atoy nang tumapat ang sasakyan sa gate namin. Nang pumasok ako sa loob ay nadatnan ko si Manang Loling. Nagma-mop siya sa sahig.

“Nandoon ba si Gunner, hija?” tanong niya.

Ngumiti muna ako bago umiling. Nagpaalam na rin akong aakyat na sa kuwarto. Nagpalit ako ng mas komportableng damit bago nahiga sa kama.

Nakatitig lang ako sa puting kisame. Walang buhay ang mga mata ko habang pinakikinggan ang ugong ng aircon. Sa tingin ko ay naubos ang enerhiya ko para sa araw na ito. Nakaramdam ako ng matinding pagkapagod dulot ng nangyari kanina na tuluyan na akong hinila ng antok habang nakahiga sa kama.

“Claire? Claire?”

Nagising ako sa tinig ng asawa ko. Wala akong planong bumangon dahil bigla akong nawalan ng gana. Bigla akong tinamad. Ganito naman daw kasi kapag buntis.

“Nakauwi ka na pala.” Boses iyon ni Manang Loling. Mukhang nasa labas lang sila ng silid na ito kung kaya ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

“Nasa loob po ba ang asawa ko, Manang Loling?”

“Oo.”

Bumukas ang pintong gawa sa kahoy at iniluwa niyon ang nag-aalalang mukha ng asawa ko.

“Claire,” sambit niya sa isang mahinang boses.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin. Napabangon tuloy ako sa ginawa niyang iyon. Lumuhod siya sa sahig at hinawakan ang dalawang kamay ko habang hinahaplos ng kanang kamay niya ang kaliwang pisngi ko.

“Sorry at natagalan ako. Inihatid ko kasi si Shan sa center dahil bigla siyang dinugo. Hindi puwede si Mang Isko dahil may lagnat ito. Kami lang namang dalawa ang lalaki roon kaya ako na ang nagdala sa kaniya roon,” mahabang paliwanag niya.

What the hell. Tapos ang sinabi ni Aling Matilde ay ipinasyal niya si Shan sa bukid? Grabe naman! Story-maker pala. Exaggerated, huh?

“Kumusta naman si Shan?” nag-aalalang tanong ko.

Nag-aalala ako para sa kaniya. Wala siyang katuwang sa buhay at alam kong mahihirapan siya sa pagpapalaki ng anak niya. Ayaw kong maging negative pero iniwanan na nga siya ng tanging lalaking mahal niya ay dinugo pa siya.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon