Chapter 10

286 7 2
                                    

"Good morning, everyone!"

It was Saturday in the morning at ako pa rin ang pinakahuling nagising. Or should I say, bumaba. Naglakad ako palapit kay Lola Adara na nakahawak sa dibdib niya that time dahil mukhang nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko.

"Magandang umaga, Lola Adara!" pag-uulit ko sabay halik sa pisngi niya.

"Diyos ko sa 'yong bata ka! Akala mo kung naano kung makasigaw! Muntik na akong atakehin sa puso!" Pabiro niyang hinampas ang pwet ko kaya natawa na lamang ako. Mukhang nagulat ko nga siya.

I looked at Gunner who was observing me that time. He's already wearing a plain dark brown shirt and a jogger pants. Sa tingin ko ay nag-exercise siya. O mag-e-exercise pa lang.

I smiled at him and even waved my hand. "'Gandang umaga, future husband!"

Mukhang nakahinga nang maluwag si Gunner dahil pinansin ko siya. Hindi na nga niya pinansin ang sinabi ko sa kaniya. He then looked at my lips. Na-bother naman ako dahil nakatitig siya roon. Kagabi ay binalikan niya ako sa kuwarto. Sakto namang nagpapatuyo na ako sa buhok ko noong time na iyon. Ginamot niya lang ang labi ko at pagkatapos ay tahimik siyang umalis para maligo at makapagpahinga na rin daw.

"Don't bite it again," he mouthed.

Walang ibang nakatingin sa kaniya kung hindi ako lang. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. Ewan. Kinilig agad ako sa simpleng galawan niya, eh. Ganoon nga siguro kapag malalim na talaga ang pagtingin mo sa isang tao.

Si Shan naman sa tabi ni Gunner ay parang naghihintay ding batiin ko siya. Nakasuot lang siya ng pair na purple na pantulog at mukhang naghilamos lang siya bago bumaba rito. Hindi na ako nakipagplastikan pa kaya hindi ko talaga siya pinansin. Nauna akong umupo kaysa sa kanila. Napansin ko rin namang nagsi-upuan na rin sila.

"Good morning, Claire," Shan greeted me. Mukhang hindi na nga siya nakatiis pa. "I guess you woke up in the right side of the bed."

Ngumiti lang ako sa kaniya. Right. Ayos na ako. And I should apologize to Gunner for how I acted last night. Para akong bata na nag-throw ng tantrums. I failed to apologize kagabi sa kaniya, eh. Napatingin ako kay Gunner na nagsimula nang kumain. I have to say sorry for making him feel what he had felt yesterday night.

"Ang ibig mo pong sabihin ay manghuhuli po kami ng mga sisiw tapos ipapasok sa kulungan nila?" tanong ko habang nanlalaki ang mga mata kay Lola Adara.

Tapos na kaming kumain at tapos na ring magpahinga. Alas nuwebe na ng umaga at mataas na ang sikat ng araw. Hindi naman masakit sa balat ang init at sa totoo lang ay ang sarap sa pakiramdam lumabas ngayon. So refreshing!

Pero magiging refreshing pa rin ba kung pahuhulihin niya kami ng mga sisiw?

Nakaupo kami sa ilalim ng pinakamalaking punong mangga. Gawa sa kahoy ang upuan at kasya ang limang tao rito. Wala pang bunga ang mangga since hindi pa nito oras para mamunga.

I was wearing a beige house dress na halos umabot sa sakong ko at isang pambahay na short shorts ang nasa ilalim nito. Nakasuot din ako ng kulay brown na strapped sandals. Ang mahabang buhok ko naman ay naka-french braid. I braided myself earlier.

"It's fun, Claire," Shan inserted. Bida-bida, eh.

She, on the other hand, was wearing a loose white shirt and black wide leg pyjamas. Feel na feel niyang nasa bahay lang siya sa suot niya. Naka-tsinelas lang din siya na kulay itim. Her toenails are so. . . cute. I can give her that. Her hair was in a messy bun, exposing her neck na sexy part daw sa mga babae. Gunner was wearing something informal din. Nakapambahay lang din siya at kulay black ang suot niyang t-shirt.

Tears of Trapped ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon