Simula:
To be honest I hate running but now…I'm running. Running for my life. Kapag tumakbo ako hahabulin nila ako, kapag naman tumigil ako papatayin nila ako. Nakakainis 'no? Walang p'wedeng lusutan. Hindi ko nga alam ang rason nila kung bakit nila ako hinahabol, kung bakit gusto nila akong patayin.
Mabilis akong tumakbo papalayo pero 'yong mga yabag at putok ng baril palapit nang palapit sa akin. Jusko! Ayaw ko pang mamatay!
"Lord, help—ay takte!" Nadapa ako at mabilis na bumangon. Kahit paika-ika tumakbo ako. Ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang magkaanak. ’Yong maraming marami. Napatigil ako dahil sa itim na kotseng tumigil sa tapat ko at pagbukas ng pintuan.
"Get in!" Kahit kinakabahan at binabalot ng kaba lumapit ako pero nadapa akong muli dahil may pumutok na baril. Nakaramdam din ako ng mahapdi sa tagiliran ko.
Binilisan ko ang bawat paggalaw ko at pumasok sa kotse na ’yon na mabilis naman niyang pinatakbo. "You okay?" Masamang tingin lang ang binato ko sa taong 'yon. Hindi ba niya nakita na pinapaulanan ako ng bala ng mga ’yon?
Can I hit her? Nakakaasar na kasi siya."Stupid! You think I'm okay—ouch!" Napasandal naman ako sa upuan. Mariin akong napapikit at nakagat ang ibabang bahagi ng aking labi dahil sa subrang hapdi. "Ano bang kasalanan ko sa kanila?" Mahinang bulong ko.
Simula lang naman ito nang umuwi ako rito sa pilipinas, may nagtatangka na pero nakakaligtas ako pero ngayon alam na nila kung saan 'yong bago kong tirahan at ito…para akong isang asong lobo na pinaguunahang patayin ng mga mangangaso.
"You had a gun shot?" Napakagat labi ako at nanghihinang tumango bago tiningnan ang tagiliran ko na nagdurugo. "Kailangang madala ka na sa ospital." Napairap naman ako. Nagtatagalog naman pala ang isang 'to.
"Hayaan mo na ako." Nanghihinang saad ko.
Kanina lang ayaw pa mamatay tapos ngayon, hayaan na lang?
If I die siguro hindi na nila ako mapipilit na pakasalan ang isang 'to. Mula nang makasama ko siya palagi na lang nalalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay niya. Ayaw ko namang mandamay 'no. Mabuti na nga lang at hindi nadadamay ang kapatid at mga kaibigan ko.
Nag iinarte.
"Ayaw kong mabyuda ng maaga, stupid." Napairap ako at pumikit.
Pake ko naman sa’yo?
"Hindi natuloy ang kasal na’tin kaya hindi ka mab-byuda." Asik ko sa kanya.
"Hinahabol ka na nga ng kamatayan nakuha mo pang magsungit." Gusto ko siyang sipain.
Weeks past. Matapos ang pagtangkang pagpatay ULIT sa akin ay muli akong nakaligtas. Malakas talaga kapit ng anghel de la guardia ko kay lord. Akalain mo ’yon sa ilang beses na pinagtangkaan akong patayin ito ako ngayon humihinga.
Napasimangot naman ako dahil bored na bored na ako. Napapanis na ang laway ko dahil hindi ko naman makausap si Venice. Ilang linggo na rin kasi akong naka-admit dito sa hospital. Palaging mukha lang ni Venice ang nakikita ko.
"Venice!" Tiningnan niya naman ako.
"I told you. Don't call me, Venice."
"Eh, ano ang gusto mong itawag ko sa iyo? Love? Wifey? Darling?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. "Whatever. Kailan ba ako lalabas? Ayaw ko na sa lugar na ’to at kasama ka. Gusto ko nang bumalik sa bahay ko." Tinaasan niya naman ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023