Episode 11:
VENICE
Tiningnan ko si Tamara habang nakapamewang sa harapan ko. Ano na naman kayang problema niya? Andito kasi ako sa bahay niya ngayon.
"Kailan ka ba titigil sa pakikipagpatayan mo? Hanggang kailan?" Marahang umupo ako sa sopa niya. "Para kay Rouge? Makikipagpatayan ka talaga?"
"Hindi pa naman ako patay."
"At hihintayin mo pa talagang mamatay ka!?" Asik niya kaya naman pinagkrus ko ang aking mga braso. "Kung tadhana niyang mamatay sa murang edad hindi ba dapat labas ka na ro’n?"
"This is what our grandfather's want." Napahilamos naman siya.
"Paaano ka? Baka sa susunod ikaw na ang sumalo mg balang dapat sa kanya ay tatama ha!?" Natawa naman ako.
"Hindi mangyayari ’yon. Alam na’ting pareho na hindi mahina ang isang ’yon."
"Kaya nga dapat tigilan mo na. Hindi ka superhero."
"Gagawin ko ’yon pero hindi pa sa ngayon." Napahawak siya sa kanyang noo. "Nakita ko si Plea." Natigilan siya. "Nakita ko siya noong biyernes." Tiningnan ko siya at bakas sa mukha ang labis na pagkagulat.
"Nakita mo na siya?"Tahimik akong nakatingin sa kanya. "Ibang klase rin talaga ang isang ’yon, pagkatapos niyang magtago ng ilang taon bigla na lang siyang magpapakita sa iyo."
"Malaki ang pagbabago sa kanya. At nabanggit niya ang nangyari kay Peach." Umupo siya sa tapat ko.
"Nasabi niya ba?"
"Nagkaroon ng komplikasyon ang treatment." Natigilan naman siya. "At side effects no’n ang pagkawala ng kanyang ala-ala."
"Kasama tayo sa ala-alang nawala sa kanya?" Marahan akong tumango. "Bakit hindi pa rin siya tinitigilan ng mga Takahashi?"
"They’re Rouge. Gagawin ng Takahashi ang lahat para makuha nila ang yaman ng mga Rouge katulad ng ginawa nila sa Villanueva, sa pamilya nina Rakki."
"Hanggang ngayon sila pa rin ang puno’t dulo." Tumango naman ako.
Alam kong matalino si Tamara at maiintindihan niya ang mga sinasabi ko.
"Ms. Tamara, andito na po si Dra. Callista." Tumayo na si Tamara.
"Mag usap tayo mamaya." Iniwan niya ako, makaraan ng ilang segundo ay pumasok na si Dra. Callista.
Tiningnan niya ako bago umiling. Ibinaba niya ang medical kits na dala dala niya bago lumapit sa akin at tiningnan ang sugat sa braso at tagiliran ko.
Dra. Callista is a Villanueva. Pamangkin niya sina Rakki at mga kapatid nito. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaang private doctor ng mga Salvador. Kung ano man ang nakikita niya ay mananatili ’yong sikreto. Hindi rin nalalayo ang edad niya sa amin.
"Siguro naman wala nang mas lalala pa rito."
"I guess so."
Isinuot ko na ang jacket ko matapos akong gamutin ni Dra. Callista. Pagkaalis niya saktong pumasok naman si Tamara.
Tumunog ang cellphone ko kaya naman mabilis na kinuha ’yon at tiningnan kung sino ang caller. Napakunot noo naman ako dahil number lang ’yon. Napailing ako bago sinagot.
"Oh, bakit? Sino ’to?" Natahimik naman sa kabila. "Wala akong panahon para sa mga pranks—"
"Nasaan ka na ba? At kung makatanong ka para kang galit." Muli akong napatingin sa screen. Nagha-hallucinate ba ako? Boses ni Pea ang nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023