Episode 20

8 1 0
                                    

Episode 20:



VENICE


Binantayan ko lang siya hanggang sa makatulog. Hindi na maganda ang nangyayari sa kanya. Palagi na lang niyang napapanaginipan ang bagay na 'yon. Noon gusto kong maalala niya ang past niya pero ngayon mas natatakot na akong maalala pa niya 'yon.

Bumangon ako bago pumasok sa banyo at naligo. Nang lumabas ako, tulog pa rin siya kaya naman kinumutan ko siya at lumabas na ng kwarto. Nang makababa ako sa lobby napakunot ako ng makita ko si Gal doon na nakatayo habang kausap ang receptionist. Kaya naman mabilis na nilapitan ko siya.

"Tamara? Val? What are two doing here?" Napalingon silang dalawa sa akin.

Itinaas ni Val ang kamay niya at kumaway sa akin. "Twin." She smiled widely.

"I said what are you-"


"Lolo invite the both of us." Ikinawit ni Val ang kanyang kamay sa braso ni Tamara. Si Lolo?


"At bakit?

"Walang may alam." Singit bigla ni Tamara.

"Miss, saan ba rito 'yong kay Mr. Solomon Rouge?" Napatingin kaming tatlo sa babae.

"Sino po sila?" Tanong ng receptionist.

"Carina Rollins." Napatingin siya sa gawi ko. "Venice Salvador?" Napakunot noo ako. "Tamara and Vallerei Salvador." Baling niya sa dalawa.

"Kilala mo kami?" Tanong ni Tamara.

"Oo nga. Paano mo nalamang siya si Venice at ako si Vallerei?" Natawa siya.

"Hula lang." Humagikhik siya.

"Wait a second!" Biglang pumitik si Tamara sa hangin. "Natalie?" Ngumiti siyang bigla.


"Ako nga."


"Excuse me lang po, Ms. Rollins." Napatingin siya sa receptionist.

"Yes?"


"Nasa second floor sila."

"Ah, gano'n ba? Sige maraming salamat."


"Welcome po and enjoy staying ma'am."

"Natalie?" Napalingun kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Mukha kang ewan." Bigla na lang ngumiti si Peachy sa kanya at tumakbo palapit bago ito niyakap. Napakunot noo naman ako.

"Akala ko kahapon ka pa makakarating."

"Na-flat ang gulong kotse ko kaya naman tumigil muna ako sa Lucena." Napatango naman siya.

"Hi, sunshine." Bati ni Val.

"Andito ka rin? Ano'ng meron?" Tumingin siya sa akin kaya nagkibit balikat ako.

"Samahan mo ako kay lolo." Tumango si Carina sa kanya. "Maiwan na muna namin kayo." Aniya't hinila na si Peach. Hindi na nga sila nakatingin pa sa akin.


Sino ba 'yon?

Inakbayan akong bigla ni Tamara. Kaya naman napangiwi ako sa kanya. Ano ba ang trip ng isang 'to?

"Ganda niya 'no?" Napasimangot ako.

"Kumusta na si Rakki?" Natahimik naman siya. "Ano!?" Mahinang singhal ko naman sa kanya.

"She's fine." Tumango naman ako.

"Paaalalahanan ulit kita, Ara. Don't do something bad to her."

Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon