Episode 17:
PEACH
Nilingunan ko naman si Venice na nakatingin sa cellphone niya at itinatapat sa tenga pero agad ding ibinababa. Sino ba ang tinatawagan niya? Bigla siyang tumingin sa akin.
"Ayos na ba 'yong gamit mo?" Tumango ako sa kanya.
"Sino ang tinatawagan mo?"
"Si Gal..."
"Hindi niya sinasagot?" Tumango naman siya. "Gusto mo ba munang puntahan natin siya sa unit niya?" Umiling siya't ibinalik sa bulsa ang cellphone.
"Nagpadala na ako ng email sa kanya. Busy lang siguro siya. Tara na." Tumango na lang ako sa kanya.
Tahimik lang ako sa byahe naming dalawa habang siya tahimik lang na nagmamaneho maya maya pa ini-on na niya ang audio at napatingin na lang sa labas ng mag-play kanta ni Jason Derulo na Marry me. Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba habang nasa daan kami ngayon papunta sa isla ni Lolo.
Parang may mangyayari na hindi ko inaasahan sa lugar na 'yon. Sumandal ako't ipinikit ang mga mata. Matutulog na lang muna ako at sana kapag nagising na ako nasa lugar na kami.
"You don't need to do this, Saint."
"I want this end. I want a normal life."
Napamulat naman ako bago napahawak sa ulo. Napansin ko na nakatigil ang sasakyan at wala si Rhegis kaya inalis ko ang seatbelt ko bago binuksan ang pintuan at lumabas.
Dumampi naman kaagad sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Nakarating na ba kami? Nasaan ba si sungit?
"Gising ka na pala." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Humakbang ako palapit sa kanya at napansin ko ang hawak niyang sigarilyo.
"You're taking that again." Itinapon naman niya kaagad at may kinuha bago iniabut sa akin.
"Tch! Take that coffee aalis na rin tayo." Sumandal naman ako sa hood ng kotse.
"Ilang oras pa tayong ba-byahe?"
"2 hours pa at isang oras para marating ang isla." Tiningnan ko ang orasan ko. "Makakarating tayo ng alas-dos." Kinuha ko ang kape bago hinipan at ininom. Maya maya may iniabut pa siya sa akin.
"A-ah?"
"Bumili ako kanina." Tumango naman ako bago kinuha.
"Kung aalis na ba tayo ngayon makakarating tayo ng mas maaga sa alas-dos?" Nag-kibit balikat naman siya. " Tara na."
"You sure?"
"Sa loob ko na lang kakainin." Tumango naman siya sa akin.
Nagmaneho na ulit siya, kinain ko naman sa loob ang binili niyang burger. Pagkatapos naglaro na lang ako sa cellphone ko ng piano tiles. Sumulyap naman ako kay Venice bago ibinalik ang tingin sa laro.
"When did you take cigarettes?"
"Hindi ko na matandaan." Tumango naman ako. Hindi ako makakarinig sa kanya ng matinong sagot.
"Palagi mo bang ginagawa 'yon?"
"Hmm..." Bigla naman akong na-game over kaya muli kung ini-play. "Kapag kinakabahan lang ako." Natigilan ako. "O 'di kaya kapag may problema ako na hindi ko kayang i-solve." Dahan dahan akong napatingin sa kanya.
"Kinakabahan ka ba?" Tumikwas ang gilid ng kanyang labi.
"I'm not robot. I have feelings too." Napakagat labi naman ako.
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023