Episode 12

0 0 0
                                    

Episode 12:

PEACH


Nakatingin ako sa kawalan habang nakaupo rito sa bench malapit sa may gate. Sa ingay ng paligid hindi ako makapag-isip ng matino. Sumasakit ang ulo ko sa t’wing inaalala ang mga nangyari noon na hindi ko naman talaga siguro maaalala pa.



“Ayaw ko ring makasal sa iyo.”


"You okay?" Napaangat naman ako ng tingin at nakita si Shea. "Drink this. Baka ma-dehydrate ka." Napangiti naman ako bago kinuha ang tubig na ini-offer niya, nang kunin ko 'yon umupo siya sa tabi ko.

"Thank you." She just sighed.

"Ano ang nararamdaman mo kapag kasama mo siya?" Napatingin ako sa kanya.

"Ha?" Ngumiti siya.

"Kapag kasama mo si Rhegis." Napalunok naman ako.

"Normal lang." Maikling sagot ko. Tumango naman siya't ngumiti.

"You lied to me again." Tumingin siya sa akin. "Kaibigan kita for three years at hanggang ngayon nagsisinungaling ka pa rin sa akin." Tumingin akong muli sa kawalan.

"Pero hindi mo sinabi sa akin. Like this sinabi mo ngayon na nagsisinungaling ako pero noon nanatili kang walang kibo." Binuksan ko ang bottled water at lumagok ng dalawang beses. "Hinintay ko na sabihin mo sa akin ang sinabi mo sa akin ngayon, Shea." Tiningnan ko siya.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya.


I smiled, "Mula nang maging kayo ngayon na lang ulit tayo naging close ng ganito. Ngayon na lang ulit tayo nag-usap na tayo lang dalawa." Tumingin ako sa kawalan bago bumuntong hininga. "Ano bang nangyari sa friendship na ’ting dalawa?"


"Dahil nag-confess ako." Napatingin ako sa kanya. "Itinulak kitang palayo."

"Hindi naman sumama ang loob ko. Tama naman ang ginawa mo."

"Ang unfair pa rin no’n. Naduwag ako at pinilit na tinakasan ang nakaraan hanggang sa habulin na ako nito."



"Pero matagal na ’yon. Hindi naman siguro maaapektuhan nito ang pagmamahalan niyo ni Hailey, ’di ba?" Tumango siya. "Pasensya ka na ulit sa nagawa ko, may gusto lang akong patunay noong gabing ’yon. Gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na talaga kita gusto." Ngumiti ako sa kanya.

"Huwag mo na ulit gagawin ang bagay na ’yon para lang mapatunay mong wala ka nang nararamdaman sa isang tao." Tumango ako.

"I will."

"So? Kumusta na kayong dalawa ni Venice?"

"We’re okay."

"No feelings involve?" Tiningnan ko siya at nagkibit balikat.

"Hindi ko alam kung may feelings na ba ako. Basta kapag wala siya sa paningin ko palagi ko siyang iniisip, hinahanap hanap ko ang presisya niya. Nasanay kasi ako na palagi siyang nasa tabi ko pero ngayon pakiramdam ko ang layo layo na naman niya sa akin."

"You like her."

"I don't." Tumawa naman siya.

"Tuluyang nakalaya ka na sa nakaraan mo?" Tumahimik naman kaming dalawa. May mga estudyante na dumadaan sa harapan namin pero hindi naman nila kami pinapansin.

Ang nakaraan na sinabi niya ay hinahabol ako ngayon.


"Saan ka galing kahapon?" Natigilan ako’t napatingin sa kanya.

Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon