Episode 5

6 1 0
                                    

Episode 5:


VENICE



Nagmulat ako dahil may tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Nasapo ko ang ulo ko bago umupo. Mukhang wala na rin ang lagnat ko. Nakaramdam din ako ng sakit sa braso, balikat at tagilaran ko lalong lalo na sa likuran ko.


"How’s your feeling?" Napatingin ako sa nagtanong. Mukhang kagagaling lang niya sa pagligo, naka-roba pa kasi siya’t medyo nanunulo pa ang basa niyang buhok.


"Maayos na." Nagbaba ako ng tingin.


"Lagnat ka pa rin ba?" Muling tanong niya na ikinailing ko.


"Just headache." Bumuntong hininga naman siya.


Nakarinig ako ng mga yabag mula papasok sa loob ng banyo kaya naman inalis ko ang kumot at tumayo pero biglang umikot ang paningin ko kaya muli akong napaupo. Masakit talaga ang ulo ko.


"Hay naku!" May sumalat naman sa noo ko kaya natampal ko ang kamay niya. "Ouch!" Tiningnan ko siya.



"Malamig ang kamay mo." Sumimangot siya habang hawak hawak ang kamay niyang tinampal ko. "Hindi mo kailangang gawin ’yon."



"Buntis ka ba?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Daig mo pa kasi ang nalilihi e."


"Liligo lang ako mawawala na ’to." Tumaas ang kilay niya.


"Talaga? Paano kung mas magkasakit ka lalo?" Tinitigan ko siya. "Ayaw ko naman maging babysitter kasi damulag ka na." Tumaas ang aking kilay.


"Damulag?"


"Oo. Hindi mo ba alam ’yon?" Umiling ako.


"Huwag ka ngang magsalita ng mga salitang kalye. Nahahawahan ka na ng mga kaibigan mo." Umismid siya.


"Ang ganda mo sana e, ang sungit sungit mo lang." Siya nga itong hindi ko alam kung anong ugali ang mayroon. "Mag-halfbath ka na lang muna. Gamitin mo na ang banyo ko, naikuha na rin kasi kita ng damit."


"Again?" Umarko ang aking kilay. "Ayaw ko. Babalik na ako sa kwarto ko—"


"I said no!" Nagtaas siya ng boses. May kinuha siyang toothbrush at iniabot sa akin. "Kinuha ko na rin ’yan. Pumasok ka na sa banyo. Gusto mong alalayan pa kita?" Tumayo naman ako kaya napahawak ako sa ulo ko. "Tara na nga." Hinawakan niya ako sa likuran at pulsuhan.



"What—"



"Huwag kang maarte." Itinikom ko na lang ang bibig ko. Napaka-bossy. "Naturingang ang tanda tanda na sa mundo pero napakatigas ng ulo." Tumikwas ang aking labi.





Nag-half bath lang ako at nagpalit na rin ng damit ko. Pagkalabas ko nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama niya. Masakit pa rin ang ulo ko. ‘Yong suot kong short na-expose ang hita at binti ko. May mga pasa rin ako ro’n at posible niyang makita ’yon.



Nag-angat siya ng tingin sa akin at masama akong tiningnan. Problema na naman niya ba? Daig niya palaging kakainin ako ng buo e.



"Sa totoo lang buong gabi kung pinag-isipan 'to. " Tumayo siya bago dahan dahang lumapit sa akin. Napakunot noo naman ako.



"Oh?"



"Saan mo ba talaga nakuha ang mga pasa at galos mo ha?"


"Paulit-ulit ka na lang nagtatanong. Sinabi ko naman sa iyo na nag-sparing kami ni Augustus. Saka huwag ka ngang umasta na para bang nagaalala ka sa akin—"



Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon