Episode 6:
PEACH
"What do you think your doing?"
That voice. Bakit ba ang tagal tagal niyang dumating? Kanina ko pa siya hinihintay.
Nang pumunta ako sa restroom doon nila ako kinaladkad dito sa lugar na ’to, sinamantala talaga nila na may klase ang buong building namin para walang makapansin. Nang madala na nila ako itinali lang naman nila ang dalawa kong kamay sa likuran at ’yong paa ko.
Mahigpit ang pagkakatali nila kaya naman napapangiwi ako sa sakit. Pagkatapos may kinuha silang timbang stainless at ibinuhos ang lahat ng lamang tubig sa akin. Amoy kalawang pa nga tapos ibinato niya sa akin kaya natamaan ako sa gilid ng ulo. Sinigawan ko siya kaya naman sinampal sampal pa niya ako. Hawak naman ako no’ng isa sa balikat. ’Yong isa naman nakabantay lang sa gilid at ’yong pinuno nila ang nananakit sa akin.
"Who are you?"
"Sa ating lahat dapat ako ang nagtatanong n’yan sa inyo." Malamig naman niyang saad.
Sinasabi ko sa iyo. Hindi ka cool sa ginagawa mo, ang sakit sakit na ng kamay ko.
"Gusto mo bang matulad sa kanya?" Tanong naman mula sa likuran ko.
"Kayo? Gusto niyo ba?"
"Matapang ka—Aray!" Hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng tingin. "Masakit ’yon! How dare you? Hindi mo ba ako kilala? Kaya kitang ipatapon. Kaya kitang patalsikin dito. May share ang papa ko sa school na ’to." Lagot kayo ni Charlotte kapag nakita niya kayo.
"Wala naman akong pakialam sa inyo."
"Ako lang naman ang anak ni Halcon Abad." Siya pala 'yon. Ang pangit niya.
"Oh? Ako kilala mo?"
"Isa ka lang namang—"
"Kilala mo ba ako!?" Umalingawngaw ang boses niya kaya kahit nanghihina ako nag-angat ako ng tingin. "I'm asking you!" Sigaw niyang muli. Ang pagkakaaninag ko kasi parang hawak niya ang babaeng ’yon sa braso.
"A-aray!"
"Tama na 'yan—"
"D’yan ka lang kung ayaw mong madamay ka." Banta niya. "Now. Answer me. Kilala mo ba ako!?"
"H-hindi. S-sino ka ba? Let me go!"
"Nakakaawa ka naman kung hindi mo ako kilala."
"M-ms. Salvador?"
"P-pasensya na! Kasalan naman kasi niya, pakakawalan—"
"Don't you dare touch her! Umalis na kayo bago pa magbago ang isip ko." Nakarinig ako ng mga yabag paalis.
May humawak naman sa chin ko at iniangat. Nagtama ang mga mata naming muli. Nakita ko ng malapitan ang mga asul niyang mga mata. Ngumiti ako't ipinikit ang mga mata ko.
"You're late."
"Hold on." Naramdaman ko na inalis niya ang pagkakatali ng mga kamay ko. "Rouge..." Bumuntong hininga ako’t sumandal sa kanyang balikat.
"Thank you for saving me again, Venice." Mahinang saad ko.
VENICE
Basang basang ang suot niyang uniform. Daig pa niya ang pinaliguan. Napangiti naman naman ako bago hinawakan ang gilid ng ulo niya pero may kung anong napansin ako. Napatingin ako sa kamay ko’t nanlaki ang mga mata ko dahil may dugo doon. Nang i-angat ko siya ay wala na siyang malay. Napansin ko rin ang pag-agos ng sariwang dugo mula sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023