Episode 16

0 0 0
                                    

Episode 16:

PEACH



Umupo ako sa gitna ng ulanan habang umiiyak. Masakit pa rin sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nagkaroon ng lakas loob para masabi ang lahat nang 'yon sa kanya.

"Tapos ka na ba?" Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya. Basang basa na rin siya ng ulan at seryosong nakatingin sa akin. "Kung tapos ka na, umuwi na tayo." Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Hayaan mo na lang muna ako rito, gusto kong mapag-isa." Nagbaba ako ng tingin.

"Sige." Sagot niya kaya naman muli akong nag-angat ng tingin sa kanya at nagulat ako ng umupo siya.

"A-ano ang ginagawa mo?"

"Just imagine that I'm not here. Don't mind me. Magiging tahimik ako." Ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko naman.

Muli akong napayuko at umiyak. Ilang minuto rin akong nakaupo at tumayo na dahil narinig ko na bumahing siya. Nang makita niya na tumayo ako, tumayo na rin siya.


"Are you done?" Marahang tumango naman ako. "Let's go home, then." Inalis niya ang leather jacket na suot niya bago inilagay sa balikat ko.


"I-ikaw?" Umiling naman siya.


"I'm fine,let's go." Hinawakan na niya ako sa kamay at marahang hinila.


Nang makarating kami sa bahay niya agad na pinapunta niya ako sa kwarto ko para magbihis at gano'n din siya sa tingin ko. Umupo ako sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang mukha ko.


Dapat ko bang sabihin 'yon sa kanya? Sinumbatan ko ba dapat siya? Naging bastos ako sa harapan niya pero hindi ko rin alam na magagawa ko 'yon na akala ko hindi ko kaya.


Napalingun naman ako ng may kumatok bago bumukas ang pintuan. Sumilip muna siya bago tuluyang pumasok dala ang isang tasa.

"Chocolate?" Tumango naman ako kaya agad na ipinatong niya 'yon sa harapan ko."Gumana ba 'yong pag-iyak mo sa eskinita kanina?" Tumango naman ako. "I'm sorry..." Napatingin ako sa kanya.

"For what?"

"Basta." Tumango na lang ulit ako. "Magsabi ka lang. Makikinig ako." Napakunot noo ako. "Ayos lang naman kung ayaw mo pero mas gagaan ang loob mo kapag inilabas mo 'yan." Napaawang ang labi ko. "Nagtataka ka siguro kung bakit ganito ako hindi ko rin alam."

"H-hindi naman."

"Ano ba 'tong ginagawa ko? " Rinig kung bulong niya kaya naman natawa ako ng mahina bago bumuntong hininga.

"Pagmulat ng mga mata ko noon hindi ko na maalala kung sino ako. "Tiningnan ko ang tsokolate sa tasa. "After months may naalala ako pero hindi naman detalyado. May kulang."

Yumuko ako at mapaklang natawa.



"Bilang lang ang mga taong natatandaan ko. Sina Mom, Dad at Lolo lang ang natatandaan ko. Hindi ko nga alam na may kapatid pala ako." Tumunghay ako. "When I was 11 years old my parents separated. Si Mom pumunta siya ng Italy while my father stay. Then he meets Charlotte's mother." Muli akong nagbaba ng tingin. "Totoong gustong gusto ko si Shea. Kaya lang nang marinig ko si Lolo na hindi ako p'wedeng magmahal dahil may nakapangako na sa akin. I rejected her kasi ayaw kong biguin si lolo. After that isinama ako ni Lolo sa Paris. Hindi ako nakapagpaliwanag kay Shea at aminadong nagsisisi ako."


She sighed.


"Nang bumalik ako sa Paris doon ko nakilala si Flair. Hindi ko alam na siya pala ang fiance ko kaya naging magkaibigan kami. Nang tumungtong ako sa edad na labing lima nag-announce si Daddy na magpapakasal na siya ng Mommy ni Charlotte kasabay no'n ang announcement na itatali na ako kay Flair pagtungtong ko sa labing walo."


"Peach..."


"We planned to escape, Venice. Kaya lang pinanghihinaan ako ng loob. Umatras ako. I helped her to escape. Sabi niya babalikan niya ako pero itinulak ko siya palayo."


"Bakit mo ginawa ang bagay na 'yon?"

"Dahil 'yon ang pagkakaibigan. Ayaw kong matali siya sa akin. Ayaw kong mahalin niya ako paraang 'yon. Ayaw kong mahalin niya ako dahil napilitan lang siya." Lumunok ako. "Nang hindi siya mahanap tumigil sila. Ikinulong ako dahil natatakot sila na baka tumulad ako kay Flair. Na baka takasan ko rin sila or baka dahil sa kakayahan ko na itinuturing kong sumpa." Mapakla akong tumawa. "Bago ako bumalik dito ginawa na 'yon ni Mom."

"Ginawa?"



"She disowned me."






VENICE



Agad na hinila ko siya't niyakap. Ito na lang ang tanging magagawa ko para mapakalma siya. Marami na siyang pinagdaanan noon. Ayaw kong maulit ulit 'yon. Hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan dahil mas mahalaga ang ngayon.


"Kaya lang kanina, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng galit sa kanya. Nasabi ko ang lahat ng 'yon sa kanya." Humahagulhul na sabi niya. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya.


"Stop it..."


Nang kumalma siya lumayo na ako't umupo sa gilid ng kanyang kama. Namumugto ang mga mata niya.

"Hindi ko naman sinasadya na pagsalitaan siya ng masasama kanina." Kahit bakas ang galit sa mga mata niya kanina habang kausap si Tita Felise mas nangingibabaw pa rin ang pagiging malambot ng kanyang puso. She's too soft.

"Nadala ka lang nang galit na kinimkim mo d'yan sa loob mo, Peachy. May tamang oras para kausapin siya at humingi ka ng tawad."


"Sabi mo nga lahat ng tao binibigyan ng second chance..." Ngumiti siya pero nasa mga mata pa rin niya ang lungkot. "Kahit ako hindi nabigyan ng second chance ayos lang." Ngayon mas lumala pa ang paghanga ko sa kanya.


"I can be your comfort zone, Peach." Natigilan naman siya at tumayo bago tumigil sa harapan ko.

"P-p'wede ba kitang yakapin ulit?" Natawa naman ako't itinaas ang dalawang braso bago ibinuka.

"You can..." Bigla siyang yumakap sa akin at dahil sa malakas niyang pwersa napahiga kami sa kama niya.

Unti-unti kung inilapat ang kamay ko sa likuran niya at ngumiti. My heart pounding fast again.

"A-ah, 'yong chocolate mo baka lumamig na." Agad siyang bumangon at nagtama ang mga mata namin.

Napansin ko na namumula ang kanyang mukha kaya naman natawa ako. She's pretty-wait!?




Tumayo ako at inayos ang damit. "Mauna na ako sa labas." Tinalikuran ko siya pero natigilan ako. "A-ah, wala ka bang naaalala tungkol sa nangyari kagabi?" Tumagilid ako. "Nevermind..." Naglakad na ako't hinawakan ang doorknob bago iniikot saka muling humarap sa kanya. "Pupuntahan na'tin ang lolo mo bukas. Maghanda ka na." Tumango siya kaya naman tuluyan na akong lumabas.

Inilapat ko ang aking kamay sa tapat dibdib. Napakabilis ng tibok nang aking puso.


Hindi naman mawala sa isip ko ang sugat ni Val sa braso niya at dugo sa t-shirt niya kanina hindi ko nakita ang sugat niya sa parteng 'yon pero pakiramdam ko ang lalim no'n. Sana nga totoo ang sinabi niyang paliwanag dahil kung hindi baka may magawa ako sa nanakit sa kanya. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya. Alam kong hindi mahina si Val pero hindi ko pa rin maiwasang mag alala sa kanya.


"Boss." Tiningnan ko si Augustus. "Nakuha ko na po." Tumango naman ako.

Pumunta kaming dalawa sa basement. May iniabot siyang folder sa akin at doon nakalagay ang lahat ng mga importanteng bagay na dapat kong malaman. Alam mong magagalit si Val kapag nalaman niyang inimbestigahan ko ang kaibigan niya.


Cara Wayne Monteclaro.



Monteclaro? She's a Monteclaro?

_________________________________

:)

Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon