Episode 13

3 1 0
                                    

Episode 13:

PEACH




Weekends, nakatingin lang ako kay Rakki na busy sa pagdidilig ng halaman. Wala si Venice. Hindi ko alam kung saan na naman siya nagpunta. Palagi naman kasi siyang nawawala kapag weekends.

"Are you done?" I asked her kaya naman lumingon siya't ibinaba ang hawak na hose."Tapusin mo na 'yan. Aalis tayo." Napakunot noo naman siya.

"S-saan naman po tayo pupunta?" I smiled at her.

"Let's have a date." Natigilan siya. "A friendly date." Mukha namang nakahinga siya ng maluwag. "Don't worry. Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na hahanap ng kabit."

"Eh?" Natawa naman ako sa reaksyon niya bago tumayo at pagharap ko nakita ko ang nakasimangot na si Venice. "Magandang tanghali po, Ms. Venice."

"Tamara, will take you as her secretary. So? Starting tommorow she'll pick you up." Nabigla naman ako.

"Biglaan naman 'ata 'yan." React ko namang bigla sa sinabi niya.

"Tsk!" Tinalikuran na niya ako't naglakad na  kaya naman mabilis na sinundan ko siya't hinawakan sa braso. Natigilan siya at kahit ako natigilan.


Bakit parang pakiramdam ko nangyari na ito noon? Nasapo ko ang ulo ko dahil kumirot ’yon.



"What!?" Asik niyang bigla sa akin dahilan upang mapaatras ako't nabitawan siya.

"Noong una hindi ka pumayag na maging sekretarya ni Tamara si Rakki kaya nagtataka ako na pumayag ka ngayon." Inis na saad ko.


"Why do you care?"  Malamig niya akong tiningnan. "Are you jealous?" Napakunot naman ako.


Jealous?

"You act like a kid." Labas sa ilong na saad ko.

She sourly laugh. "Just tell me that you're—"

"I'm not. Bakit ako magseselos? Rakki is just my friend. Bakit ba ganyan ka mag-isip? Epekto na ba 'yan sa mga ginagawa mo?" Umikot namang bigla ang kanyang mata.


"Una si Shea, pangalawa si Flair, pangatlo ang kakambal ko at ngayon si Rakki naman…"

"Why you act like that? Are you—"

"What?" Mapanghamon na tanong niya. Ngumiti na lang ako't kinalma ang sarili.

"They're just my friend. May kaibigan ka rin naman hindi ba? Kung hindi lang kita kilala baka mapagkamalan pa kitang nagseselos."  Tinalikuran ko na siya.




"At ano'ng pakialam mo kung nagseselos ako?" Napalingun ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "At bakit ako magseselos?" Mapakla akong natawa.


Bakit nga ba?



  
Kumain na lang muna kami ni Rakki sa isang Italian Restaurant nang araw na 'yon pagkatapos inihatid ko na siya sa kanila. Nanatili muna ako nang ilang oras para makalaro ang kapatid niya. Natanggal ang pagka-stress ko. Pagkatapos umalis na rin ako.



A weeks past,

Mas na-stress pa ako. Balita ko nga nag-simula na si Rakki. Natahimik na ang bahay pero kahit papaano nakakausap ko si Manang. Mas napapadalas na rin ang pag-alis ni Venice. Nakakainis talaga ang taong ’yon.


"Ms.Peach?" Napalingun ako dahil sa pamilyar na boses niya. Naka-black t-shirt siya at naka-short na hanggang tuhod.

"Uy..." Bati ko.

Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon