Episode 14:
VENICE
"Hanggang kailan ka magpapanggap."
Bumuntong hininga ako at inilagay ang aking kamay sa bulsa ng suot kong pants. Hindi niya ako p’wedeng mahalata na ako nga ang Venice na tinutukoy niya.
"What do you mean?"
"Venice, hindi ako tanga!" Itinulak niya ako at itinuro ang kanyang dibdib kung saan nakalagay ang kanyang puso. "Kaya mong magpanggap bilang si Val at dayain ang paningin ko p’wes hindi ito!" Pumatak ang luha niya mula sa mga mata. "Hindi ang puso..." Napatitig lang ako sa kanya.
I don't know what to say.
"Sinasabi mo lang ’yan dahil lasing ka na. Hindi nga ako si Venice, Peach."
"Hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko." Napalunok naman ako at pagkaraan ng ilang minuto ay kinalma ang sarili. Bumuntong hininga ako’t hinawakan ko ang kanyang braso.
"You're drunk. Let's go home." Tinitigan niya lang ako. "Peach." Mariing tawag ko sa kanyang pangalan.
"You're not Val."
"Hindi kita pipilitin na paniwalaan ako. Ang mahalaga—" Hinawakan niya ang kwelyo ko bago hinila palapit sa kanya.
Her lips meet mine. Mabilis lang ’yon. Lumayo rin siya sa akin, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako. Kahit ’yong ibang mga tao rito sa bar at tumitingin sa amin.
"Bakit ang manhid mo?" Napalunok ako.
"Lasing ka na." Mahinang saad ko. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa dibdib ko.
"Peach."
"I rejected her dahil ayaw kong masaktan ang kapatid mo. Hindi ko naman ito dapat nararamdaman e, hindi dapat ako nakakaramdan ng sakit sa t’wing itinataboy mo ako o hindi pinapansin." My eye's twitching. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya bago ko ibinaba ang kamay ko sa pulsuhan niya’t hinila na ito palabas.
Narito kami sa loob ng sasakyan. Umiiyak pa rin siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano ko ba kasi siya mapapatahan?
"Ang tanga tanga ko. Dahil sa curiosity tumutol ako sa gusto ni Lolo. Gusto ko kasing mas makilala ka pa."
"I'm sorry." Bumuntong hininga siya ng napakalalim.
Bumalik na kami sa bahay. Tinulungan naman ako ni Augustus na dalhin siya sa kanyang kwarto. Kumuha na rin ako ng basang tuwalya para punasan siya. Nang akmang tatayo na ako bigla na lamang niya akong hinila kaya naman napaibabaw ako sa kanya at halos isang dangkal lang ang layo ng mga labi namin sa isa’t isa.
Hindi pa nga ako maka-recover sa nangyari kaninang paghalik niya. Bigla na lang siyang nagmulat at hinawakan ang likod ng ulo ko dahilan para maglapat ang mga labi naming dalawa.
Fvck! This kid!
Ang pagkakalapat na ’yon ng mga labi namin ay bigla na lamang akong nanlamig. Bumilis ang pintig ng aking puso. May dumaloy na kuryente sa buo kung katawan. Ang pakiramdam na ’to, muli ko na naman siyang nararamdaman.
What the hell!?
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang gumalaw ang mga labi niya. I stopped her. This is not the right time.
"Uhmmm..." Napalayo ako sa kanya. "Veni...ce." Tumagilid siya.
Bumuntong hininga ako’t inayos ang kumot niya. Sigurado akong makakalimutan niya rin ito bukas. At mas mabuti na rin siguro ang bagay na ’yon.
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023