Episode 4:
PEACH
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang breakfast ko ng makita ko sa gilid ang kapatid ni Venice. T’yak ako na siya si Vallierei. Maaga siyang umalis kanina, kaya alam kong siya si Vallierei.
"Good morning." Bati ko kaya naman bigla siyang napatingin sa akin.
"I didn't see you." Gulat pang saad niya. Napataas ako ng kilay.
"Pikit ka pa kasi." Tumango naman siya kaya naman ibinalik ko na sa kinakain ko ang aking atensyon.
"Can I join you?" Tumango naman ako. "Nakaalis na si Ven?" Tiningnan ko naman siya bago tinanguan.
"Wala ka na bang hang-over?" Umiling naman siya. "Akala ko meron pa, may advil kasi sa cabinet pangpaalis ng—"
"Ganyan ka rin ba sa kapatid ko?" Natigilan ako. Ibinaba ko naman ang kutsara’t tinidor na hawak ko bago siya tipid na nginitian at umiling.
"Iba ka naman kasi sa kapatid mo." Natawa naman siya. "Sa katunayan ayaw ko sa kapatid mo." Itinagilid niya ang kanyang ulo at umupo sa aking harapan.
"Ayaw mo sa kanya?" Tumango ako. "E, paano mo naman nasabing iba ako sa kanya?"
"Ang nararamdaman ko." Natigilan naman siya.
"You have feelings for her?" Mabilis akong umiling.
"Hindi ‘yon maaaring mangyari."
"Why? You two are getting married soon." Napakagat labi naman ako. "Alam mong mahirap pumasok sa ganyang sitwasyon kung wala naman kayong nararamdaman para sa isa’t isa."
Alam ko naman ’yon.
"This is just fixed marriage. Ginagawa namin ’to para sa business ng mga pamilya namin at—" Para sa kaligtasan ko.
"Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kapatid ko?" Natigilan at natahimik ako dahil sa kanyang sinabi. "I see. Forget it. I still like you naman." Ininom na niya ang kanyang kape. "Continue." Tumango naman na ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko.
Nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan bago siya tuluyang umalis. Kinuha ko ang cellphone ko at idinayal ang number ni Carina.
"Yes, cousin?"
"Alam mo na ba kung nasaan si Lolo?" Wala akong narinig na sagot mula sa kabila. "Rianne, tinatanong kita."
"Wala. Si Lolo hindi niya gustong hanapin mo siya."
"I'm worried. He’s my lolo tapos hindi man lang niya ako kino-contact. Hindi man lang niya ako tinatanong kung ayos lang ba ako. Ibang klase." Mahinang saad ko at agad naman akong nakaramdam ng lungkot.
She sighed. "To be honest. He's always asking me kung ayos ka lang ba talaga. Alam niya na rin ang nangyari sa iyo at hindi niya gusto na nag-aalala ka sa kanya. Isa pa dapat ‘yang sarili mo ang inaalala mo kasi palagi kang napapahamak."
"Carina, ayaw ko naman na siya lang ang nagtatanong sa akin."
"Gano’n din ang sinabi ni Lolo. Huwag kang mag-alala kay Lolo, maraming nagbabantay sa kanya. Isa pa naandon naman ang Daddy at Stepmom mo, isa pa hindi siya maiinip doon dahil sa kapatid mo." Bumuntong hininga ako. Sabagay tama naman ang sinabi ni Carina. Hindi nga maiinip si Lolo dahil naro’n ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023