Episode 8

8 1 0
                                    

Episode 8:

PEACH





Pabagsak na umupo ako sa sopa at tumingin sa kawalan. Napapaisip tuloy ako dahil pamilyar 'yong babaeng kausap ni Venice kahapon. Parang nakita ko na siya noon hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan.

"Sunshine?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Gallier. " Tumayo ako't ngumiti sa kanya. Ilang araw na rin kasi ang nakakaraan mula nang bumibisita siya rito. Alam niya kasi na umaalis ang kapatid niya t'wing weekends.

"I'm here to invite you." Napaawang ang labi ko.

"Invite?"

"Amusement park." Lumawak naman ang ngiti sa labi ko. "Napag-isip isip ko kasi na bored ka na rito."

"Oo nga, eh."

"Magbihis ka na't pupunta na tayo." Tumango naman ako.

Naligo naman ako’t nagbihis ng white t-shirt at jeans. Ini-tack-in ko na rin sa unahan bago nagsuot ng puting rubber shoes. Pagkatapos bumaba na ako. Naabutan ko pa si Venice sa ibaba. Akala ko matatagalan siya.

"Sumama ka na lang." Narinig ko pang sabi ni Gal.

"Oo nga." Pagsang-ayon ko naman dahilan para mapatingin sila sa akin. Magkamukhang magkamukha silang dalawa at kung hindi pa ako sanay sa kanila baka malito ako.

"Bakit naman ako sasama? Mga bata lang ang pumupunta sa Amusement park."

"Sumama ka na, sis. Wala namang mawawala sa iyo." Napailing na lang si Gal ng umupo si Venice kaya naman nilapitan niya ako at itinapat ang bibig sa tenga ko. "Papayagin mo na." Bulong naman niya bago ako ini-kiss sa pisngi. "Sa labas lang ako. Kapag hindi pa siya pumayag magda-date na tayo." Bago siya umalis.


Tumingin naman ako kay Venice na masamang nakatingin sa akin. Ganyan ’yan. Hindi ko alam kung naiinis lang sa akin o nagseselos na.


"Kapag wala si Rakki si Val naman." Umupo ako sa tabi niya kaya naman napalayo siya na ikinainis ko.

"Wala akong sakit na nakakahawa. Ang arte mo." Asik ko naman. "Kaibigan ko sina Rakki at Gal. Hindi na nga kita makausap ganyan ka pa." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Umalis ka na."

"Sabi ni Gal sumama ka."

"Kapag sinabi ni Gal na pasamahin ako sinusunod mo talaga, no?"

"Isa pa gusto ko na kasama ka." Tiningnan ko siya. "Masyado ka kasing seryoso sa buhay."


"Pake mo?"


"Wala."

"Wala naman pala—"


"Kapag hindi ka pa tumayo, hahalikan na kita." Seryosong sabi ko na ikinatigil niya.

"You kidding me?" Natatawang saad pa niya.

"I'm dead serious, Ms. Salvador." Seryoso siyang tumingin sa akin. Nakita kung muli ang emosyon sa mga mata niyang hindi ko nakikita sa mga mata ni Gal.


Si Gal kasi ipinapakita niya ang emosyon niya, samantalang si Venice napakaseryoso ng mukha at sa mata mo nakikita ang emosyon na dapat ay inilalabas niya.


"Bibilang ako ng tatlo at kapag hindi ka pa tumayo hahalikan na talaga kita."


"Niloloko mo ba ako—what the heck!?" Dumukwang ako. At kung hindi niya nailayo ang mukha baka talagang nahalikan ko na siya.


Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon