Episode 10

8 1 0
                                    

Episode 10:

PEACH

Matapos ang pangyayaring ’yon hinayaan ko na lang muna si Gal. Kailangan niya rin kasi munang maka-get over. Hindi ko na rin nabanggit kay Venice kasi baka magalit ’yon sa akin. Na-reject ko kasi ang kapatid niya. At sa pangalawang pagkakataon ito ang pangalawang beses na nan-reject ako dahil sa maling oras at panahon nila ako nagustuhan.

Kinuha ko ’yong rootbeer at isang doritos bago lumapit sa casher at binayaran ang presyo. Humanap ako ng upuan at sakto may bakanteng upuan sa tapat ng babaeng busy sa kanyang ginagawa.

"Can I join you?" Tumango naman siya bago nag-angat ng tingin sa akin. Nagulat pa ako no'ng una kasi hindi ko akalain na magagawi rito si Rakki ngayong araw.

"M-ms. Pea." Ngumiti ako sa kanya bago umupo.

"I told you naman ’di ba? Pea na lang ang itawag mo sa akin kapag tayo na lang dalawa."

"H-hindi po kasi ako sanay." Napailing naman ako.

"Maiba tayo. Ano’ng ginagawa mo rito?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ah,hinihintay ko po kasi si Russel. May binili lang po sa bookstore." Napatango ako. Hindi talaga nawawala sa kanya ’yong pag-gamit niya ng 'po' sa mga tao.

"May lalaki ka palang kapatid." Umiling naman siya. "Russel, right?" Tumango siya. "Eh, hindi ba panlalaki ’yon?" She nodded.

"Unisex po kasi ang pangalang Russel." Napangiti naman ako. "Babae po ang kapatid ko." Natigilan ako.

"Napakaganda naman." Natawa naman ako.

"Kayo po?"

"Ah, ako? Wala. Balak ko lang na mamasyal mag-isa. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta ngayon." Tumango naman siya. "Pero p’wede ba akong pumunta sa bahay niyo?" Nabigla naman siya.

"P-po?"

"Bawal ba?"

"M-ms. Pea, baka po kasi—"

"Hindi naman ako masilan."

"K-kasi baka manibago ka." Nag-thumbs up naman ako sa kanya.

"Ayos lang sa akin."

"Ate—oww!" Napatingin ako sa kanya.

Naka-trentas ang reddish hair niyang buhok katulad no’ng kay Flair. May mapuputi rin siyang mga balat. Halata namang hindi galing ang mga ’to sa mahirap na pamilya.

"Rus, ito nga pala si Ms. Pea. Kaibigan siya ng amo ko." Ngumiti si Russel at umupo sa tabi ng ate niya.

"Magaganda ang kaibigan ni Ms. Rhe. Katulad na lang no’ng babaeng bumisita sa atin." Napakunot noo ako kay Rakki. "Ako po si Russel Villanueva, pangalawa po ako sa aming apat."

"Apat?"

"Apat kaming magkakapatid." Sabi naman ni Rakki.

"Mukhang masaya ’yon."

"Sumama na po kayo sa bahay para makilala niyo ang mga kapatid namin."

I smiled. "Mukhang gusto ko ang ideya mo."

Bumili muna kami ng ibang bilihin nila sa grocery bago sila pinasakay sa kotse ko’t inihatid. ’Yong expectation ko sa bahay nila mas maayos naman in reality. Isa pa kasing laki 'to nang apartment na tinirhan namin nina Flair at Charlotte in 3 months. Kung tutuusin mas malaki ’to.

At kung papasok ka sa loob mamamangha ka dahil sa mga ulilang kagaya nila halatang maayos ang kalagayan nila.

"Maganda naman ang bahay mo, Rakki." Komento ko. Maya maya pa may mga yabag akong narinig. May dalawa pang mga magagandang bata na bumaba. Mga 15+ siguro ’yong hanggang balikat ang buhok at 'yong bata mga nasa edad na 7+ siguro. "And beautiful sisters too." Nagkatinginan naman sila.

Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon