Episode 2

16 1 0
                                    

Episode 2:

PEACH



Busy ako sa pagngatngat ng kuko ko dahil andito lang ako sa kwarto ko. Napailing ako bago tumayo at kinuha ang sling bag ko bago hinanap ang aking cellphone. Idinayal ko ang number ni Carina pero hindi naman niya sinasagot. Busy kaya ’yon? Idinayal ko naman ang number ni Flair na kaagad naman niyang sinagot.


"Bawal kang mag-cellphone." Napanguso naman ako dahil boses ni Charlotte 'yon. "And what do you want to my girlfriend?" Marahang natawa naman ako.


"Parang noon itinatanggi mo pa na gusto mo si Flair tapos ngayon kung makabakod ka akala mo naman aagawin ko na."

"Hindi ko naman itinanggi na gusto ko si Flair at kung ikaw na rin lang naman ang pagseselosan ko hindi ka na makakalapit pa kay Flair. Bakit nga ba? Ano ang kailangan mo?"


"Wala. Kinu-kumusta lang naman kita. Isa pa may itatanong lang ako tungkol kay Shea." Bumuntong hininga naman siya.

"Pupuntahan ka namin d’yan sa bahay ni Rhegis." Napakunot noo naman ako.

"Alam mo ’to?"

"Malamang. Peach, masyadong matibay at malawak ang pag-unawa nina Hailey at Shea sa relasyon nila. Kung si Shea pa rin, itigil mo na. Hindi kita p’wedeng i-tolerate sa ginagawa mo kahit pa kapatid kita." Eni-end call naman na niya.


Napatitig naman ako habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Kailangan ko talagang makausap si Shea. Nagu-guilt talaga ako. Sana mapatawad niya pa ako matapos sa nangyari. No feelings. Alam ko naman na hindi na kami p’wede ang mali ko lang ay hindi ako maging totoo sa sarili ko mismo.


"Uhurm…"Napatingin naman ako sa pekeng tumikhim. " Are you done?" Napakunot noo ako.

"Done?"

"Thinking your lover." Umismid naman ako. Mukhang kagigising lang niya at basa pa ang kanyang buhok. "
Done checking me out?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano bang ginagawa mo rito?" Isinara niya ang pinto matapos niyang pumasok.

"This is my house, Peachy." Napangiwi naman ako.

"I don't care if this is your house and don't called me Peachy hindi naman Peachy ang pangalan ko dahil walang 'y' sa pangalan na ibinigay ng parents ko sa akin." Sumipol naman siya bago pinagkrus ang braso sa tapat ng kanyang dibdib.

Nakasuot siya ng itim na sando at tinernuhan ng itim na jogging pants. Hilig niya sa itim kanina naka-black outfit din siya. Mas bagay sa kanya dahil ang ganda niyang tingnan. Napailing naman ako bago nag-iwas ng tingin. Baka kung ano pang isipin niya.

"Ang sabi ng doctor mo p’wede na raw tanggalin ang bandage mo. Sa ngayon kakain muna tayo ng dinner." Tiningnan ko naman siya.

"Bakit?"

"Anong bakit? Hapon na. Talagang kailangan nang kumain ng dinner."

"Bakit mas mahahaba ang tagalog na sinasabi mo ngayon?" Inirapan niya ako bago binasa ang labi niya gamit ang kanyang dila. Hot! Napalunok naman ako't tumayo na. "Kakain lang naman pala. Tara na?" Tiningnan lang naman niya ako bago binuksan ang pintuan saka lumabas sumunod na lang naman ako.

Kumain lang kami ng dinner at pagkatapos nagpaalam na rin ako dahil aayusin ko pa ang gamit ko. Kailangan ko rin nga pa lang basahin ’yong email na isenend sa akin ni Carina bago mangyare ang aksidente sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng damit na isusuot ko ng muling bumukas ang pinto.

Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon