Episode 18:
PEACH
Pagkamulat pa lang ng mga mata ko bumangon kaagad ako bago pumunta sa terrace ng kwarto ko. Agad ko namang natanaw ang yatch. Nakatulog kaya ng maayos si Venice?
Mabilis naman aking gumalaw at ginawa ang morning rituals ko bago bumaba na kaagad. Nang marating ko ang lobby nakita ko si Tamara do'n. Ano ang ginagawa niya rito?
"Good morning..." Tiningnan ko lang siya kaya naman bigla siyang ngumuso. "Ganyan mo ba tatratuhin ang pinsan ng mapapangasawa mo?" Natigilan naman ako. "Hay naku,mainit talaga ulo mo sa akin. Aalis na ako." Mabilis na umalis naman siya sa harapan ko.
Bumili naman ako ng kape bago naglakad papuntang yati. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko dahil ginagawa ko ang bagay na 'to. Wala naman akong pakialam sa kanya-Nang makaakyat ako agad na natigilan ako ng makita ko siyang lumabas. Naka-white long sleeve polo siya at...black na underwear?
Guard may hubad dito!
Napailing naman ako bago pekeng tumikhim dahilan para mapatingin siya sa akin. Akala ko sisimangutan niya ako pero bigla na lang siyang ngumiti at humakbang palapit sa akin kaya naman nataranta ako.
Potangina naman oh.
"You okay? You looked tense." Hinawakan niya ang pulsuhan ko at agad na dumaloy ang milyon-milyong bultahe ng kuryente sa aking katawan.
"...?"
"Pumunta ka ba rito ng ganito kaaga para lang dalhan ako ng kape?" Napatingin ako sa hawak kung kape. Binitawan niya ako sa pulsuhan.
"Hindi ko naman ibibigay sa iyo itong kape." Natigilan siya't natawa.
"Akala ko pa naman." Iniabot ko sa kanya ang cup kaya natigilan siya. "Oh, akala ko ba hindi para sa akin 'yan?"
"Hindi nga." Mas iniabot ko sa kanya. "Keep it. Baka magbago pa isip ko." Mayabang na tonong saad ko. Natawa siya't umiling bago kinuha ang kape.
"Baka magbago pa ihip ng hangin." Inalis niya 'yong takip at inamoy amoy ang laman no'n. Para siyang modelo ng kape e, sa simpleng galaw niya bigla na lang nababago ang lahat.
Nag-iwas ako ng tingin. "Andito ako para i-check ka. H-hindi ka ba giniginaw?"
"Hindi naman." Tumango na lang ako. "Ikaw ba? Giniginaw ka ba?" Umiling din naman ako. "Naiinitan?" May kinuha siyang upuan. "Upo ka na muna." Umiling ako.
"Paalis na rin ako."
"Bilis naman." Tumaas ang kilay ko nang umupo siya sa upuang ino-offer niya kanina sa akin. Pinag-krus pa niya ang kanyang mga hita. She's wearing black panty for god sake and sitting like that.
Sarap sipain no'ng upuan e.
"...!"
"Mamaya na. Upo ka na lang."
"Saan ako uupo? Inupuan mo na."
"Dito." Tinapik niya ang kanyang hita. "Kumalong ka na lang sa akin." Bago siya ngumisi. Napailing na lang ako para matakpan ang kahihiyang bumabalot sa akin ngayon.
"Aalis na ako." Tumayo siya't humakbang palapit sa akin.
"Mag asikaso ka na lang din para makakain na tayo." Hindi niya pinansin ang sinabi at bagkus ay hinawakan niya ang dulo ng buhok ko. "Venice..." Naramdaman ko rin ang kamay niya sa bewang ko."Ate?" Naitulak ko si Venice palayo sa akin bago nilingunan ang pinanggalingan ng boses. "Sorry..."
"I need to go." Mabilis na saad ko.
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023