Episode 7

3 1 0
                                    

Episode 7:


VENICE





After that incidents at makalipas ang limang araw lumabas na ulit siya at hindi ko inaasahan na tatawag sa akin ang lolo niya. Gusto niya nang makita si Peach dahil nag-aalala na siya.


"Rakki, sa tingin mo alin ’yong mas bagay?" Napatingin ako sa kanila. Nasa garden sila at may kung ano’ng ginagawa.


"S-sa tingin ko po ito." Na-curious tuloy ako.



"Hay naku! Ang inosente mong tingnan. Ang cute cute mo talaga." Hahakbang na sana ako palapit sa kanila pero bigla na lang may humawak sa braso ko bago ako hinalikan sa pisngi.


"What the fvck!?" Itinulak ko siya palayo sa akin pero agad akong napakurap ng makita ko ang mukha ni Tamara. Nakataas ang kilay niya habang naka-krus ang mga braso.


"Ganyan ka ba talaga sa akin?" Napasimangot naman ako.


"What are you doing here?" Napalingun naman ako nakita ko sina Rakki at Peachy na nakatayo.


"Who's that two pretty girl?" Hindi ako nagsalita. "Are you deaf, ma'darling?" Nilapitan niya ako't ipinulupot ang kamay sa braso ko.



"Mag usap tayo sa office." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko bago siya tinalikuran.



Isinara ko ang pintuan bago siya hinarap. Ano bang kailangan ng isang 'to? At bakit andito siya ngayon. Akala ko nasa New York siya ngayon dahil doon siya nag-aaral. Nakakapagtaka lang na narito siya ngayon.



"Kailan ka pa bumalik?" She smiled at me.



"Why? Ayaw mo ba na naandito ako?"



"I'm asking, why are you here? Ang alam ko nasa New York ka ngayon."



"Bumalik ako dahil sa iyo." Napahawak naman ako sa ulo ko. "Cousin, alam ko na nahihirapan ka na. Nabalitaan ko ang nangyari. Ito, payong pangpinsan lang , ha? Itigil mo na ang pakikialam sa mga Rouge." Masamang tingin lang ang ibinato ko sa kanya.



"Nahihibang ka na ba?"


"Hindi. Ang iniisip ko lang ay ang kaligtasan mo. Ven, hindi madaling makalaban ang nasa organization. Kapag kinalaban mo sila mapaparusahan ka."


"Pero ginagawa nila ang ginagawa ko. Sila ang nauna. Kinalaban nila ang Rouge. Napahamak ang nag iisang apo ni Chairman Solomon." Pinaningkitan naman niya ako.



"Nag iisang apo? Sabihin mo nga ‘yong totoo. Bakit nga ba itinataya mo ang buhay mo para sa isang tulad niya? Gusto mo na ba siya?" Umikot naman ako at umupo.


"Si Chairman Solomon ang isa sa makapangyarihang tao rito. Pumapangatlo siya. Ang Salvador pumapangalawa sa mga Luna habang kapantay namin ang mga Mallari. Naiintindihan mo ba? Kapag nataasan ng Salvador at Rouge ang Mallari magiging pangalawa ang company at magiging malakas ang pamilya na'tin."



"Huwag mo nga akong paikutin. Kahit ganyan ka katalino at katapang hindi mo maitatago sa akin ang nararamdaman mo. Akala mo ba mapapaniwala mo ako na ’yon lang ang dahilan?"


"Hindi ko naman kailangan na papaniwalain ka, Tamara."


"Isa pa. Imposible naman na hindi niya ako kilala. Kanina, tingnan lang niya ako. Napansin mo ba 'yon? Magkakasama tayo noon sa iisang kwarto para sa training." Napahawak ako sa ulo ko. "Bakit nga ba siya nawala noon? At ngayon hindi na niya ako kilala. Ibang klase naman."



Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon