Episode 22

3 1 0
                                    

Episode 21:

VENICE



"Cheers!"

Sabay sabay na itinaas namin ang bago at pinagbangga kaya lumikha 'yon ng isang ingay. Nagtawanan siya kaya napasulyap ako kay Peach. I like her smile.

"Twinny, alagaan mo ang sunshine ko! Dahil kung hindi aagawin ko siya sa iyo." Alam ko na biro lang ’yon pero nainis pa rin ako.


"Kahit ganyan ang kapatid mo na ’yan alam naman na’ting lahat na gusto niya rin si Peach kahit ayaw niyang aminin." Segunda pa ni Tamara.


"Mukhang huli na talaga kami." Sabi naman ng Dad ni Peach.

Napasulyap ako kay Peach na tahimik kaya nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi.

"You okay?" Untag ko naman sa kanya.

"Y-yeah."

"You sure?" Ngumiti siya sa akin bago ako nginitian. "If you’re not okay I can escort you papunta sa unit na'tin." Umiling naman siya.

"Ayos lang ako, don’t worry." Tumango naman ako.


Nagkaroon ng sayawan ang kasal namin parang isang birthday party lang pero ayos na rin ’yon. Hindi ko na rin nakita si Plea, sadyang sumaksi lang siya sa kasal naming dalawa ni Peach.


Pero ayos na rin ’yon alam kung hindi naman siya makakasali sa kasayahan dahil marami pa siyang kailangan tapusin at isa pa hindi talaga siya p’wedeng magpakita sa iba.


"Ikaw na ang bahala kay Peach." Tumango ako kay Tita.

"Opo, Tita."


"From now own, Mommy na rin ang itawag mo sa akin." Tumawa ako sa kanya. "Huwag kang mahihiya."

"Opo." Napansin ko na okay na silang dalawa ni Peach. "Masaya po ako dahil okay na kayo ni Peach."

"Salamat sa iyo." Ngumiti ako sa kanya.

"Ayos lang po 'yon. Isa pa alam ko naman po na mapapatawad kayo ni Peach. Malambot kasi ang puso niya."

"To protect her sister mas nasaktan ko si Peach." Natigilan ako. "Para rin naman sa kaligtasan niya kaya ko ginawa ’yon sa kanya. Kung hindi namin ginawa ang bagay na ’yon mas mapapahamak lang si Peach. Alam na’ting may ibabang kakayahan si Peach at mas mabuti nang hindi siya makaalala."

"A-alam niyo po na hindi patay si Plea?" Napatingin siya sa akin.

"Mukhang alam mo na ring buhay si Plea." Napatango naman ako.

"Nangako po kasi ako sa kanya na hindi ko sasabihin sa kahit na kanino." Hinawakan niya ang kamay ko.


"Napakabuti mong kaibigan, Venice." Tinapik niya ang balikat ko. "Maiwan na muna kita."


"Sige po." Ngumiti siya sa akin bago ako iniwan.

Ano bang plano niyo kay Peach? Sana mas magiging dahilan ’yon para mailigtas siya. Kung sa plano ninyong ’yan mapapahamak siya hindi ako magdadalawang isip na kalabanin kayo.



"Twinny!" Napatingin ako sa kanya. "May regalo ako sa iyo." May kinuha siya sa kanyang bulsa.


"Ano ’yan?"

"Pang-pagana."

"Gago ka ba!?" Asik ko sa kanya habang nag iinit ang mukha.

"Bakit? Gusto kong magkaroon ng pamangkin." Binatukan ko naman siya. "Aray!" Inilagay naman niya sa bulsa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painted Flames || (On-going) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon