Episode 21:
PEACH
Napansin ko ’yong babaeng may kulay pink na buhok na naglalakad sa tabing dagat. Mukhang tama nga si Venice na guest lang siya ng resort. Bagay rin sa maputi niyang balat ang pink na buhok.
"Andito na naman na tayong lahat may ia-announce na ako." Napatingin ako kay Lolo. Katabi niya si Mom at Mommy ni Venice. "Hindi namin ’to sinabi sa inyong dalawa dahil surprise." Bumuntong hininga naman ako. Nang makaalis ang mga pinsan namin at naiwan kami bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin.
"What kind of surprise?"
"Pea."
"Hindi naman na po surprise ‘to. Mula nang pumunta kami rito ni Venice, nag-isip na ako at ngayon parang alam ko na. Kaya ano naman pong surprise do’n?" Bigla na lang may humawak sa kamay ko at nakita ko si Venice na nakatingin sa akin.
"Calm down." She mouthed kaya naman tumango ako.
"Tama ka. Hindi na ’to surprise, apo. Alam mo naman kung bakit namin ito ginagawa hindi ba?" Tumango ako.
"Sa tingin ko dapat ang mga bata na ang magdesisyon. Malalaki na sila." Sabat naman ng Lolo ni Venice. "Kung itutuloy pa ba na’tin ang kasal na ’to. Masyadong komplikado na ang mga bagay bagay, isa pa nag usap kaming dalawa ni Venice." Natigilan ako at napatingin kay Venice.
"Now, I guess it's time to decide your own. You're right hindi naman kailangang lahat ay may kapalit."
Ito ba ang tinutukoy niya? "Pero naandito na rin naman. Handa na ang lahat." Sabat ni Lolo.
"Kung ano po ang desisyon ni Peach." Magalang na saad ni Venice. "Siya po ang madedesisyon dahil may karapatan din po siya." Binitawan niya ang kamay ko. "Igagalang ko po kung ano ang desisyon ng apo niyo, Mr. Solomon."
"Apo?"
"Ija, itutuloy pa ba na'tin 'to?" Tanong ni Daddy. "Anak, hindi naman namin kayo pipilitin na dalawa." Bigla na lang akong natuyuan ng lalamunan. Tumingin ako kay Venice, tumango siya.
"Peach, it's okay." She smiled at me.
"Apo—"
Mariin akong pumikit bago hinawakan ang kamay ni Venice. Alam ko na nagulat siya pero ito na ang desisyon. "I will marry her." Natahimik naman ang lahat. Tumingin ako kay Venice na bakas din sa mukha ang pagkagulat. "Ito ang desisyon ko, Venice."
"Ang sabi mo—"
"Choice ko ’to."
"So, tuloy na talaga 'to? Excited na talaga ako."
"Mom..." Saway naman ni Venice sa Mommy niya.
"Mabuti naman kung gano’n. So, paano ba ’yan tuloy na ang kasal mamaya."
"Ho?" Sabay na tanong namin ni Venice kaya naman nagkatinginan kaming dalawa.
"Sinigurado lang namin dahil baka mamaya umatras kayo." Humigpit ang kapit ni Venice sa kamay ko.
Nakaupo lang ako rito sa tabing dagat. Palubog na ang araw at maya maya lang magsisimula na ang kasalan na ’to. Kinakabahan na talaga ako.
"Anak?" Napalingun naman ako. "Napakaganda mo sa suot mo."
"T-thank you po."
"Forgive me..." Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. "Umaasa ako na sana mapatawad mo ako. Kahit hindi ngayon, maghihintay naman ako." Hindi ako nagsalita. "Just give me a second chance, anak. Kahit lumuhod ako gagawin ko."
BINABASA MO ANG
Painted Flames || (On-going) ||
Short StoryUniversity Series #03: Peach Saint Rouge and Venice Rhegis Salvador "Fullfill your promise...stupid." ©shaitamad Allrightreserved2023