NASA parte kami ng beach na puro bato. Ang ganda ng view dito. Dahil medyo mataas ang pwesto namin ay kitang kita ko ang kaunting kabuuan ng beach.
"Palawan is a nice place," Xaitan said. "That's why my parents chose to live here."
Napatango ako. "Ibig sabihin ay taga dito ka talaga?"
"Yes," naupo ito sa isang bato. "But I chose to work to Manila."
"Ang layo ng biyahe mo," naupo ako sa katabi niyang bato. "Hindi kaba napapagod? Pilot ka rin, ang dami mong trabaho."
"My mom told me to follow my dreams and I follow them all," natawa ito. "I want to be a director, I want to be a pilot, I want to be a business man. Lahat ng pangarap ko ay kinuha ko."
"Ang sipag mo. Ikaw pa lang ang nakilala kong lalaki na ganiyan kasipag," manghang sabi ko.
"Ikaw? Artista ba talaga ang pinangarap mo?" he asked, curiously
"Teacher talaga ang gusto ko noong bata ako, pero noong nag high school ako ay nilapitan ako ng isang babae at inalok na maging artista biglang nag iba ang desisyon ko." kwento ko. "Pinili kong maging artista at makita sa T.V. Nagbabakasali rin kasi ako na baka kapag naging artista ako ay makita ako ng tatay ko at puntahan ako. But I was wrong, dekada na ay hindi pa rin niya ako hinahanap. Iniwan niya talaga ako."
"You want me to help you to find him?" seryosong tanong ni Xaitan.
Umiling ako. "Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw ako. If he don't want me to be his daughter, It's fine. Nandito naman ang step father ko na nagpaka-tatay sa'kin. Hindi kona siya kailangan ngayon."
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ni Xaitan kaya bigla akong nahiya.
"You're so strong," sabi niya.
Natawa lang ako at napailing.
Ilang minuto pa kaming tumambay sa lugar na yun bago namin napagdesisyunan na umalis. Ang dami pa naming pinuntahan ni Xaitan at masasabi kong sobrang worth it ng paglalakad namin.
"Are you hungry?" tanong nito habang naglalakad kami pabalik kila mama.
Tumango ako. "Kaya nga ang bilis kong maglakad."
Natawa ito. "Pwede tayong kumain, may malapit na kainan dito."
"Hindi na, pinagluto kasi ako ni tito at yun ang gusto kong kainin. Salamat sa offer."
Nang makarating kami sa pwesto nila mama ay nagliligpit na ng pinagkainan ang mga ito. Mukhang katatapos lang nilang kumain.
"Hindi kana namin nahintay," sabi ni mama. "Sinubukan naman namin kaso gutom na talaga kami."
"Mama, okay lang po." binalingan ko ng tingin si Xaitan. "Tara, kain tayo. Masarap ang luto nila tito kaya siguradong mabubusog ka."
"Tama siya, dito kana kumain." sabi ni tito.
Tumango naman si Xaitan at naglakad palapit sa gawi ko. Naupo kami sa picnic blanket. Ipinaghain naman kami nila mama bago umalis ang mga ito para lapitan yung dalawa naming kapatid na nasa dagat kaagad.
Nagsimula naman kaming kumain ni Xaitan, dahil masarap ang pagkain ay naghugas ako ng kamay at nagkamay na lang sa pagkain. Ginaya naman ako ni Xaitan.
"Masarap diba?" tanong ko sa kaniya.
Tumango lang ito at busy sa pagkain. Natawa na lang ako habang nakatingin sa mukha niyang puro sauce.
"Ang dungis mo," natatawang sabi ko at kumuha ng tissue. "Tigil ka muna, pupunasan ko ang mukha mo."
Tumigil naman ito at humarap sa'kin. Pinunasan ko ang mukha niya pero natigilan ako nang tumitig na ito sa'kin.
"Sorry, feeling close." nahihiyang sabi ko.
"It's okay," nakangiting sabi nito. "You can touch whenever you want. Sa hawak mo lang ako kumportable."
Sinuklian ko lang ng ngiti ang sinabi niya. Nagpatuloy lang kami sa pagkain at halos mapatawa kami dahil naubos namin yung pagkain.
"Malalang diet ang magaganap sa'kin nito," sabi ko at napahawak sa tiyan kong busog. "Mukhang pupurgahin ako ng salad ng manager ko."
"Hindi mo kailangang mag-diet," sabi niya. "Maganda ka, lalo na siguro kung nadagdagan ang timbang mo."
"Bolero ka pala," natatawang sabi ko.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse naman ito bago tumayo at sagutin ang tawag. Pinagmasdan ko lamang ito habang sinusuklay niya ang buhok niya gamit ang kaniyang mahahabang daliri.
I know it's sounds OA but he looks like a god, parang nabubuhay siya ngayon sa panahon nila Zeus.
Ilang minuto pa nitong kinausap ang nasa tawag bago nito ibaba ang cellphone at tumingin sa'kin. Napatuwid naman ako ng upo at napaiwas ng tingin.
"I need to go," paalam niya. "May importanteng trabaho ako ngayon."
"Ingat ka," tumayo ako. "See you na lang sa trabaho, next week."
"Bakit next week? We can meet anytime you want," nagtaka ako nang ilahad nito ang cellphone niya. "Put your number here. I'll text you once my work is done."
"I-te-text mo ako?" itinuro ko ang sarili ko. "Bakit kailangan mo akong i-text?"
Tumaas ang isang kilay nito. "So, I can update you?" patanong niyang sagot. "And for some update for our upcoming movie."
"May upcoming movie ulit!?" gulat kong tanong.
"Hmm," tumango ito. "You're the main character."
Dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko ay wala sa sariling patalon ko siyang niyakap. OMG! Ito ang unang beses na magiging bida ako sa isang pelikula. Sa tagal kong artista ngayon lang ata may naka-discover ng totoong talent ko.
Nabalik lang ako sa ulirat nang tumikhim si Xaitan. Napakurap kurap ako at mabilis na humiwalay sa kaniya.
"Sorry," sabi ko at kinuha yung phone niya. "Sobrang saya ko lang talaga, sorry."
"It's okay," pigil ang ngiting sambit nito.
Nang matapos kong ilagay ang number ko sa cellphone niya ay agad kona itong ibinalik sa kaniya.
"I'll go now," paalam nito. "Looking forward to your reply."
Lumapit ito sa'kin at ginulo ang buhok ko bago tumalikod at tuluyang umalis. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at wala sa sariling napahawak sa ulo ko.
"Ang anak ko ay nakangiting mag isa," mabilis kong pinaseryoso ang mukha ko nang biglang sumulpot si mama, kasama si tito. "Yun na ba yung boyfriend mo?"
"Ma, hindi ko po siya boyfriend. Director ko po siya," sambit ko.
"Anak, okay lang naman sa'kin kung maghahanap kana ng taong magpapasaya sa'yo." sabi ni mama. "Basta pumili ka nung aalagaan ka at kayang ipagmalaki."
"Ma, wala namang nagkakagusto sa'kin." mapait kong sabi. "Lahat ng lalaki nilalayuan ako dahil sa kulay ko."
"Ano bang mayroon sa kulay mo?" takang tanong ni tito. "Aba, katanga tanga naman ng mga lalaking iyon. Ang ganda ganda mo tapos ayaw sa'yo?"
"Tito naman..."
"Sciryn, wag mong ibaba ang sarili mo dahil lang hindi ka gusto ng ibang tao. Hindi kami papayag ng mama mo na ibinababa mo ang sarili mo," sabi ni tito. "Taas noo ka lagi, anak. Wag kang magpaapekto sa sinasabi nila. Maganda ka at mahal na mahal ka namin."
Nanggilid naman ang luha ko at niyakap siya. "Salamat po, tito. Salamat sa pagiging papa ko."
"Salamat sa pagtanggap sa'kin bilang ama mo," sabi nito na tuluyang nagpatulo ng luha ko. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo ng mga kapatid mo. Nandito lang ako lagi, tandaan mo yan."

BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
ActionShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...