"SCIRYN, nasaan ang tito mo!?" agad na tanong ni mama nang makarating sila ng hospital. "Anong nangyari sa kaniya?"
"Nasa operating room po siya," umiiyak kong sagot. "Mama, ayaw kong mawala si tito. Ayaw kong mawalan ng papa."
Lumapit naman ito sa'kin at niyakap ako. Magmula nang makarating kami ng hospital ay hindi na ako tumigil sa pag iyak. Nasa operating room si tito at halos dalawang oras na ay hindi pa rin siya inilalabas. Si Xaitan naman ay biglang nawala, hindi ko alam kung nagpaalam ba ito sa'kin o hindi. Wala ako masyado sa sarili kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
"Kumalma ka, anak." sabi ni mama at pinahid ang mga luha ko. "Magiging ayos lang ang tito mo, tumahan kana."
Tumango na lang ako at pinigilan na ang pag iyak pero ayaw talaga. Bumukas ang pinto ng operating room kaya mabilis akong napatayo at napatakbo sa doctor.
"The patient is stable now," sabi nito. "Hindi nga lang natin alam kung kailan siya magigising."
Parang nakahinga ako nang maluwag, nanlambot bigla ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay nahilo ako. Bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig ay may mga braso nang sumalo sa'kin.
Nang magising ako ay bumungad sa'kin ang isang puting kisame. Bumangon ako at napagtanto kong nakahiga ako sa isang sofa bed.
"Are you hungry?" Napalingon ako sa nagsalita. Gulat ang gumuhit sa aking mukha nang makita ang isang lalaking nakatayo at may bitbit na isang plastic bag.
"Nasaan ako?" Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa huminto iyon sa isang taong nakahiga sa hospital bed. "Tito!"
Agad akong tumayo at nilapitan ito. Wala pa rin itong malay at namumutla ang mukha nito.
"He's okay," dinig kong sabi ni Xaitan. "Baka raw mamaya ay magising na rin siya."
Napatango naman ako.
"Come here, you need to eat first." Nilingon ko si Xaitan at inaayos nito yung mga binili niyang pagkain. "Come here."
Naglakad naman ako palapit sa kaniya. Naupo ako sa sofa at agad naman nitong inilapit sa'kin ang isang tupper ware na may kanin at spam. Inilapit niya rin sa'kin ang isang basong gatas na mainit init pa.
"Babalik daw mamaya ang mama mo," sabi niya at naupo sa tabi ko. "Siya naman daw ang magbabantay sa tito mo."
Tumango ako at nagsimula ng kumain. "Maraming salamat sa tulong mo ah? Mabuti na lang at nandoon ka."
"Pupuntahan sana kita," sabi nito na ikinatigil ko. "I want to see you that time, then I heard gun shot. The next thing I heard was your voice and cry."
"Nakita mo ba yung bumaril?" tanong ko. "Nahuli ba yung gumawa non?"
"Someone killed the gunman," walang emosyong sabi nito. "They found the gunman head in front of police station."
Hindi ko alam pero nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Nang matapos ako ay sakto namang bumukas ang pinto at iniluwal si mama, kasama ang dalawa kong kapatid.
"Umuwi ka muna," sabi ni mama. "Kami munang bahala sa tito mo. Tumawag din sa'kin si Delaney at sinabing malapit nang bumaba ang eroplanong sinasakyan niya."
Tumango ako. "Babalik po ako mamaya, kapag nagising agad si tito tawagan niyo po ako, ah?"
"Oo, mag iingat ka."
Niyakap ko muna sila bago lumabas ng hospital room. Alam kong nakasunod sa'kin si Xaitan kaya binagalan ko ang lakad ko para magpantay kami.
"Hatid kita," sabi niya. "Samahan muna kita hangga't wala ang kaibigan mo, baka may mangyari sa'yo."
"Hindi n–"
"–Just let me take care of you, please.."
Napatango na lang ako at umiwas ng tingin. Sumakay kami ng kotse niya at tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana.
Hanggang sa makarating sa hotel room ay nakasunod sa'kin si Xaitan na pinabayaan kona lamang.
"Upo ka muna," sabi ko sa kaniya. "Maliligo lang ako, ah?"
"Take your time," nakangiting sabi nito.
Agad naman akong dumiretso sa kuwarto ko. Kumuha muna ako ng susuotin at tuwalya bago dumiretso sa banyo. Saglit lamang akong naligo dahil nakakahiya kay Xaitan.
Lumabas ako ng kuwarto habang nagsusuklay ng buhok at natagpuan ko itong nakaupo lang sa sofa habang kinakalikot ang cellphone niya.
"Wala ka bang ibang gagawin?" naupo ako sa tabi niya.
"You want me to leave?" mabilis akong umiling. "Then, I will cancel all my appointment."
"Maraming salamat," nakangiting sabi ko. "Pasensiya na rin kung nakakaabala ako sa'yo."
"Hindi ka naging abala sa'kin," kinuha nito ang suklay sa'kin. "Let me comb your hair."
Napalunok naman ako at napatango na lang. Tumalikod ako sa kaniya ng kaunto at siya naman ay sinimula nang suklayin ang buhok ko.
"You have a beautiful hair," sabi nito. "It suits to you skin and beautiful face."
"Grabe kana mambola, Mr. Director."
Natatawang nilingon ko siya pero agad napawi ang ngiting iyon nang makita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Halos isang dangkal na lamang ay maglalapit na ang labi namin.
"You making me crazy by your beauty," malambing na sabi nito.
"SCIRYN!" mabilis akong napalayo sa kaniya nang may sumigaw.
Gulat akong napalingon sa pinto at natagpuan ko doon si Delaney na bitbit ang kaniyang maleta. Gulat din ang mukha nito habang naglilipat lipat ang tingin sa'kin at kay Xaitan.
"OMG!" napatakip ito sa kaniyang bibig. "What's the meaning of this? Sciryn Jamberry Marquez."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ang OA mo, Delaney Jade Ramos."
"So? Ano ngang ganap?" nakangising naglakad ito palapit sa'min. "Hello, direk. Hindi ko naman alam na binabakuran mo pala itong kaibigan ko."
"Sira ka!" hinila ko siya at mahinang kinurot. "Sinamahan lang ako ni Xaitan, alam mo naman yung nangyari kay tito diba?"
"Wow, first name basis na, ah?" humalakhak ito. "Infairness, bagay naman kayo."
"Delaney, umayos ka nga!" inis kong sabi. "Pasensiya kana, Xaitan, may sayad kasi sa ulo ang isang 'to."
Natawa lang si Xaitan at tumayo. "I think I need to go now? Babalik ako mamayang lunch, dadalhan kita ng pagkain."
"Salamat," sabi ko. "Ingat ka."
Tumango lang ito at lumabas ng hotel room. Nilingon ko naman si Delaney at parang tangang nakangiti ang gaga.
"Ikaw ah!" tinusok nito ang tagiliran ko gamit ang daliri niya. "Kaya pala niligtas mo siya kahit hindi nalulunod."
"Delaney!"
"Nasa dagat pala ang forever," halakhak nito. "Sana pala sumisid rin ako."
"Hindi ka sumisid, pero nagpunta ka sa maling shooting place." nginisihan ko siya. "Anong napala mo? Ayan, kinasal ka."
Siya naman ang napasimangot kaya malakas akong napatawa.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
AçãoShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...