SCIRYN
"NGAYON ang filming ng movie niyo tapos ganiyan itsura mo?" sita sa'kin ng kaibigan ko habang tinitingnan ako, mula ulo hanggang paa. "Seriously?"
"Hindi ako pupunta," mahinang sabi ko. "Siguradong pupunta yung manager ni Kylene, baka ipahiya na naman ako nun."
Si Kylene ay ang bidang gumanap sa movie, sikat na sikat ang artisang ito at kilala nationwide. Hindi kagandahan ang ugali ni Kylene, lalo na ang manager niyang bading. Lagi ako nitong pinahihiya sa harapan ng mga tao na hindi kona lamang pinapatulan.
"Girl, kapag naiinis sa'yo. Lalo mong inisin," sabi nito. "Wag kang magpaapekto sa bading na yun, don't be loser just for him."
"Delaney–"
"–shut up!" Itinulak ako nito papasok ng condo ko. "Magbihis kana, hihintayin kita sa sala mo. Be elegant and beautiful, kahit ganoon kana."
Napahinga na lang ako nang malalim at tumango. As if naman may magagawa pa ako kapag nagdesiyon siya.
Nagtungo ako sa kuwarto ko at dumiretso sa banyo, saglit lang akong naligo dahil wala na naman akong ginagamit o binababad sa katawan. Dumiretso ako sa closet ko at namili ng damit.
I chose to wear backless black dress. I love wearing black, because it's reminds me my colors. Mas bagay rin kasi ang kulay na itim sa balat ko. Pinares ko sa dress ko ang isang black sandals with two inches heels.
I just put some light make up and took my bag before going out. Nadatnan ko si Delaney na pabukakang nakaupo habang nanonood ng T.V.
Mukhang naramdaman nito ang presensiya ko dahil tumingin ito sa'kin. Kuminang ang mga mata nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Ganiyan ang sinasabi ko! Hindi sa ikinakahiya kita kapag wala kang ayos ah? Mas maganda ka kapag walang ayos, kaso need natin inisin yung mga inggitin sa'yo eh. Push natin lalo ang ganda mo."
Napailing ako. "Pabayaan na lang natin sila, hindi ko naman ikayayaman yung pagkainis nila sa'kin."
"Yes, hindi mo ikayayaman." she off the T.V. "Pero hindi masamang gumanti paminsan-minsan."
Kumindat ito sa'kin bago ako hilahin palabas. Dumiretso kami sa elevator at agad pumara ng taxi nang makalabas ng building.
"Excited na ako sa exposure mo," nakangiting sabi nito. "Biruin mo yun? Three roles ka lang dapat pero naging isa ka sa main cast. Iba ka talaga, Sciryn."
Three roles lang ako dapat pero nung naging si Direk. Xaitan na ang humawak sa'min, naging isa ako sa mga main cast ng movie. Nakitaan daw ako nito ng potential at nagalingan siya sa'kin. Siyempre masaya sa pakiramdam pero nakakakungkot lang dahil nag iba ang tingin sa'kin nung ibang katrabaho namin. Iniisip nilang may something kami ng Direktor kahit wala naman.
Nang makarating sa hotel kung saan ang filming ng movie ay agad kaming bumaba ng taxi at dumiretso sa loob. Kaming mga cast muna ang makakanood, sa next week pa ito ipalalabas sa mga sinehan. Sa hotel din na ito magaganap ang celebration namin para sa pagiging successful ng movie.
May mangilang ngilang reporters na invited nang makapasok kami. Kinukuhan kami ng mga ito ng picture kaya ngumiti na lang ako.
"You look stunning," puri sa'kin ng isang babaeng reporter.
"Thank you po," nahihiyang tugon ko. "Ang ganda niyo rin po."
Saglit pa akong nakipagbatian at kwentuhan sa kanila bago kami dumiretso sa mismong loob kung saan kami manonood. Agad naming naagaw ang atensiyon ng mga tao sa loob, nang makapasok kami.
Napayuko na lang ako bago dumiretso kay Director Lambao. "Late na po ba kami? Sorry po."
"No, we're just starting." he smiled. "I'm glad you came."
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 3: Two Sides of Beast [COMPLETED]
AksiyonShe's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color. She loves her quite life even she's not that known actress. Her peaceful and quite life will be r...